Ito ang mga larawan ng Hilagang bahagi ng Pilipinas partikular sa Maynila at mga karatig Lungsod at Probinsya. Ito ang lupit ng nakaraang Hanging Habagat na nagdala ng maraming tubig ulan at sanhi ng pagbaha at pagkasira ng mga ari-arian at pagkasawi ng ilan nating kababayan.Maraming kabuhayan at mga negosyo ang naapektuhan, pero sa kabila ng sakuna at kalamidad tulad nito ay di nawawala sa ating mga Pilipino ang magdamayan at magtulungan, nandyan ang mga local celebrity natin na tumulong at namigay ng mga grocery at relief goods, ang mga In-mate ng CIW, ang mga Non-Government Organizatin or NGO, ang ABS-CBN, GMA7 AT TV5 at ang mga Rescue team na naglilinkod sa ating pamahalaan tulad ng Army at mga concern citizens natin na pagmay pagkakataon ay walang inaaksayang oras kundi magbigay serbisyo sa gitna ng kalamidad. Sadyang maawain at matulungin ang mga Pilipino sa oras ng kagipitan at ito'y subok na sa paulit-ulit nating naranasan ang mga ganitong sakuna.
Sa kabila ng mga kalamidad na dumaan sa ating Bansa.Masasabi kong matatapang talaga ang Lahing Pinoy. Patuloy na lumalaban sa gitna ng hirap at puno parin ng pag-asa na ang lahat ay lilipas din at muling maibabalik ang nawalang kabuhayan at pagsusumikapan upang ito'y makamit muli.Bilang isang Pilipino saludo ako sa lahing aking pinagmulan, matatapang at di sumusuko at di pinanghihinaan ng loob sa mga pangyayaring sanhi ng kalamidad.
Posted: Lakbay Lansangan
No comments:
Post a Comment