Posted: Lakbay Lansangan
Saturday, March 2, 2013
Mga Nasagap Kong Kwento sa Middle East
Pangatlong pagkakataon kong makapag-abroad at
dito ako pinadpad sa MIDDLE EAST ng aking kapalaran para muling makapag
trabaho. Matagal-tagal na rin akong OFW, at sabi nila bilang isang OFW dapat daw matikman ko rin ang buhay Middle East, dahil
dito daw kakaiba sa lahat kaysa sa ibang mga bansang Muslim. Mahigpit ang batas
dito at kung makapatay ka ng tao dahil sa pagtatanggol mo sa iyong sarili ay posibleng
buhay mo rin sa huli ang maging kapalit,
at kung may pambayad ka naman ito’y tinatawag na (Blood Money) ibig
sabihin may kalakihang halaga. Bawal ding magnakaw dahil puputulan ka ng kamay
o braso pag napatunayan kang guilty. Sabi nga nila kung ano ang iyong kinuha ay
siya rin dapat ang kapalit at ganyan ang panuntunan ng batas dito na mahigpit
na babala para sa magbabalak gumawa ng masama. Naka blocked dito ang mga
pornographic website sa internet at walang sino man ang pwedeng mag-unlock. Bawal
din dito ang alak pero legal dito ang sigarilyo at sino man ay pedeng
manigarilyo. Bawal din dito mag-usap ang babae at lalake lalo na sa
pampublikong lugar maliban na lang kung kayo ay legal na mag asawa at may
katunayan na married certificate mula sa inyong bansang pinagmulan. May mga
kwento-kwento rin na mas napapagsamantalahan pa daw dito ang mga lalake lalo na
kung ikaw ay maputi, walang bigote at balbas! ewan ko lang kung totoo ang mga
inpormasyong ito ng ilan nating mga kababayan. At may mga holdaper na rin daw
dito kaya ingat lang sa pagsakay ng taxi dapat alerto rin lagi. Ang mga
nanghoholdap dito ay ibang mga lahi at hindi mga local at sa higpit ng batas
dito ay nakakagawa parin sila ng krimen tulad ng panghoholdap, marahil sanay na
silang gumawa ng masama dahil siguro sa
laki ng disyerto ng dito, at walang trapik sa mga kalsada ay madaling naisasagawa ang
krimen na tulad ng panghoholdap sa mga foreigner din na tulad ko. May mga ilan
ding nagsasabi na spoiled brat daw ang mga bata dito lalo na ang mga teenager,
minsan sila pa ang dapat mong katakutan pag nasa pampublikong lugar ka, dahil foreigner
ka dapat sila lagi ang priority sa lahat ng pagkakataon. At kung luluwas ng bayan para mamasyal o mag
shopping dapat naka-pantalon, close shoes, at naka-t-shirt bilang pag respeto
sa kanila dahil napaka-konserbatibo ng bansang ito at maging ang mga babae dito
ay may talukbong at halos dina rin makita ang mukha . Ang mga pulis dito ay
walang baril, at ang tanging bitbit lang ay batuta. Ang may baril lang dito ay
ang mga airport police at mga military, at sa downtown naman maraming naka
civilian na police o ang tinatawag na Motawa, sila ay di mo makikilala ng basta-basta at kung may gagawin kang masama o labag sa batas ay maari ka nilang
mahuli kaagad-agad dahil di mo sila
mapapansin sa kanilang pangkaraniwang civilian attire. Ilan lang ito sa mga narinig
kong mga kwento-kwento ng ating mga kababayan na matagal na rin dito. Pero
gaano pa man kahigpit ang batas dito at bilang isang OFW wala naman tayong
dapat ikatakot dahil nagpunta tayo dito para mag trabaho at binigyan tayo ng
bansang ito ng working visa, it means tinatangap nila tayo ng walang pag-aalinlangan
at binigyan nila tayo kalayaan na maipakita sa kanila na tayo’y
kapakipakinabang at hindi magiging pasaway o maging enemy of the state. At
bilang isang OFW na nandito sa Middle East, goodluck ang masasabi ko para sa
aking sarili and I want to enjoy my stay. At para naman sa mga kasamahan kong
OFW basta isipin lagi natin na nandito tayo
para sa trabaho at kumita ng dolyar and dont forget “faith in God all
the time”...! at Mabuhay po tayong Lahat
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment