Ano ba ang alam natin sa Bansang Amerika? Ano ba ang pagkakakilala natin dito? Di pa ako nakakarating ng Amerika pero sa nababasa ko at napapanuod sa TV, at naba-browse sa internet ay isa ito sa may magandang status ng ekonomiya sa kasalukuyang panahon at kilala bilang isang maimpluwensya at makapangyarihang Bansa sa Mundo. Sa nakalipas na mga araw maraming mga Bansang Muslim at napabilang na rin ang Southern Philippines (Muslim Area) na nagprotesta laban sa Amerika dahil dito daw nag originate ang kumakalat na mapanirang Short Film na kumalat sa mga networking site at sa isang popular video site sa internet na nagpapakita ng di magandang imahe ng pagkatao ni Propeta Mohammed at dahil sa mapanirang video ay naging marahas at bayolente ang mga Muslim Brotherhood sa kanilang pagprotesta laban sa Amerika at may mga namatay kabilang na dyan ang U.S. Ambasador sa Libya at ilan pang American Diplomat at kasabay nito ikinagulat ito ng Amerika dahil di nila inaasahan na ganito ang reaksyon ng mga Muslim sa ibat-ibang mga bansa. Naiintindihan ko ang emosyon at galit ng mga kapatid nating Muslim, pero pede naman silang mag protesta sa mapayapang paraan at di kailangan pumatay ng tao o kahit na sino, mapa-Amerkano man o ano mang lahi o kahit na anong Religion ang meron ka, dahil ang pagpatay sa kapwa mo tao ay Mortal na kasalanan. Alam ko sa Muslim bawal ding pumatay ng tao dahil labag ito sa pinaguutos ng Islam pero sa nakaraang protesta sa mga bansang Muslim sa nakalipas na araw ay karamihan sa kanila ay marahas at bayolente at may mga nasaktan at namatay pa. Nagtatrabaho ako sa isang Muslim Country sa kasalukuyan, at marami akong ka opisinang Muslim at di ako nagdalawang isip na magtanong kung anong komento nila sa isang Short Film na kumakalat sa internet, at isa lang ang kanilang sagot ang mag patuloy sa pag protesta laban sa Amerika, dahil naniniwala sila na responsable ito at binansagan pa nilang devil ang Amerika. Dahil sa galit nila sa gumawa ng mapanirang imahe ni Propeta Mohammed maging sa kanilang pananalita ay parang handa silang pumatay at mamatay sa ano mang oras na may masabi kang di maganda laban sa kanilang Propeta at sa kanilang paniniwala, at ramdam ko ang kanilang pagiging mapusok sa oras na di nila magustuhan ang iyong opinyon lalo na kong di ka pabor sa kanila. Sa tingin ko hindi naman lahat siguro ng Muslim ay ganito ang pagiisip na masyadong sarado sa reyalidad ng kapaligiran, At di rin siguro lahat ng Muslim ay bayolente at gustong manakit agad ng kapwa sa oras na may marinig siyang laban sa kanyang paniniwala. Isa akong Kristyano at marami na ring mga mapanirang documentaries, video, Movies at mga mapanirang kwento laban kay Jesus Christ na ginawa din sa Amerika at bilang isang Kristyano nainis din ako at nakaramdam ng galit dahil laban ito sa aking pinaniniwalaang Diyos. Pero ang galit ko ay wala sa bansang Amerika kundi nasa isang tao or group of Film Maker na gumawa nito na nagkataon lamang na siya'y Amerkano at di ko kailangang isipin na lahat ng Amerkano ay masasama at responsable dito, at di ko rin nanaisin maging bayolente at pumatay ng Amerkano para sa kabayaran ng pagkutya sa pinaniniwalaan kong Diyos. Dahil sa aral ni Jesus Christ na "Mahalin mo ang iyong Kaaway" sa madaling salita pag binato ka ng bato batuhin mo ng tinapay. Kung ginawan ka ng masama ng ibang tao, bilang ganti gawan mo siya kabutihan at huwag karahasan na tulad ng ginawa sayo at ito'y hindi alam ng mga taong di naniniwala kay Jesus Christ.
Posted: Lakbay Lansangan
No comments:
Post a Comment