Gener-Isa ito sa mga larawan na kuha sa Kalakhang Maynila sa katatapos na bagyong "Gener" mapapansin nyo sa larawang ito sandamakmak na basura ang lumulutang sa tubig na napakadumi. Sa kabila ng mga anunsyo at panawagan na ating pamunoang pang-lunsod na itapon at ilagay sa tamang paglagyan ang ating mga basura ay siya namang kawalang rispeto ng iba at patuloy parin ang pagtapon sa mga estero lalo na ang mga nakatira sa malapit sa mga ilog sa buong syudad. Marami na rin na ipinalabas na mga dokumentaryo sa ating national telebisyon tungkol sa pangunahing problema ng Metro Manila pagdating sa kalamidad pero patuloy parin ang karamihan sa ating mga kababayan ang walang desiplina sa sarili. Parang wala ng katapusan sa tuwing darating ang kalamidad sa ating bansa ay parang laging ganito ang resulta, lahat apektado lalo na ang pang-araw-araw mong ginagawa ay naapektuhan din. Sabi nga ng mga slogan na madalas nating mabasa "BASURA MONG ITINAPON BABALIK DIN SAYO..! tama diba...?
Nakakalungkot isipin na taon-taon nalang ganito ang nagiging problema natin.
Di lang gobyeno natin at mga namumuno sa ating pamahalaan ang dapat nating hingan
ng tulong sa problema nating ganito.Tayo mismo ang dapat gumawa ng unang hakbang
dahil tayo rin at mga mahal natin sa buhay ang unang
makikinabang ng kaayusan at katiwasayan ng ating kapaligiran.!
Posted: Lakbay Lansangan

Dami rin kc pasaway na noypi.!
ReplyDelete