Isa sa madaling negosyo sa atin ay ang pagtatayo ng Sari-Sari Store. At halos na yata ng Barangay sa buong kapuluan ng Pilipinas ay di nawawalan kahit isang tindahan na tulad ng Sari-Sari Store. Ang mga pangunahing mabibili natin dito ay mga basic needs natin sa araw-araw tulad ng bigas, noodles, incan food, sabon at shampoo, at kasama na rin dyan ang softdrinks at Electronic Load sa ating mga mobile Phone. At kong sa halaga ng paninda kumpara sa Supermarket o sa mga malalaking grocery na nasa Town Proper ay medyo mataas ng konting halaga ang nasa Sari-Sari Store dahil itoy retail ang selling at hindi Whole sale tulad ng sa Supermarket at malalaking Grocery Store. Pero kayang-kaya parin naman ang presyo para sa Masa at malaking tulong ito para sa mga customer dahil kung kunti lang naman ang iyong bibilhin ay di na kailangang pumunta sa Town Proper dahil sa Sari-Sari Store ay mabibili na rin natin lalo na kung di naman karamihan ang ating bibilhin. Sa ibang bansa na aking napuntahan walang mga Sari-Sari Store na tulad ng sa Pilipinas kung mag grocery ka kelangan mo pang mag travel papunta sa Town Proper para don ka mamili ng mga pangangailangan mo sa pang-araw-araw at kung wala kang sariling sasakyan kelangan mo pang mag taxi or sumakay ng coaster or Mini Bus lalo na kung may kalayuan ito sa resedential place na iyong tinutuluyan. Sa ganitong pagkakataon di ko maiwasang makumpara sa Pilipinas ang estado ng aking lugar dito sa ibang bansa, dahil kumpara sa Pilipinas ay madali ang akses sa mga bagay na gusto mong gawin o gusto mong bilhin at halos lahat ng kailangan mo ay madali mong makuha o mabili nasa probinsya ka man o sa syudad lalo na kung ito'y gamit natin sa pangaraw-araw. Sa ngayon madalas kong nasasabi na iba talaga sa Pilipinas..The BEST dahil simpleng Sari-Sari Store lang ay malaki pala ang naitutulong sa atin, at ito'y naapreciate ko simula ng akoy magabroad at kahit maliit na negosyo lang ang Sari-Sari Store at di man kalakihan ang kinikita nito ay masasabi kong mas higit silang kapaki-pakinabang din sa kumunidad dahil instant akses agad ito sa mga pang araw-araw nating pangangailangan at bukod pa dyan ay pede rin utangan paminsan minsan...
Posted: Lakbay Lansangan
No comments:
Post a Comment