Christmas is Over. Tapos na ang napakasayang simbang gabi, tapos na ang pakikipagsik-sikan sa mga tiange, malls at maging sa mga palengke na napakahirap mamili dahil sa dami ng tao. Talagang patunay lang sa isang bansang katoliko tulad ng Pilipinas ay higit na pinaghahandaan taon-taon ang araw ng pasko dahil ito ang kapanganakan ng ating Panginoong Hesukristo. At maging ako man ay isa sa mga nakipag-siksikan sa mga palengke para mamili ng mga inihanda sa Noche Buena. At sa ngayon tapos na ang Christmas at kahit marami pa ring Pilipino na walang trabaho, maliit man ang kinikita, hinagupit man ng bagyo at karamihan ay nawalan ng tirahan at kabuhayang pang-agrikultura, at ang iba naman ay nasunugan sa araw mismo ng kapaskuhan, at ang iba naman ay hiwalay sa pamilya tulad ng mga kababayan nating nasa ibang bansa na OFW ay hindi hadlang para di natin mairaos ang kapaskuhan. Dahil ang Christmas ay pag-alaala din sa ating panginoong Hesukristo dahil sa kanyang kabutihang loob at pagtubos ng ating mga kasalanan. Kaya kong ano man ang kalamidad o mga pagsubok sa ating buhay. May naihain man o wala sa nakalipas na Noche Buena ay wala paring dahilan para di natin salubungin ang kapaskuhan ng may ngiti at puno ng pangarap at pag-asa na sana sa pagsapit ng bagong umaga ay mayroong bagong biyaya na ipagkakaloob sa atin. At hirap man tayo ngayon sa buhay ay wag tayong mawalan ng pag-asa at sa halip ay gawin natin itong inspirasyon para sa katuparan ng ating minimithing tagumpay. Para po sa lahat ng mga Pinoy! MABUHAY po tayong lahat at salubungin po natin ang 2013 ng may ngiti at positibong pag-asa na ito na ang simula ng bago nating buhay para sa tagumpay.
Posted: Lakbay Lansangan
No comments:
Post a Comment