May facebook account kaba or ano mang social networking ang meron ka? Ingat lang sa pag post ng mga mensahe, larawan at video's, at ingat din sa pag share dahil pag nagkamali ka baka city jail ang bagsak mo. Ito ang bagsik ng bagong batas natin na "CYBERCRIME LAW" at napapaloob dito ang pagbabawal sa mga mapanirang inpormasyon tulad ng mensahe, larawan o video na inilagay sa internet na laban o pambabatikos sa isang tao, sa isang lugar, maging sa ating gobyerno o sa ating bansa. Ang pagupload ng mga mapanirang photo's and video's, at mga nakakainsultong larawan na madalas pagtawanan at i-share at i-like sa mga social networking site ay saklaw ng batas na ito. At isa sa mga madalas gawan ng kalokohan ay ang mga popular personalities ng ating bansa nangunguna na dyan ang ating mga local celebrity, mga tao sa gobyerno, o mga pulitiko o maging mga indibidwal na pangkaraniwang tao, kilala man o hindi sa ating lipunan. Ang website hacking ay solidong kaso na matatawag ding cyber crime at kung sino mang gagawa nito sa kasalukuyan at sa hinaharap ay mananagot sa batas.Sa ngayon naglabas TRO ang Korte Suprema para sa Implementasyon ng bagong batas na ito at posibleng sa sunod na taon sa unang buwan ay tuluyan na itong maipatupad. Pero sa kabila ng TRO na inilabas ng Korte Suprema ay patuloy parin ang mga pagtutol sa mga social networking site at maging sa mga lansangan na hangad ng nakararami ay ipawalang bisa ang batas na ito. Isa daw sa mga dahilan ay ang posibleng pag kontrol sa ating kalayaan sa pamamahayag ng ating opinyon at idea sa ating lipunang ginagalawan. Tayo ay nasa malayang bansa at bilang malaya ay may kalayaan din dapat tayong maghayag ng saloobin hindi lang para sa isang tao kundi gayun din sa ating pamahalaan, sa lipunan, at sa mga pangyayaring usaping pampulitika sa ating gobyerno o sa ating bansa.
Posted: Lakbaylansangan
No comments:
Post a Comment