Isa rin ang Pili lake na narating ko sa aking pag lalakwatsa. Malaki ang lake na ito na matatagpuan sa Brgy. Pili, Mogpog, Mdque. Malinis ang tubig, maraming wild bird, maraming punongkahoy at mga wild plants, at nasa paanan siya ng bundok at medyo mahirap siyang mapansin kong di mo sasadyain na puntahan. Hindi siya nakakatakot kung sakaling may bagyo o malakas na pag-ulan dahil di siya aapaw para makapag create ng malaking baha. Ang lake na ito'y medyo lubog at napapaligiran pa ng matataas na bundok at bangin at mabato ang paligid at umulan man ay hindi magdudulot ng aberya sa mga naninirahan dito. Nakakatuwang tingnan ang mga ganitong klase ng paligid lalo na kong itoy bahagi ng kalikasan na pedeng mapagkunan ng ika-bubuhay sa araw-araw. Kaya lang napansin ko sa haba ng panahon at sa dami ng naninirahan dito ay wala silang livelihood projects sa lake na ito para pagkakitaan o gawing agri-business. Sa pagkakaalam ko ang ating pamahalaan ay tumutulong sa mga gustong mag negosyo lalo na kong itoy sa agrikultura. Ang isa sa pedeng gawing negosyo dito ay ang pagtatayo ng palaisdaan at dahil ito'y tubig tabang o fresh water at pede dito ang bangus at tilapya. Sayang ang laki ng lake na sanay pinakikinabangan ng lokal na mamamayan. Sabi nga natin sa probinsya daw magsipag kalang ay di mo kakailanganin ang pera madalas. Dahil nandito ang tunay na likas yaman ng ating kapaligiran di tulad sa syudad na magulo na! ay puro pulosyon pa.
Posted: Lakbay Lansangan
No comments:
Post a Comment