Di natin maikakaila na sa dumi ng basura at masamang amoy at di kaakit-akit tingnan ay may pera nga dito. At patunay dito ang mga kababayan nating walang tigil sa kapupulot ng basurang mapapakinabangan upang ibenta sa mga junk shop kabilang na ang mga plastik, bakal, aluminum, at minsan ay mga alambreng tanso na pede pang mapakinabangan. Sa hirap ng buhay at walang permanenteng pagkakakitaan ang ilan sa ating mga kababayan sa lunsod ay ginagawa na ring regular na hanap buhay ang pamumulot ng basura lalo na sa may payatas na madalas puntahan para mamulot ng mga kalakal na pede pang ibenta at pagkakitaan. Di ko man naranasan na mamulot ng basura ay ramdam ko ang hirap na dinaranas nila sa araw-araw nilang pamumulot at sa tingin ko di lang isang bagay na pedeng ibenta ang kanilang pedeng makuha sa basurahan posible din silang magkasakit dahil sa ibat-ibang klaseng amoy ng basura na di maiwasang malanghap sa araw-araw na pamumulot. Pero sa sitwasyon nila sa buhay di na nila iniisip na silay magkakasakit ang mahalaga ay ang ngayon.! Yun bang may makakain ang kanilang pamilya sa maghapong lilipas. Sa hirap nga naman ng buhay sa atin sa Pilipinas basta maayos na hanabuhay kahit peligroso itoy pilit mong kakayanin para may makain ang pamilya. Sa sitwasyon nila sa buhay napaisip ako kung lahat kaya sila na magbabasura ay nakatapos ng pagaaral at naging Doctor, Enhinyero, Abugado, at Nurse or Computer Programmer siguro wala sila sa tambakan ng basura para mamulot, siguro nagtatrabaho sila di man sa ating bansa maaring isa rin silang OFW sa ngayon at malaki ang naipapadala nila sa kanilang pamilya at the same time karagdagang dolyar na mipapasok sa ating bansa ang kanilang remittances. Isa lang ang ibig kong sabihin edukasyon lang talaga ang may mataas na porsyento para mabawasan ang poverty sa ating bansa. Karamihan sa mga mahihirap sa ating bansa ay mga taong di nakapag-aral or nakapag-aral man ay di ito nakatapos. Pero di ko naman sila sinisisi sadyang maraming dahilan kung bakit di sila nakapagtapos ng pagaaral at ito'y mahabang usapin pa. The best thing is nalaman natin ang reyalidad ng buhay at pede nating gawing halimbawa ito para baguhin at ipaala-ala sa iba na kung gustong umasenso at pagyamanin ang ating kaalaman at guminhawa ang buhay sa hinaharap ay edukasyon ang isa nating asset sa pakikibaka sa buhay, at sa huli tayo rin ang makikinabang nito.
Posted: Lakbay Lansangan
Edukasyon talaga para sa lahat ng mga Pilipino isa yan para sa ikaasenso ng buhay.Kaya lang ang iba di seryoso sa pagaaral kaya nasa huli ang pagsisisi pagdating ng panahon wala silang sandata sa totoong riyaledad ng buhay.
ReplyDelete