Posted: Lakbay Lansangan
Saturday, February 23, 2013
Another Day, Another Dollar
Nakakapagod ang maghapong trabaho pero masaya naman dahil sa bawat araw na lumilipas ay dolyar ang kapalit. Ganyan dito
sa abroad another day, another dolyar na naman sabi nga nila. Pero ang
malungkot sa paglipas ng mga araw ay patuloy ang pagbaba ng palitan ng dolyar
sa Philippine peso dahil daw sa magandang takbo ng ekonomiya ng ating bansa, at
isa sa mga dahilan ay ang remittances ng milyong OFW sa ibat-ibang lupalop ng
mundo at gayundin ang magandang pamumuno ng kasalukuyang administrasyon dahil
sa magandang trust rating na ibinibigay sa kanya ng taong bayan at ng mga
investor local man o foreign. Pero sa kabila ng gumagandang takbo ng ating
ekonomiya ay papunta sa paghihikahos ang mga bulsa ng mga OFW dahil sa bawat
araw na lumilipas ay bumababa ang palit ng dolyar sa peso, at itoy may malaking
epekto sa mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa. Nakakalungkot
isipin na sa laki ng dolyar na pinapadala ng mga OFW na sinasabing may malaking
porsyento sa pagunlad ng ating ekonomiya, ay si OFW pa ang
posibleng talunan sa huli. At ang isa pang
masaklap sa patuloy na pag-laban ng peso sa dolyar ay siya namang hindi
pagbaba ng ating pangunahing bilihin tulad ng bigas, shampoo, at sabon or
noodles at ilang mga incan foods, ito ay halimbawa lang ng mga basic needs na
madalas bilhin ng simpleng mamamayan ng ating bansa. Ang pagkakaalam ko sa
gumgandang takbo ng ating ekonomiya ay dapat kahit papaano ay bababa man lang
kahit ilang porsyento ang ating mga basic needs pero wala man lang pagbabago. Meron
mang ibinababa ito ay ang gasoline o LPG pero makalipas ang ilang araw itataas
ulit...Nakakaasar diba!..Sana ngayong darating na eleksyon may pulitikong
mangako at makagawa ng batas kung siya’y mahalal ay magkameron ng malasakit sa
mga remittances ng mga OFW, na i-fix nalang sa iisang halaga ang palit ng isang
dolyar, at sa halagang 45 pesos ang palit kada dolyar ay di na masama para sa
mga OFW at di na ito tataas o bababa pa! at kung mangyayari ito ay malaking
kaginhawahan ito para sa mga OFW na tulad ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment