Tuwing papalapit ang 15 of the Month pababa ng pababa ang palitan ng Dolyar sa Peso! Nakakapang hinayang ang marami mong overtime sa kabila ng pagod at hirap at stress sa trabaho umaasa ka na malaki ang maipapadala mo sa iyong pamilya sa Pilipinas pero kabaliktaran ito.! Ang nakakainis pa after mong mag remit makalipas ang ilang araw tataas naman ang palitan! Accurate kaya ang exchange rate ng mga bank at mga money changer pagdating sa ating mga remittances!? Ang hirap maging Overseas Worker lalo na kong nasa mainit kang bansa or nasa part ng Africa tinitiis mo ang lungkot, di maintindihan na pagkain na provide ng company,pasaway na Bos, at stress sa trabaho kasabay pa ang klema na napakainit at minsan naman ay umuusok ang bibig mo sa sobrang lamig lahat yan ay kayang tiisin ng Pinoy worker sa abroad para sa mga pangarap sa buhay. Pero ang masaklap pagdating sa ating mga remittances pabago bago ang exchange rate ng palitan sa Pilipinas. Umaasa ka na malaki ang maiipon mo pero hindi! tuloy nakakapag-isp ang ilan sa atin na tayo ay nadadaya sa palitan. Di ba pwedeng i-fix nalang sa isang amount ang palitang ng Dolyar sa ating Peso, pedeng 45 or 50 di na pedeng itaas at di na rin pedeng ibaba. Siguro maraming OFW ang matutuwa kung mangyayari ito. Kung masaya si Bank at si Western Union sa ating mga remittances.! sana si OFW at ang pamilya sa Pilipinas ay masaya din.!
Posted: Lakbay Lansangan
OO NGA BAT GANON? PAGPALAPIT NA ANG 15 MALIIT NA ANG PALITAN...?
ReplyDeleteMas maganda wag nalang mag expect na pagdating ng ating mga remettances sa PINAS ay tulad din ng makikita natin sa internet. Natural pag dating sa Pinas iba na rin ang exchange rate at di na kayo nasanay. Matagal na yang ganyan.
ReplyDelete