Nakakamis ang kamusmusan sa tuwing sasapit ang Pasko. Naalala ko tuloy ang pangangaroling, at pagtangap ng mga regalo sa mga Ninong at Ninang. At pagsabit ng medyas sa bintana bago mag Noche Buena dahil sa paniniwalang dadaan si Santa Claus na may dalang mga laruang regalo at maglalagay sa medyas kong isinabit. At sa pagising ko sa umaga ay dali-dali kong titingnan ito at totoo nga na dumaan si Santa dahil sa regalo na nakuha ko sa loob ng medyas. Ito ang mga nakakatuwang karanasan ko sa tuwing sasapit ang kapaskuhan noong akoy musmos pa lamang. Ang sarap alalahanin ang pagiging bata, siguro dahil ramdam na ramdam ko ang pasko at masayang ipagdiwang dahil narin sa mga inihahandang pagkain ni Inay at Itay, at mga regalong galing kay Ninong at Ninang at gayun din sa mga Tita at Tito. At nakakamis din ang simbang gabi na kasama ko si Inay na hawak-hawak ako sa kamay dahil sa kakulitan ko ay baka mawala ako sa kanyang paningin kaya kong hawakan ako'y halos itali sa kanyang beywang. Ito lang mga karanasan ko noong paslit palang ako sa tuwing sasapit ang kapaskuhan, masaya at nakakatuwang alalahanin dahil ilang tulog nalang ay sasapit na ang pasko. At isa sa mga napakahalagang holiday sa ating bansa at sa isang kristyano-katoliko ang christmas celebration.
Posted: Lakbay Lansangan
No comments:
Post a Comment