Ito ang sanhi ng pagtaas ng tubig ulan na nagiging malaking pagbaha sa Metro Manila at karatig probinsya, at maging sa malaking bahagi ng Luzon sa tuwing sasapit ang rainy season. Sa ngayon papasok palang ang summer kaya di pa natin naiisip ang maaaring posibleng peligro na dulot ng mga basurang ito. Kelan kaya matututo ang Pinoy taon-taon na lamang ay binabaha ang luzon lalo na sa Kamaynilaan dahil sa kapal ng mga basura sa mga estero dahil narin yata sa kapal ng tao ay kung saan-saan na lamang hinhagis ang kanilang basura ng pinagkainan. Ano ba ang maganda nating gawin para maibsan ang basura sa ating komunidad. Para sa akin mag-implement dapat ng ordinansa sa mga city at provinces na lahat ng kakain sa mga fast food chain tulad ng MCdonald at Jollibbe at sa iba pang fastfood or restaurant kung dine-in ito dapat wag ng balutin ang burger sandwich ng wrapper na plastic or kahit na papel at gayundin ang french fries, ito ay dapat i-serve na lamang sa customer na nakalagay sa pingan na magkatabi, at gayun din ang softdrinks dapat di na sa disposable cups ito nilalagay dahil pede naman sa plastic cup na pedeng hugasan after gamitin or sa glass. Sa pamamagitan nito mababawasan ang toneladang basura na hinahakot araw-araw palabas ng Metro Manila. At Pangalawa bring you own bag sana kung mamimili sa mga supermarket o palengke ng sa gayun wala ng madadagdag pa na waste plastic na magiging basurang muli after mong mamili. Ilan lang ito sa mga nakikita kong paraan sa ngayon para mabawasan ng kunti ang basura na pangunahin din nating problema pagdating ng tag-ulan. Sana tumino na ang mga Pinoy sa mga kalamidad na ating nararanasan sa tuwing sasapit ang tag-ulan sanhi ng basura na tayo rin ang may kasalanan.
Posted: Lakbay Lansangan
No comments:
Post a Comment