Saturday, August 11, 2012

MGA ESKWATER SA URBAN


Eskwater
Ito ang panget na imahe ng Kamaynilaan. Mga Urban Poor na ninirahan sa ilalim ng overpass at ang iba ay nagtatayo ng barong-barong sa mga gilid ng ilog.Nakakalungkot isipin na habang lumilipas ang panahon silay parami ng parami.May programa ang gobyerno natin na silay ilikas sa isang maayos at ligtas na komunidad, isa na dito ang relokasyon sa Rodrigues, Rizal. Marami ng nabigyan ang gobyerno ng ganitong pagkakataon na makalipat sa isang maayos at mapayapang tahanan. Pero ang nakararami sa kanila ay patuloy parin na bumabalik sa kinagisnang lugar sa kadahilanan binigyan nga sila ng maayos na tirahan ng gobyerno pero ito ay nasa liblib na lugar at walang permanenteng source of income.Mas maganda sana bigyan din ng gobyerno ng livelihood program ang mga maralitang taga lunsod na nilipat nila sa mga karatig probinsya ng Metro Manila ng sa gayon di na nila pangarapin pang bumalik sa Lunsod upang mag eskwat na namang muli para makahanap ng pagakakakitaan. Kung may katutuhanan ang mga kwento-kwento na ang karamihan sa mga ni-relocate ng gobyerno ay bumabalik muli sa syudad at ang iba ay beninta pa ang mga ibinigay na bahay at lupa ng gobyerno para bumalik sa Kamaynilaan ito daw ay sa kadahilanan na hirap sila sa pagkakakitaan, mas nakakain pa sila ng 3 beses sa maghapon sa syudad kahit sila ay nakatira sa ilalim ng tulay at sa gilid ng Ilog.Halimbawa na lang ang isang malaking Eskwater area sa Madaluyong beside Mental Hospital and CIW malaking porsyento ng mga naninirahan dito ay may mga regular na trabaho at nandito sa syudad ang kanilang source of income.Kung ililipat mo sila sa lugar tulad Rizal posibleng lalo silang maghirap dahil magsisimula na naman silang muli. Mas maganda siguro kung bilhin nalang ng gobyerno ang lupa na kinatitirikan nila at magtayo dito ng konkretong tahanan o kaya ay condominium sytle at ipagkaloob sa mga mamayang mahihirap na may permanenteng trabaho na nasa Lunsod.Mas maganda hakbang siguro ito at posibleng maiwasan pa ang karahasan sanhi din ng mga kabi-kabilaang demolisyon sa mga eskwater na lugar.

Posted: Lakbay Lansangan

No comments:

Post a Comment