ABOUT ME!

Isa akong simpleng tao at maraming pangarap sa buhay. Isa akong Overseas Worker at mag-apat na taon na ako sa abroad at sa hirap ng buhay bilang isang OFW maliban sa stress sa trabaho ang lungkot at pangungulila sa pamilya ang isang dahilan kaya masasabi ko na mahirap maging OFW. At sa mga libre kong oras para maiwasan ko minsan ang homesick natuto akong mag blog at magbahagi ng aking karanasan at ideas kung saan man ako mapadpad na lugar. Dahil wala ako madalas sa Pilipinas nakahiligan kong magbasa, manuod at mag browse sa internet ng kahit na anong news and facts about philippines. Dati di naman ako ganito noong nasa Pilipinas pa ako, siguro dahil bilang isang noypi at namimis ko ang Pilipinas kaya natuto na rin akong magsulat ng mga nangyayari sa Pilipinas, sa estilo ng aking pagsusulat ito ay bugso lang ng aking damdamin at komento sa pangyayari sa ating paligid at di tulad ng isang writer ng books or ng isang nobela ang isinusulat. Isa lamang blog or short post and comment and suggestion ang sinusulat ko to express what I feel. Masarap mag blog di dahil gusto mong mapansin ka ng iba kundi dahil nailalabas mo ang iyong saloobin na di mo masabi ng personal sa mga taong nakapaligid sayo, naihahayag mo ng malaya ang iyong opinyon, naibabahagi mo sa iba ang mga nabuo sa isip mo na mga idea at mga karanasan sa isang bagay o tao, lugar, at lipunang ginagalawan. Bilang isang bloger masarap sa pakiramdam na makapagbigay ng inpormasyon at karanasan na nakaka-inspire sa mga readers. Pero minsan hindi lahat ng isinusulat natin ay nagugustuhan ng iba dahil may pagkakataon na ang ating mga blog or post ay againts sa kanilang mga idea at paniniwala. Pero normal lang ito sa isang tao na di nya magustuhan ang isinulat mo lalo na kong di maganda ang nakasulat dito dahil laban ito sa isang tao, bagay, lugar o sa isang lipunang kanyang ginagalawan. Mag ka gayunman man kalayaan mo pa rin  na ibahagi ang opinyon mo at idea dahil alam mong maganda ang iyon layunin at hindi sa ikasasama ng imahe at itoy pagpukaw lang sa kaisipan at damdamin ng iba.
Para po sa mga bumibisita sa aking blogsite suportahan po natin ang mga Filipino Blogger. At isang maganda at ligtas na araw po sa inyong lahat.!
 
Posted: Lakbay Lansangan