Wednesday, October 10, 2012

SEKYU

Napanuod ko sa 24 oras ang balitang ito kahapon at involve dito ang dalawang Sekyu sa magkaibang kaso at magkaibang lugar. Nakakabahala ang ganitong mga insidente dahil kung sino pa ang ating pinagkakatiwalaan ay siya pa pala ang gagawa sa atin ng di maganda. Tulad ng kaso ng isang sekyu walang takot at konsensya nyang ginawa ang pagnanakaw sa isang kotse na naka-park malapit sa gate ng isang subd. na kanyang pinaglilingkuran kaya lang di yata nya napansin na may CCTV Camera sa paligid at kung gaano nya kabilis ginawa ang pagnanakaw siya ring bilis ng pagkakaaresto sa kanya at sa ngayon kasalukuyan na siyang
nakakulong. At ang isang kaso naman ay ang pamamaril ng isa ring sekyu sa isang residente ng subd. na kanya ring pinaglilinkuran at dahil dito dead on the spot ang kawawang residente...Ikaw ba naman ang paputukan ng shot gun sa bibig... Ewan ko lang kong mabuhay kapa.!
Pero ano man ang dahilan kung bakit nya ito binaril, kung binastos man siya, o pinagsabihan ng di magandang salita, o may ginawang paglabag ang kawawang residente ay di parin dahilan ito para banatan nya ng shot gun sa bibig. Nakakatakot ang ganitong mga pangyayari na di natin inaasahan at kung sino pa ang lubos nating pinagkakatiwalaan ay siya naman palang aabuso at magsasamantala sa atin at pagminalas-malas ka pa ay baka mauwi sa katapusan ng iyong buhay. Pero hindi ko naman sinasabi na ang lahat ng sekyu ay ganito ang paguugali, sadyang may pailan-ilan lang na natutukso at nakakagawa ng krimen. Pero sana wag nating sabihing tao din sila na nagkakasala ang point dito nasa serbisyo sila at dapat nasa matinong pagiisip at di dapat nila naiisip ito bagkus ay sila dapat ang magbigay sa atin ng serbisyo para di tayo mapahamak at hindi sila ang dahilan para tayo'y mapahamak. Sa ganitong mga pangyayari dapat may managot sa ating batas at mabigyan ng tamang disiplina ng dina pamarisan ng iba o para sa mga nagbabalak palang ay makapag isip isip na sila na kahit masikip na ang city jail ay may puwang parin sila dito.
 

Posted: Lakbay Lansangan

No comments:

Post a Comment