Wednesday, February 6, 2013

Flight to Saudi

Kay bilis ng panahon natapos agad ang tatlong buwan kong pananatili sa Pilipinas na kasama ang aking pamilya, akala ko matagal na ang tatlong buwan pero di pala at habang tumatagal ay parang ayaw ko ng umalis dahil pakiramdam ko ang hirap iwan ng aking pamilya dahil mga musmos pa ang aking mga anak. Inaamin ko masayang mag-abroad lalo na kung ang magagandang pagkakataon ay umaayon sa iyong kagustuhan yun bang may nagtitiwala sayong ahensya sa Pilipinas at employer dito sa ibang bansa at nabibigyan ka ng sapat na compensation para matugunan ang pangangailangan ng iyong pamilya, sa madaling salita may magandang sahod at benepisyo mula sa employer na iyong pinaglilinkuran dito sa abroad. Ngunit sa kabila ng lahat ay napapalitan pa rin ng lungkot ang kasiyahang iyong nadarama sa tuwing papalapit na ang araw na ika'y aalis muli para mangibang bansa. Masakit bilang isang ama ng tahanan na iwan ang kanilang mga anak at ang pinakamamahal na asawa upang lumayo ng isa o higit pang mga taon kapalit ng magandang hanapbuhay sa ibang bansa. Para sakin walang katumbas na salapi ang lungkot na nararamdaman ko sa tuwing aalis ako ng Pilipinas na sa bawat alis ko'y luha ang pabaon sa akin ng aking asawa at hindi ngiti sa kanyang mga labi. At ramdam ko ang lungkot at pangungulila ng aking asawa sa tuwing akoy aalis upang mangibang bansa at masakit din sa loob ko na iwan sila pero ganon yata talaga ang kapalaran ng isang OFW sabi nga nila "no pain, no gain" daw at ito lagi ang tumatatak sa isip ko na kung walang tyaga, hirap, at sakit ng katawan, sakit ng kalooban, stress ay walang asenso sa buhay kaya heto ako ngayon malungkot man ay pilit kong kakayanin at di lang ako nagiisa marami kami di lang mga Pilipino gayun din sa ibang lahi na tulad din nating mga Pinoy na iniiwan ang kanilang mga pamilya kapalit ng magandang pangarap para sa kanilang pamilya. Sa ngayon nandito na ako sa Saudi Arabia ayaw ko man noong una ay dito parin ako pinadpad ng aking kapalaran para makapag trabahong muli, sabi nga nila masamang tumanggi sa grasya at minsan lang daw dumating ang magagandang pagkakataon o swerte lalo na pagdating sa trabaho at pananalapi kaya sa oras na may magandang chance ay di ko na pinakakawalan. At heto akong muli pagkatapos ko sa malayong lupain ng Hilagang Africa ay dito naman ako sa  Saudi Arabia napadpad. Sabi ng mga ex-saudi na ating mga kababayan at sa PDOS ng POEA mahigpit ang batas dito dahil meron ditong death Penalty at sa oras na lumabag ka sa mga pinagbabawal ng batas tulad ng illegal drugs, pagpatay, pangagahasa o pakikiapid sa di mo asawa, at kabilang na rin dyan ang pagnanakaw ay walang patawad sa batas sa oras na mapatunayang ikaw ay guilty at ilan lang ito sa mga criminal offense na matindi ang parusa. Pero kung magiging mabuti kang tao kahit ibang lahi ka, basta sumunod ka lang sa batas ay wala kang dapat ikatakot. Sa ngayon I'm enjoying my stay here in Saudi! Work bahay lang ako and I'm trying to adjust again dahil iba na naman ang klema dito kompara sa Pilipinas, adjust din sa kultura at paniniwala ng bawat lahi. At yung respeto sa isat-isa Pilipino man o hindi di dapat mawawala. Kaya para sa mga kababayan kong nagbabalak papuntang Saudi...Sundin nyo lang paalala sa Pre-Departure Orientation Seminar o(PDOS). Malaking tulong mula sa POEA para sa isang OFW ang information mula sa PDOS para sa bansa na iyong pupuntahan.MABUHAY MGA OFW..!

Posted: Lakbay Lansangan

No comments:

Post a Comment