Friday, July 27, 2012

Philippine RH Bill


RH Bill-
Natutuwa ako kay Senator Miriam Santiago dahil sa pagsulong nya ng RH Bill, isa sa mga ginagawa nya ay lumalabas siya ng senado at personal nyang kinakampanya na sanay ma-aprobahan at maisabatas ng legal ang RH Bill na isa siya sa nagsusulong nito. Isa daw sa mga dahilan nito ay ang pag-taas ng ating papulasyon, at dahil sa pagtaas at pagdami natin ay siya rin naman pagtaas ng mga naghihirap na mamamayang Pilipino, ibig sabihin may malaki daw na porsyento na mabawasan ang kahirapan sa bansa kung sakaling limitado lang ang magiging anak ng bawat pamilya o mag-asawa. Kung ako ang tatanungin di ko pa masasagot kung pabor nga ako sa RH bill o hindi. Isa akong saradong katoliko at ipinagbabawal ng simbahang katoliko ang ganitong panuntunan sa istelo ng pagpapamilya. Sa nakararaming Pilipino na tulad ko di ko pa lubusang alam ang nilalalaman ng aklat na nagsusulong ng RH Bill, sa pagkakaalam ko at ng nakararami ay gumamit ng condom sa pakikipag talik at uminom ng pills ang babae para di mabuntis. Sa idea ko marami pang napapaloob na di alam ng nakararami kung ano lahat ang napapaloob sa RH Bill kaya malaking usapin ito para sa simbahan at sa mga nakakaraming Pilipino. Mas maganda siguro kong isa-isang basahin sa publiko mula sa unang bahagi at huling pahina ng aklat ng RH bill para malaman lahat natin kung ano ang tunay na nilalaman ng RH Bill na yan ng sa gayun makapag pasya ang bawat isa sa atin kung karapat dapat ba na isa batas o hind.
Para po sa lahat mahalaga pong malaman natin bawat detalye nito, dahil may karapatan po tayong magdesisyon kung ito makabubuti sa atin or makabubuti man pero labag sa ating paniniwala.
Maraming salamat po.

Posted: Lakbay Lansangan

1 comment:

  1. Nice post. Pero favor ako dyan sa batas na yan kung ma-aprove yan para maging batas isa ako sa matutuwa.

    ReplyDelete