Sa Panahon ni Mr. Bayani Fernando na dating Chairman ng MMDA isa siya sa nagpabago sa mga lansangan ng Kamaynilaan, ang mga sign tulad ng Public Safety Awareness para sa mga motorista at pedestrian na dating kulay green ay ginawa nyang kulay pink sa kanayang panunungkulan, Wala namang problema dito natutuwa pa nga ako sa kanya dahil dumami ang mga overpass na daanan at di na kailangang makipag-patentero sa mga motorista sa pagtawid marating mo lang ang kabilang kalsada. Nalagyan din ng maayos na karatula ang unloading at loading place ng mga pampublikong sasakyan sa EDSA tulad ng Bus. Nabawasan ang mga sidewalk vendor sa kahabaan ng Edsa particularly sa Guadalupe na nagiging sanhi ng heavy trafic lalo na sa hapon hangang sa sumapit ang gabi. Ang paglagay ng mga cctv camera para madaling ma-monitor kung saan may mga aksidente at kung saan may maluwag at pagsikip ng kalsada dahil sa traffic.Ilan lang ito sa mga magagandang nagawa ng MMDA para sa mga motorista at itoy masasabi kong kapaki-pakinabang para sa ating mga indibidual.
Pero sa kabila ng magagandang layunin ng MMDA magpahangang sa kasalukuyan. Sadyang marami parin ang di sumusunod sa ating batas, Tulad nalang ng larawang ito, napakalaki na ng letra ng pagkakasulat, at isinulat ito sa tagalog, at kung titingnan mo ay sentro at agaw pansin ito sa mga dumadaan na mga sasakyan at maging sa magbabalak tumawid patungo sa kabilang kalsada. Pero may mga kababayan talaga tayo na ubod ng pasaway. Simple lang at maikling paalala para mabasa ng publiko, at naiibang kulay para mapansin ng lahat, pero sadyang malalakas ang loob ng ilan sa atin dahil sa kanilang katamaran dumaan sa tamang tawiran.! "WALANG TAWIRAN NAKAMAMATAY" sige parin...sa pagtawid sadyang napakakulit.
Ikaw, kung isa ka sa di sumusunod sa batas kelan ka matutoto na mali at hindi acceptable bilang isang Good Filipino Citizens ang ipinapakita mong imahe sa mata ng publiko. Kelangan bang may
masaktan ka pa o madamay sa iyong di pagsunod sa batas para lang matuto ka!? Kelangan bang maaksedente ka at masugatan para matuto ka sa iyong pagkakamali, o kelangan maaksedente ka sa gingawa mo at tuluyang mawala sa mundo para matuto ka..!? Pero kong mangyari yun di ka na matutoto kc wala kana, siguro ang makakapanuod sayo sa news sa Tv baka sila ang may makuhang lesson sa ginawa mo.
Para po sa lahat, dapat maging proud tayo bilang isang Pilipino dahil nasa isang bansa tayo na malaya. Malayang gumalaw na pede nating gawin na walang limitasyon ang galaw at pamumuhay. Pero sa kabila ng ating pagiging malaya wag nating kalimutan na may mga batas parin tayo na dapat sundin para manatili ang ating kapayapaan, siguridad, at kaayusan ng bawat isa. Bilang isang concern citizens wag po nating gayahin ang mga ginagawa ng ating ilang mga kababayan na simpleng ordinansa lang para matiyak ang ating siguridad ay di pa magawa.
Posted: Lakbay Lansangan
Maganda naman talaga ang layunin ng mga batas natin kaya lang marami lang talaga ang di sumusunod dito.Kakalungkot dahil gusto pa yata ng may mangyari s akanila na di maganda para malaman nila na may nilalabag silang mga ordinansa. Simple lang naman yan di pa magawa..! Tapos pag naaksedente sila kahit kasalanan nila ang driver pa ng sasakyan ang sasampahan ng kaso..
ReplyDeleteMAS MAGANDA SIGURO KONG WAG LANG PURO WARNING SIGN ANG ILAGAY IPAYUPAD DIN ITO NANG MAHIGPIT KUNG KELANGAN SILANG HULIHIN NG AKTWAL AT PAGMULTAHIN.O KAYA HIGPITAN NG TODO ANG BATAS NATIN..MEYO LAGYAN BA NG PANGIL..PARA MATUTO NAMAN ANG MGA PASAWAY NA MGA PEDESTRIAN.
ReplyDeleteDami talagang mga Pilipino na pasaway..Dapat talaga mahigpit ang batas para sumunod ang lahat.Bakit sa abraod matitino ang mga pinoy kc mahigpit ang batas at kinakatakutan!Dapat ganon din tayo
ReplyDeleteOk
ReplyDelete