Ito ang BUS-A. Ito lang ang mga lugar sa kahabaan ng EDSA na pedeng magbaba ng pasahero at magsakay. Ito ang makikita natin sa mga unahan ng BUS na pumapasada sa EDSA may mga letrang sticker na nakadikit sa kanilang unahan. Ito ang bagong programa ng MMDA para mabawasan ang matinding trapik sa kahabaan ng EDSA, at ako man ay isa rin sa mga naiinis sa tuwing maiipit sa trapik na halos usad pagong. Para sakin maganda ang ipinatupad ng MMDA na bus segregation scheme dahil dito unti-unti ng mababawasan ang trapik sa kahabaan ng EDSA. Sa ngayon marami pang nalilito lalo na ang mga pasahero dahil sa kalulunsad palang nito ay di maiwasang may mainis at magreklamo, pero sa-una lang naman ito at sa huli ay masasanay narin ang mga pasahero dahil kaayusan ang benipisyo nito sa mga motorista at maging sa mga pasahero dahil iwas trapik at tipid pa sa gas at di na kailangang maipit sa trapik ang mga pasahero lalo na sa mga rush hour. Sa programang ito ng MMDA ay madali rin mapapansin ang mga kolorum na pampasaherong bus na dumadaan sa EDSA. Sana maging kapaki-pakinabang ang bus segregation scheme na ito sa mga susunod pang mga araw, buwan at taon na lilipas at wag maging ningas kogon lang sila. At para naman sa mga driver SUV man o PUV maging patuloy po tayong maging disipinado sa ating mga lansangan ng sa gayon laging iwas aberya. Sumunod po tayo ng maayos sa batas trapiko dahil tayo rin ang unang apektado sa oras na tayo'y lumabag dito.
Posted: Lakbay Lansangan
No comments:
Post a Comment