Isa na namang matinding kalamidad ang dinaranas sa kasalukuyan ng ating Bansa at ito ang iniwan ng bagyong Pablo sa Katimugang bahagi ng Pilipinas at isa sa mga probinsya na may malaking pinsala ay ang New Bataan, Compostela Valley. Wasak ang mga kabahayan at milyong kabuhayan sa agrikultura ang sinalanta ng bagyong ito at kasabay ng pagkawasak ng kabuhayan at mga inprastraktura ay siya ring pagtaas ng bilang ng mga namatay at umabot na ito sa tatlong daan mahigit. At ito ang pinakamasakit para sa mga kaanak ng mga namatay. Nakakalungkot isipin ang mga trahedyang ganito na dulot ng kalikasan ay pede nating ikamatay o ng ating mga mahal sa buhay sa isang iglap lamang. Pero ayun sa report isa daw sanhi ng malakihang pagbaha at landslide ay ang mga small scale mining o yong mga mamamayan na patuloy parin sa pagmimina kahit na ito'y ipinagbabawal na ng lokal na pamahalaan. At ang isa pa daw ay ang mga ilegal na pagputol ng mga kahoy sa kabundukan at ang nakakagulat pa dito ay may mga pulitiko daw na sangkot dito.! Totoo kaya ang mga report na ito.!? Pero para sakin di na bago ang ganitong mga balita lalo na ang ganitong trahedya, di na tayo nadadala sa bagsik at higanti ng kalikasan. Sabi nga natin basurang itinapon mo sa di tamang tapunan ay babalik sayo. At ang kahoy na pinutol mo ay siyang papatay sayo. At tulad ng nangyari sa Compostela Valley mga malalaking kahoy na galing sa kabundukan na inanod ng baha papunta sa kapatagan na siyang humambalos sa mga kabahayan at sanhi din ng pagkawala ng maraming buhay. Tandaan natin ang kalikasan ay di tulad ng tao na pede tayong humingi ng tawad sa oras na tayo'y magkamali. Dahil ang kalikasan kapag sinira ng sino man ay tiyak matindi ang balik para sa lumapastangan dito at maging sa kahuli-hulihan nating lahi ay posibleng madamay pa sa kalamidad na pedeng mangyari kong patuloy na mangyayari ang ilegal pag mimina at pamumutol ng kahoy sa kabundukan. Sanay maging bagong paala-ala at mag-silbing babala para sa ating lahat ang trahedyang iniwan ni Pablo.
Posted: Lakbay Lansangan
No comments:
Post a Comment