Sa buong mundo marami na ang kontribusyon ng mga Pilipino lalo na pagdating sa trabahong mabibigat tulad ng pagiging isang Konstraksyon Worker at kong mapapansin natin halos karamihan ng mga malalaking Inprastraktura tulad ng mga Hotel, mga Malls, at mga Planta lalo na sa Gitnang Silangan, sa Russia, hangang sa Africa at sa iba pang bahagi ng mundo ay kabilang ang mga Pilipino sa may malaking porsyento sa pag-build up nito. Ang mga Planta ng langis, Petrol at maging ang Liquified Natural Gas (LNG) ay halos mga Pinoy ang gumawa nito lalo na sa Gitnang Silangan at kabilang dyan ang magagaling nating mga Pinoy Engineers, mga Arkitek, mga Skilled worker, at maging mga Clerical Staff na di mapapantayan ng sino man ang kakayahan, talino, at husay sa trabaho. Angat ang Pinoy pagdating sa talino at diskarte sa trabaho kumpara sa ibang lahi kaya di ako nagtataka kahit napakalayo natin sa Middle East sa Africa o sa Russia ay patuloy parin ang oportunidad at tiwala sa mga Pinoy ng mga Foreign Employeer na maging bahagi tayo ng kanilang Proyekto lalo na pagdating sa Konstraksyon. At gayun din ang iba pang mga Overseas Filipino Worker natin na hindi man sa konstraksyon ang trabaho ay mas higit na di mapapantayan ang kanilang serbisyo tulad na lang ng mga Doctor, Nurse, Caregiver, mga Seaman na naglalayag sa ibat ibang panig ng karagatan ng mundo, at gayundin sa ating mga kababayang mga Domestic Helper na may malaki rin dolyar na ipinapadala sa ating Bansa. Lahat na yata ng klase ng trabaho sa ibang bansa ay pinasok na ng mga Pilipino at patunay lang ito na kahit anong trabaho madali man o mahirap ay kayang kaya ng Pinoy basta ito ay maayos at marangal ay walang dahilan para hindi ipagpatuloy dahil narin sa kikitaing Dolyar. At ang Dolyar na kinikita ay malaking tulong sa ating Pamilyang nasa Pilipinas at dagdag rin ito sa malilikom na dolyares ng ating Bansa, at hindi lang ating Pamilya ang natulungan maging ang ating Pamahalaan ay makikinabang din sa ating remittances at dahil dito masasabi ko na sa kabila ng hirap at lungkot ng mga Overseas Worker sa ibat-ibat panig ng mundo ay may malaki silang kontribusyon di lang sa ibang lahi o Bansa na kanilang pinaglinkuran ay gayun din maging sa Bansang pinagmulan. Kaya bilang isang OFW at bilang isang Pilipino, ikinararangal ko ang tiwalang ibinibigay sa atin ng mga Foreign Employeer dahil sa tiwala nila patunay lang ito na the best ang Pinoy pagdating sa trabaho at kasabay din nyan ay ang ating karisma dahil narin sa ating pagiging hospitality...at bilang ako...! Im proud Pinoy dahil I'M MADE BY PHILIPPINES.!
Posted: Lakbay Lansangan
No comments:
Post a Comment