Saturday, April 6, 2013

Karanasan ko sa Saudi (Padalahan)

Unang buwan ko dito, unang sahod at unang luwas sa downtown at maliban sa pagkakataon kong makapasyal ay ito rin ang araw ng aking pagpapadala ng pinagpagurang dolyar (converted sa Saudi Riyal) na ilang oras  lang mananatili sa aking bulsa dahil agad ko itong ipapadala sa aking pamilya sa Pilipinas. Mahigit isang oras ang byahe papuntang bayan mula sa aming accommodation, may kalayuaan din dahil wala ng trapik ang mahigit isang oras na paglalakbay by bus. Pero kahit matagal ang byahe ay hindi ako nainip, at disyerto man at mga umuusok planta ang iyong nakikita ay nakakatawag pansin din sa aking paningin dahil siguro first time ko at bagong lugar sa aking paningin. Medyo excited din ako pero may kaba ng kunte dahil ito ang unang pagkakataon na makakatapak ako sa isang syudad ng Saudi Arabia. Makalipas ang ilang sandali ay narating na rin naming ang bayan at una kong hinanap at pinuntahan ang remittances center at may kalayuan man sa aking binabaan ay madali ko naman itong nakita. Akala ko madali lang ang pagremit dito ng pera, mahirap din pala at may kahabaan ang pila at mahabang oras din ang iyong hihintayin  dahil sa dami ng nagpapadala para sa kani-kanilang pamilya ay kelangan mong mo rin maghintay  at pumila, kaya lang sa di ko inaasahan ay inabutan pa ako ng SALA at wala akong nagawa kundi lumabas at umalis ng remittances center. Ang SALA ay oras ng pagdarasal ng mga mga muslim, at dito sa Saudi halos lahat ng mga establishment ay pansamantalang nagsasara ng halos isang oras para sa kanilang taimtim na pagdarasal, at bilang isang banyaga sa kanilang bansa ay wala akong nagawa kundi maghintay, at ilang sandali ang lumipas ay muli akong bumalik sa remittances center na aking pagpapadalhan. Kaya lang sa dami ng tao at di maayos na pila at kawalang disiplina ng ibang lahi ay masasabi kong walang kaayusan at di na nasusunod ang tamang pila at sa huli ay wala akong nagawa kundi makipagsisikan at makipagtulakan, at makalipas ang dalawang oras ay nakapag registered din ako at nakapag-remit. Ganito pala dito sa Saudi ang hirap mag remit at di ko tuloy maiwasang maikumpara ang bansang ito sa ibang bansang aking pinangalingan. Pero nandito na ako at ganito ang sistema dito na dapat ay makasanayan ko dahil matagal-tagal pa ang panahon ng aking pananatili sa bansang ito.

No comments:

Post a Comment