Friday, July 27, 2012

City of Oran, ALGERIA

Mula sa itaas matatanaw mo dito ang entire city of Oran. Napakaganda dito sa itaas habang iyong pagmamasdan ang mga kabahayan at mga gusali na nasa ibaba, at ang dagat sa ibaba yan ang Medetaranean sea at makikita din dito ang Oran Port at ang mga naglalakihang mga cargo vessel mula sa ibat-ibang bahagi ng mundo. Nasakop ng mga Frances ang Algeria noong 1830 until 1962 pero noong 1954 sumiklab ang digmaan laban sa mga Frances at naging malaya ang Algeria noong 1962 sa kamay ng mga Frances. Maganda at katamtaman ang climate dito. Simple lang ang pamumuhay ng mga tao, at tulad din ng Pilipinas may mga mahihirap at mayayaman din. Ang lingwahe dito ay French,at Arabic. Mayaman sa natural gas ang ALGERIA at sa langis, at malaking bahagi ng Disyerto ng Sahara ay bahagi ng Algeria at isa ang ito sa pinakamalaking disyerto sa mundo. Napakalaki ng lupain na sakop ng Algeria pero sa laki nito masasabi ko na di pa ganon sila ka-develop at marami pa silang dapat i-explore pagdating sa global society. Sa ngayon ang Algeria nagsisimulang bansa palang patungo sa kaunlaran dahil narin sa tulong ng ibang mga nation tulad ng Pilipinas at isa at parte ako sa mga nagdedevelop ng mga pangunahin nilang produkto para sa mundo ang pagmimina ng langis.

Posted: Lakbay Lansangan

2 comments:

  1. One of the best city in Algeria...It's nice when you see the entire City from the peak of Sta. Cruz.

    ReplyDelete