Marami sa ating mga Pilipino na di man pinalad na makahanap ng magandang trabaho sa Pilipinas at kong makahanap man ay maliit lang ang kinikita at minsan ay di sapat para ikabuhay ng pamilya lalo na kong marami ang anak na pinapakain. Sa ganitong sitwasyon mas pinipili ng isang Padre de Pamilya na mangibang bansa na lamang kapalit ng lungkot at pangungulila sa Pamilya mabigyan lang ng maayos na pamumuhay ang iniwang mga mahal sa Pilipinas. At dahil di nakatapos ang ilan sa ating mga kababayan mas madali sa kanila na aplayan ang pagiging isang Construction Worker sa ibang bansa. Bilang isang OFW na ganito ang trabaho ay masasabi kong mahirap at minsan ay may panganib din ang trabaho ng isang Construction Worker, kahit sabihin nating bihasa na sa ganitong trabaho at may sapat na kakayahan at safety training ang bawat worker na sasabak sa Construction Site ay minsan ay di naiiwasan ang mga di inaasahang pangyayari at ito ay ang mga aksidente sa job site area. Maraming cases ng mga aksidente sa isang construction site at di natatapos ang isang project na walang naaaksidente at ilan sa mga pangkaraniwang aksidente na madalas mangyari ay mga injuries, o kaya naman ay naputulan ng daliri o kamay, o nahulog or nabagsakan ng mga heavy solid metal at pagminamalas pa ng todo ay may namamatay pa at ayaw man nating mangyari ito ay patuloy parin sa pagiingat at walang tigil na pagpapa-alala ng Safety Team para sa kaligatasan ng mga Construction Worker. Maliban sa mga posibleng aksidente sa site area ay nan dyan din ang kakaibang klema ng panahon na nararanasan ng mga Construction Worker lalo na kung sa Middle East Country ka mapunta. Sa ilalim ng araw habang nagtatrabaho ka mula umaga hangang gabi at lunch break lang ang pahinga nakabilad ang katawan mo sa temperatura na napakainit at kung di ka sanay ay posibleng dumugo ang ilong mo o maranasan mo kung paano ma-heatstroke, at gayundin sa pagsapit ng winter sobrang lamig at kahit doble na ang pantalon at jacket mo ay pilit parin nararamdaman ng katawan mo ang lamig kasabay sa paghampas ng malakas na hangin na mahapdi sa balat. At kung first timer ka sa abroad at sa Middle East ka mapunta medyo hirap ka mag adjust sa klema at pangalawa ay sa Kultura ng mga ibang lahi na makakasama mo sa trabaho. Ilan lang ito sa mga hirap na nararanasan ng ating OFW na nasa Construction ang trabaho. Mahirap man ang kanilang trabaho ay handa silang magtiis dahil sa mga pangarap sa buhay na gustong matupad at para sa kanilang Pamilya na gustong makaranas ng katiwasayan at kaginhawahan sa buhay. Kaya para sa mga OFW isa lang masasabi ko MABUHAY KAYONG LAHAT at sa mga nagbabalak palang o sa mga nag-aaplay pa lang sa Pilipinas..Goodluck at lakas lang ng loob at itoy isa na dapat meron ka sa iyong dibdib.!
Posted: Lakbay Lansangan
No comments:
Post a Comment