Ito ang Pasig River noon,malinis ang tubig, maayos at kaakit-akit tingnan ang mga kabahayan na malapit sa tabi ng Ilog. Ito rin ang pangunahing daanan sa pagluwas at pagpasok ng mga kalakal mula sa ibat-ibang karatig probinsya ng Maynila. Makasay-sayan din ang Pasig River, maging noong panahon pa ni Rizal at may isang tagpo pa dito na isinulat si Rizal sa kanyang makasay-sayang aklat na "Noli Me Tangere at "EL Filibustirismo" Pero sa paglipas ng mahabang panahon hangang sa kasalukuyan.
Heto ngayon ang Pasig River. Nawala ang ganda ng Ilog, nawala ang mga halaman sa tabi, Dumami ang tao na naninirahan sa gilid, at maraming nag eskwat at nagtayo ng barung-barong, at tinapunan pa ng basura ng mga kababayan nating walang disiplina sa sarili. Sa paglipas ng panahon aminin natin na di naalagaan ang Pasig River at kasabay ng pag-dami ng tao ay siya rin pagdami ng lumapastangan sa linis at ganda ng Ilog.
Maraming mga Non-Government Organization or (NGO), at mga indibidwal sa ngayon ang nagtutulungan para daw makaipon ng pondo as in "PONDO" it means Money! para daw malinis muli ang Pasig River.! Natutuwa kaba dito?Ako para sa akin no comment ako dyan pagdating sa pondo. Ang sa akin lang sana bago natin naisip ang pagrehab sa Ilog Pasig dapat inisip muna natin noon kung paano ba ang dapat gawin para di masira ang ang Ilog, paano ba ang pamamaraan para maging kapaki-pakinabang sa darating pang panahon para sa mga mga anak ng ating mga anak. Matatalino daw tayong mga Pinoy pagdating sa mga problemang ganito, may mga plan A at plan B na agad na pedeng gawin kung sakaling mangyari ang ganitong sitwasyon. Pero mas maganda siguro na planuhin natin ang mga dapat gawin para manatili ang kaayusan at hindi ang plano after ng masira ang isang bagay o kalikasan tulad ng Pasig River. Gets nyo ba ako.? Tama diba?!Sa sitwasyon ngayon paano pa maibabalik ang dating ganda at linis at halimuyak ng tilamsik ng tubig sa pampang ng Pasig river.?! Magiging sapat na kaya ang pondo na malilikom para dito? Hangang kelan magiging ganito ang Ilog? At maibabalik pa kaya ang linis at mga ibong lumilipad dito pag dating ng hapon para sa kanilang pagkain. Mahirap di ba?!
The best way siguro i-educate ang mga pamilya at mga indibidwal na naninirahan malapit sa ilog at magsagawa ng konkretong plano at mahigpit na ordinansa para ma protektahan ang kaayusan ng Pasig River. Malaki ang maitutulong ng mga naninirahan sa tabi ng ilog kasama na ang mga factory kung meron man na malapit sa river side. Salamat po!
...
ReplyDelete