Monday, October 8, 2012

CYBERCRIME LAW

Sa nakalipas na mga buwan naging mainit sa mga Religios group ang RH Bill na sumusulong  para maging isang batas at itoy mariing tinututulan ng Simbahang Katoliko at umabot din sa lansangan ang kanilang pagtutol dito. At ngayon naman ay ang CYBERCRIMELAW na kasalukuyang binabatikos sa mga popular networking site maging sa ilang mga website, at sa mga lansangan ng Kamaynilaan ito'y pinu-protesta ng ilang mga indibidwal. Dahil ito daw ay batas na maaaring mag kontrol sa kalayaan ng pamamahayag, opinyon, at idea ng mga bawat isa sa hinaharap. At ako man ay di rin pabor dito.! Pero kahit di ako pumapabor dito ay may nakikita naman akong dahilan kung bakit gusto ng ating mambabatas na isulong ito at gawing isang constitution. At isa sa mga dahilan ay maprotektahan ang mga nangaabuso sa Internet laban sa isang tao, kompanya, at maging sa ating Gobyerno. Halimbawa nalang ang pag hack sa isang website malaya itong nagagawa ng isang indibidwal laban sa kung sinong gusto nyang isabutahe tao man , o kompanya at maging sa ating mga Government website at sanhi nito ay maantala ang serbisyo publiko kong sa ating gobyerno ito mangyari. At para naman sa mga social networking site kung may mga pag-labag na nakakasira ng ating pagkatao at di magandang post na mensahe o larawan laban sa atin ay may kakayahan tayo na maipagtangol ang ating karapatan sa pamamagitan ng Cybercrimelaw. Ang batas din na ito ay posibleng proteksyon sa mga nakaranas ng mga pangaabuso sa Internet lalo na sa mga kababaihang Filipina na pangunahing kaso ay ang involve sa sexual na pangaabuso na di nila alam na sa huli ay ganito ang kalalabasan. Para sa akin ito lang ang nakikita ko na posibleng magandang pedeng magawa ng batas na ito. Pero pagdating naman sa kalayaan ng ating pamamahayag maaring makontrol ng batas na ito ang ating idea, opinyon at pambabatikos lalo na sa ating mga pulitikong di tapat sa serbisyo publiko. At dahil dito pede kang masampahan ng kaso laban sa iyong isinulat na idea at opinyon lalo na kong di nila magustuhan ang iyong isinulat, at dahil dito isa na itong paraan para hadlangan ang ating kalayaan sa pamamahayag sa Internet. At posible rin magpapatuloy sa gawaing tiwali sa batas ang mga pulitikong umaabuso dahil wala ng maglalakas ng loob na lumaban sa kanila dahil ang nakararami ay takot masampahan ng kaso. Ito po ay opinyon ko lamang at bilang isang blogista naihahayag ko ng malaya ang aking opinyon sa ganitong usapin lalo na kong patungkol ito sa ating personal na pakikibaka sa ating lipunan ginagalawan. Kung isasa batas ito ng tuluyan..! At kahit di man ako pabor dito..Ay hangad ko parin na makatulong ito sa lahat at wag gawing panakot ng iba para sa mga taong may malinis na intensyon lalo sa nakararami.

Posted: Lakbay Lansangan

1 comment:

  1. INGAT-INGAT LANG SA PAGBA-BLOG BAKA MAY TAMAAN AT MASAMPAHAN KAYO NG KASO.,,HEHEHHE!!!

    ReplyDelete