Mabilis lumipas ang panahon at nakatapos ako ng koleheyo ,
nakapagtrabaho at sa kalaunan ay nakabuo ng pamilya. At sa liit ng basic wages natin
ay hindi sapat para sa pamilya na may dalawang supling na binubuhay. Nagdecide
ako na mag abroad masakit man sa loob ko ay iniwan ko ang aking asawa at dalawang
maliliit na anak. Kapalit ng lungkot at pagaalala ay kaginhawahan sa aking
pamilya ang iniisip kong maaring kapalit ng aking paglisan. Sa kasalukuyan
nandito ako sa Middle East, at ngayon muli sumagi sa aking isipan ang
katanungan na Mapera ba o Mayaman ang mga
OFW? Ito ang expectation ng ating mga kamag-anak at kaibigan na
pansamantala nating naiwan sa Pilipinas. Mga katanungan na minsan ay sumagi din sa aking isip sa murang edad ko
noon, palibhasa ako’y isang estudyante pa lamang ay nakatatak na sa aking
isipan na mayaman ka kong ang padre de pamilya mo ay isang OFW o ang Nanay mo
ay isang Nurse, Caregiver o Domestic helper sa abroad. Ngunit sa sitwasyon ko ngayon masasabi kong OO
mayaman kaming mga OFW . Mayaman sa
pangungulila sa pamilya, mayaman sa stress sa trabaho, mayaman sa alikabok na
aming nalalanghap sa gitna ng disyerto tuwing malakas ang hangin, at mayaman
kami sa posibleng pagkakasakit dahil puro trabaho mula umaga hangang gabi, at
pagtulog lang ang masasabi kong oras ng pagrelaks. At pagdating naman sa
pagkain mahirap makaiwas sa mga ma-cholesterol na pagkain, at ito ay provide ng
inyong kompanya. Isa na dito beef at chicken at maswerte nalang kung may isda,
dahil kadalasan dito ay karne at limited lang ang gulay at kong di ka
makakaiwas baka tumaas ang bad cholesterol sa katawan mo, at maging sanhi ng
heart disease or highblood. Mayaman din kami sa ngiti o smile dahil sa tuwing
makikita nyo ang aming larawan sa facebook na sama-samang naka smile at ang iba
ay naka peace finger pa, at ang iisipan ng nasa Pilipinas ay ma-pera na at
sobrang saya ng buhay sa abroad. Kung alam lang nila na ito lang ang paraan para mapansin nyo
kami sa kabila ng hirap at lungkot at
pangungulila sa aming pamilyang naiwan sa Pilipinas. Isang like nyo lang sa
aming larawan o post man lang ng kumusta na kayo dyan, ay nababawasan ang pagod
at homsik namin. At ang isa pang masaklap na mayaman ang OFW ay sa pangangaliwa
ng ilang mga asawa na naiwan sa Pilipinas, at dahil sa ganitong mga kaso ay
masasabi ko na posibleng maging katapusan ito ng magandang buhay na pinangarap
ng sino mang OFW para sa kanyang pamilya, at sa huli ang mga anak ang mas higit na apektado lalo na
kong silay maliliit pa. Sa Totoo lang pangkaraniwan pa rin kaming mga OFW, hindi
kami mayaman sa pananalapi umalis kami ng Pilipinas hindi lang dahil sa maliit
ang kinikita kundi dahil sa kawalan ng regular na trabaho sa ating bansa. Dahil
dito sa atin contractualization ang trabaho, makalipas ang limang buwan end of
contract kana sa kompanya na iyong pinapasukan, at ito ang isang dahilan kung
kaya marami pa rin ang di makahanap-hanap ng permanenteng trabaho sa ating
bansa at meron man ay mas higit pa rin na marami ang unemployment. At isa ito
sa mga dahilan kung bakit maraming nangingibang bansa, dahil doon ay maraming
job vacancy at mas higit na maraming trabaho ang available kumpara dito sa
ating bansa.
Posted: Lakbay Lansangan
No comments:
Post a Comment