Masaya ang salubong sa bagong taon ng mga Pilipino taon-taon. Kaya naman after ng christmas celebration ay naka plano na sa bawat tahanan ang mga ihahanda para sa Media Noche ng pamilya. Pero karamihan sa ating mga Pilipino ay hindi sapat ang pagsalo-salo ng pamilya sa Media Noche, dahil hindi kompleto pag wala ang paputok. Nakasanayan na nating mga Pilipino na salubungin ang bagong taon na may paputok na sinisindihan dahil naniniwala tayo na ito'y nagtataboy ng malas sa ating buhay. Maingay man at nagdudulot ito ng pulusyon sa ating kapaligiran ay posibleng sanhi din ng ating pagkakasakit, at di ito pansin ng karamihan sa atin. Nakuha daw nating mga Pinoy sa mga Chino ang ganitong tradisyon na sa tuwing sasapit ang new year ay pagsalubong sa pamamagitan ng pagpapaputok dahil sa paniniwalang magtataboy ito ng mga kamalasan sa ating buhay at kapalit ng di magagandang nangyari sa nakalipas na taon ay siyang paniniwalang pagpasok ng swerte at bagong pag-asa sa ating lahat. Pero sa kabila ng ating mga paniniwalang ganito ay siya namang paghihigpit ng ating kapulisan sa mga ilegal na gumagawa at nagtitinda ng mga paputok dahil may pailan-ilan pa rin na nakakalusot dito. Sa ngayong sasapit na naman ang bagong taon at puspusan na naman ang paala-ala ng DOH at sa halip daw na magpaputok ay mag torotot na lamang at magsayaw ng gangnamstyle.
Saludo ako sa DOH sa kanilang mga kampanya para maibsan ang mga naaaksidente taon-taon dahil sa mga paputok. Pero simple lang sana kung talagang ayaw nila na may masugatan o maaksidente ipagbawal na sana ng pamahalan o bawiin na ng ating pamahalaan ang mga permit na issue sa mga manufacturer nito ng sa gayun sure na walang mapuputukan! Ganon lang naman ka-simple kaya lang di pede dahil sayang ang tax na binabayad din nila sa ating pamahalaan kaya final option ng DOH ay magbigay nalang ng paalala na wag magpaputok at sa halip ay gumamit nalang ng torotot at mag sayaw ng gangnamstyle...Imagine mo kung magsasayaw tayong lahat ng Gangnamstyle at iwas paputok ay siguradong lugi ang mga nagtitinda ng paputok. Kaya lets dance nalang sa pagsalubong ng bagong taon..Iwas disgrasya na environment friendly pa at bawas bad cholesterol pa sa ating katawan ang tutulong pawis sa bawat sayaw ng gangnamstyle. Para po sa lahat..MALIGAYA AT LIGTAS NA BAGONG TAON PO SA INYONG LAHAT. Welcome 2013

Posted: Lakbay lansangan
No comments:
Post a Comment