Nagtatravel ako everyday papasok sa work,
at saan man ako mapunta ay di kompleto ang araw ko pag wala ang aking Kamera,
para sa akin ito lang ang nagiisa kong gamit maliban sa mobile phone ay lagi ko
rin dinadala. Simpleng kamera lang ang meron ako at di rin mamahalin pero ok na
sakin ang mga features nito, maliit lang at komportableng dalhin at pede kong
ilagay sa bulsa kung ayaw kong magbitbit. Maraming mga bagay sa paligid ko na
madalas kong nakikita at maganda man ito o hindi sa aking paningin ay may
pagkakataon na kinukunan ko ito ng larawan at isa sa mga dahilan ko ay maging
inspirasyon sa akin at maiaplay ko sa aking pangaraw-araw na buhay lalo na kong
nauukol ito sa aking lifestyle. Simula ng mag-abroad ako nakahiligan ko ang
pagkukuha ng larawan sa mga bagay-bagay sa aking paligid lalo na sa nature.
Naging madalas ko ng libangan ito at lahat ng nakikita kong kakaiba ay
binibigyan ko ng pansin, at bilang pag-appreciate sa pamamagitan man lang ng
pagkuha ng larawan ay ma-express ko ang pagpuri o paghanga sa mga bagay o mga
pangyayari sa aking paligid. Hindi man ako masasabing Photographer ay masarap
din sa pakiramdam na makuhanan ng larawan ang mga pambihirang pagkakataon o mga
pangyayari na minsan ay gawa ng Kalikasan o tao, at minsan din ay ng ibang mga
nilikha tulad ng mga hayop, at tulad din natin na may partisipasyon sa mundo na
ating ginagalawan.
Posted: Lakbay Lansangan
No comments:
Post a Comment