Isa ito sa mga pangarap ng isang OFW kung bakit pilit siyang umaalis at nagsusumikap magtrabaho sa ibang bansa, kapalit ng lungkot at pangungulila sa bansang iniwan ay para mabigyan din ng kaginhawahan sa buhay ang kanyang pamilya. Una sa lahat ay ang ang edukasyon ng mga anak, at pangalawa ay makapagsimula ng maliit na negosyo. At ang pangatlo ay makapagpatayo o makabili ng simple at maayos na tahanan para sa pamilya. Marami sa ating mga Pinoy ang walang sariling tahanan at ang iba kung meron man ay sa mga squater area sa lungsod nakatira. Bukod sa umuupa sila dito ay nasa environment pa sila na masasabi nating maingay at medyo marumi ang kapaligiran. Sino ba ang hindi nangangarap na makabili ng bahay sa isang maayos at tahimik na komunidad? Yun bang masasabi nating di maingay, at ligtas ang ating pamilya na di mo iisipin na baka manakawan ka sa yung pag-alis o sa pagtulog ng mahimbing sa gabi na walang kang iisipin na may mangyayaring sakuna tulad ng sunog o pasukin ng masasamang loob. Sa ganitong klaseng tahanan ay masasabi kong pwede sa akin ang ganitong porma, simple lang at masasabi kong pede na sa aking pinakamamahal na pamilya. Pero ang tanong kaya ba ng bulsa natin ang ganito ka simpleng tahahan? Nagkakahalaga lang naman ito ng 1.4 milyon peso at nagulat ako dahil sa ganito ka simpleng bahay ay nagkakahalaga na pala ng 1.4 milyon peso. Kung isa lang akong regular na manggagawa na sumasahod ng minimum rate ay ma-aford ko kaya ito? Sa palagay ko hindi! Kaya ang final decision ng isang tulad ko ay umalis ng bansa dahil triple ang kikitain nya sa ibang bansa kumpara sa sariling bayan. Kakalungkot lang dahil kelangan pang mangibang bansa ng mga
Pinoy na tulad ko para lang sa katuparan ng pangarap sa buhay. Minsan naitatanong ko rin bakit ang liit ng basic rate ng mga mangagawang pinoy dito sa ating bansa, para bang sapat lang sa pang-araw-araw na gastusin ang kinikita ng isang regular na mangagawa na sumasahod ng minimum rate. Kung ang isang regular na mangagawa halimbawa tulad ng factory worker, sale lady, promodiser, waiter, at mga service crew sa mga fastfood and restaurant dito sa ating bansa ay sumasahod sa isang buwan ng 20 thousand pesos di pa kasama ang overtime ay masasabi kong sapat na ito para di na mag abroad ang karamihan sa atin. Kaya lang ang hirap isipin na sa baba ng minimum wage natin ay sumasabay parin ang pagtaas ng presyo ng mga basic needs natin. At dahil dito ang hirap magbudget pagdating ng karampot na sweldo. At kong laging ganito ay wala kang magiging choice kundi mag abroad na lamang dahil ito ang final option mo, dahil marami sa atin mahihirap na Pinoy ang naniniwalang malaking porsyento na umangat ka sa kahirapan kong maninilbihan sa ibang bansa, o kaya naman ay mag negosyo ng patok sa masa. Pero kung wala kang capital at ayaw mong mangutang ay pagiging OFW parin ang laging pumapasok sa isip mo.
Posted: Lakbay Lansangan
No comments:
Post a Comment