Saturday, July 28, 2012

Mga Benipisyo ng isang OFW pag dating sa JOBSITE


1. Free Accomodation- Sarap basahin at pakinggan sa agency habang uma-attend tayo ng departure orientation na Free-Accomodation tayo pag dating sa bansa na ating pupuntahan. May aircon ang room at masasabi mo na parang ok. Pero pag nandon kana minsan maliit ang room good for two person lang dapat, pero ginawang tatlo-han.. Tuloy pag sabay-sabay kayong tumayo medyo parang magkakapalit ang mukha nyo. At isa pa nakahiwalay ang toilet at bathroom sa room hahakbang kapa ng sampu para marating ang paliguan. Sa madaling salita kung di ka sanay di ka komportable sa ganitong set-up, pero tiis lang tayo kase masasanay ka rin naman.

2.Free Transportation- Isa rin ito sa mga nakasulat sa ating kontrata ang libreng hatid sundo ng ating kompanya pauwi at papasok sa trabaho. Sosyal diba! may taga hatid sundo sayo mula sa accomodation mo hangang sa job site area or opisina na iyong papasukan. Pero alam nyo ba madalas ang ginagamit lumang malaking Bus na TATA minsan DAEWOO Bus na di pa aircon at sama-sama ang ibat-ibang lahi at siksikan pa.! Staff and Skilled worker ay sama-sama, pag di ka sanay baka mahilo ka dahil sari-saring amoy din ang malalanghap mo. Pero sa una lang yan masasanay karin diba kaya tiis kana naman.

3.Free Food- Ito ang pinakamagandang benipisyo mula sa employeer ang libre sa pagkain 3 times a day. Kaya lang ang food paulit-ulit kung Rice and Egg sa breakfast, at Chicken/Beef Rice sa lunch, at Fried tulingan sa gabi. Ang sarap kumain diba? Ano pang hahanapin mo after ng trabaho mo pupunta ka lang ng messhall at kakain kana lang. Pero alam nyo ba na sa buong kontrata mo araw-araw ganito ang kakainin mo unless nalang kung mamalengke ka at bumili ng gusto mong pagkain at maswerte ka kung pedeng magluto sa accomodation ninyo.
Ang resulta nito kong paulit-paulit na ganito ang kakainin mo Beef Chicken Egg posibleng magkasakit ka ng high blood or heart desseas dahil sa cholesterol ng kinakain mo..Ang isda ok lang kaya lang bihira lang ang isda. Ang masaklap pa nito minsan ibang lahi ang nagprepare ng food mo, at kadalasan may mga complain na na di maiwasan dahil madumi minsan ang pagkain. Madalas sa mga OFW nakakasakit sa skin tulad ng Buni, An-an, at minsan alipunga pa. Pero lakasan lang risestensya yan diba..Kaya tiis kana naman.

4. Salary- Alinsunod sa kontrata mo nasususnod namana ng basic salary na pinirmahan mo sa Pilipinas sa iyong agency. Minsan halos araw-araw lagi kang may overtime. Minsan my plus kapa na oras kung masipag ka, ang tawag dito givo sabi ng ilang mga korean company. Madalas naman laging ganito kaya masarap magtrabaho lalo na kung malaki ang basic mo plus ang overtime. Tuwang-tuwa siguro pamilya natin na padadalhan saka ikaw dahil mabibili muna ang gadget na gustong-gusto mo. Pero sa bigayan ng payslip iba ang computation ng overtime nila kaysa sa normal computation ng overtime wage according to the wage law of that country. Minsan dito tayo nadadaya. Kung magreklamo ka man sa kompanya sasabihin lang sayo ng HR at ADMIN ganito talaga ang computation dito.. Sa madaling salita dahil wala kang choice  tiis kana naman.

5. Pasaway na Amo- Kung mabait ang amo mo at matalino maswerte ka..pero kung tulad sa ibang amo, wala na ngang alam sa tindi ng stress nya sa trabaho ipapasa sayo kahit di mo naman scope ibibigay sayo! ang resulta mangangapa ka. At minsan pa sa kuting pagkakamali mo sanda-makmak na sigaw ang aabutin mo. Dahil dyan minsan naiisipan mong mag exit nalang dahil kung tatagal ka pa sa ganyang amo hangang matapos ang kontrata mo baka magkasakit ka sa puso. Ito ang pinakamiharap sa lahat parang pag laging galit ang Bos mo sayo dito ka mamamayat at posible ma stress ka din di dahil sa trabaho dahil sa araw araw na kasama mo siya. Dahil dito para sa pamilya natin sa Pinas..Tiis ka parin lagi mong sinasabi wala kang choice kc kelangan  mo ng pera.

6.Homsick - Ito ang naiiba sa lahat pag dinatnan ka ng lungkot dahil sa pagkaka mis mo sa pamilya mo. At minsan pa dahil sa kalungkutan mo kung ano-ano pang negative na pumapasok sa isip mo, kaya kung patuloy na laging ganito ang nararamdaman mo posibleng mauwi ito sa nervous breakdown.

Ilan lang ito sa mga nararanasan ng ating mga kasamahang OFW pag nasa JOBSite area at kasalukuyan ng nagta-trabaho. Magkagayun man tiis parin tayo dahil kahit papaano may trabaho tayo at kumakain parin tayo ng tatlong beses sa isang araw, at ito'y masasabi nating biyaya parin ng Puong May Kapal.
Para sa mga OFW na tulad ko MABUHAY tayong LAHAT.

Posted: Lakbay Lansangan

1 comment:

  1. Ganyan din dito sa company namin.ang pinaka grabe lang ay ang mga amo...Bisyo na nila ang sigawan..tibayan lang ng dibdib..hehehe

    ReplyDelete