Isa itong video na ipinalabas sa 24 oras kagabi lang at kung napanuod nyo ang news na ito ay talagang kikilabutan ka sa aktwal na pagnanakaw sa isang computer Shop sa Tondo, Maynila. At ang pangunahing mga biktima dito ay ang mga customer na kasalukuyang nagii-internet ng mga oras na yun.! Mabuti na lamang at walang nagtangkang lumaban sa mga biktima dahil kung nagkataon ay nabaril sila ng mga masasamang loob na ito. Pero ang hindi alam ng mga Holdaper ay maraming CCTV Camera ang nakapaligid at maging sa loob ng establishment, kaya huling huli ang aktwal nilang pagnanakaw at malaking ebidensaya ito laban sa kanila. Malaki ang naitutulong sa atin ng CCTV Camera lalo na kung mayroon tayong negosyo madali nating mamonitor ang mismong transaction ng mga taong papasok at palabas sa ating establishment. At kung sa di inaasahan at magkameron ng mga insidente na tulad nito ay mataas ang porsyento na malaman natin ang buong pangyayari dahil sa tulong ng Close Circuit Televison Camera or CCTV. Madalas na tayong nakakapanuod ng mga ganitong krimen, at nangunguna na ang pagnanakaw or panloloob sa mga maliliit na mga establishment like computer Cafe at kahit mga stand alone 24 hours burger store ay mainit din sa mga Holdaper o magnanakaw lalo na sa gabi. Sa mga ganitong pangyayari, nakakabahala at dagdag isipin sa isang nagnenegosyo na baka isang araw ay ikaw naman ang target ng mga walang hiyang magnanakaw na ito!. At para naman sa mga taong nagpaplano ring mag negosyo tulad ko ay parang nakakatakot magnegosyo sa ngayong dahil sa madalas na mga pangyayaring nakawan at panloloob sa mga maliliit na establishment. Dito sa Pilipinas nagsulputan na rin ang mga CCTV Camera sa mga lansangan lalo na sa mga matataong lugar di man provide ng ating gobyerno na malagyan ang lahat ng public road at mga pampublikong lugar at mga establishment area ay marami naman sa ating mga concern citizens ang may mga CCTV Camera sa kanilang mga kabahayan at gayundin ang ilang mga establisment owner.
Sa mga ganitong pangyayari naisip ko lang parang hanggang sa CCTV Camera lang nahuhuli ang gumagawa ng mga masasama. Sana maiba naman wag puro magnanakaw at masasamang loob ang laging nahuhuli sa Cam.! Dapat meron ding ganito sa unang bugso ng news sa TV "Police huli sa cam habang pinupusasan ang isang magnanakaw" o kaya "Magnanakaw huli sa cam habang tinutugis ng mga Police" o kaya naman " Holdaper sapul sa cam habang nakipagbarilan sa tumutugis sa kanyang mga police ". Diba ang ganitong mga balita ay masasabi natin na hindi lang ang mga kawatan ang marunong umaksyon sa harap ng Cam at gayundin ang ating kapulisan. Di ko naman sinasabi na walang ginagawa ang ating Kapulisan pagdating sa ganitong kaso dahil ang mission nila ay "TO SERVE IN PROTECT" the public.!Pero ang sakin lang wag tayong puro asa sa CCTV na marerekord naman dito ang lahat ng info na dapat nating malaman pagkatapos ng krimen, ang dapat kasabay ng pagdami ng mga CCTV dyan sa mga lansangan dapat dagdag police patrol 24 hours din para naman maibsan ang mga kaso na tulad ng nakawan. Subukan kaya ng ating PNP na magdeploy ng karagdagang Police Secutiry sa mga establishment area at sa mga pampublikong lugar at regular nilang gawin ito, at masasabi nating isa ito sa may mataas na porsyento na mabawasan ang mga krimen na tulad ng nakawan at ibat-iba pang mga modos operande sa ating mga lansangan. Posted: Lakbay Lansangan
Dami na talagang masasamang tao sa ngayon at parang walang konsensya sa sarili.
ReplyDeleteIto ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
ReplyDeletemayocareclinic@gmail.com
Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.