Friday, September 7, 2012

PERA

Ito na yata ang isang bagay sa mundo na madalas nating hinahangad, Aminin natin na lahat tayo nangangarap magkapera, hindi lang basta magkapera kundi maraming pera as in limpak na perang papel na isang libuhin at hindi barya.Minsan nangangarap tayo na sana manalo tayo sa lottery, or makapulot tayo ng bag na puno ng limpak limpak na pera. Minsan sa hirap ng buhay natin nagagawa nating mag emahinasyon ng mga bagay na magpapa inspire sa ating buhay sabi nga ng ilan sa atin libre ang mangarap lalo na kong pera ang nasa isip mo..Kanya-kanya lang naman ng trip yan.! Pero minsan sana isipin din natin na di lang pera ang mahalaga para tayo ay mabuhay ng matiwasay. Hindi man tayo nakakabili madalas ng bagong damit, hindi man tayo nakaka-kain sa restaurant, hindi man tayo nakakapasyal sa mall para magshopping, at bihira man tayong makakain ng masasarap ulam para sa ating hapag-kainan ay di sapat ito para kainisan o ika-lungkot ang buhay na kung anong meron tayo ngayon. Isipin natin na mapalad din tayo dahil sa bawat umaga na ating pagising ay laging may dahilan para tayo ay magsumikap sa buhay, na di lang para kumita ng pera kundi para mapatunayan din natin sa ating mga sarili na may kakayahan tayong tumayo sa sarili nating mga paa, at pagharap sa responsibilidad at pagkakameron ng dedikasyon sa mga pangarap sa buhay.
 

4 comments:

  1. TAMA Lahat tayo nangangarap ng maraming pera..The best thing is..Mangarap tayo sa magandang paraan at wag sa masama.Dahil ang pera wala mang kinang ay nakakasilaw minsan..Kaya dapat marunong tayong magpahalaga at kung paano ito gagastusin.

    ReplyDelete
  2. Ang dami naman nyang pera na yan bunilang ko halos 100 twsan yata. Sayo bang pera yan?

    ReplyDelete
  3. Limpak na pera pede ng pang negosyo yan.

    ReplyDelete
  4. fatty liver disease cure natural fatty liver disease cure natural fatty liver disease cure natural

    Take a look at my web page; what to do to reverse fatty liver

    ReplyDelete