Huling national holiday ng taon dito sa atin sa Pilipinas pagkatapos ng Christmas ay ang Dec. 30 dahil ito ang araw ng kamatayan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Binaril siya sa Bagong Bayan (Luneta Park) noong Dec. 30, 1896 dahil sa pakikipaglaban nya sa sa ating mga karapatan sa mga mapang-aping dayuhan, at dahil doon ay naging tinik si Rizal sa layunin ng pamahalaang kastila sa ating bansa kaya minarapat nilang ipapatay si Rizal, at ngayon siyay ating National Hero dahil sa kanyang mga ginawang magaganda at di mapaparisang pagmamahal sa ating bansa. Isa sa mga aklat na isinulat ni Rizal ay ang Noli Me Tangere at ang El Filibusterismo at ang mga nilalaman nito ay ang paglalarawan sa buhay at klase ng pamumuno ng mga kastila sa ating bayan kasama na dyan ang mga pang-aapi at di makataong trato sa mga Pilipino. Lumipas ang mahabang panahon simula ng siyay barilin at sa ngayon ay patuloy pa rin nating pinag-aaralan ang buhay ni Rizal sa mga eskwelahan upang ipaala-ala sa atin ang kabayanihan at magaganda niyang aral para sa mga kabataan at sa darating pang henerasyon.
Ngayong taon po ika 116th death anniversary ng ating National Hero na si Dr. Jose Rizal. Sa tagal ng panahon na siya'y R.I.P. naisip ko sapat na ba na gunitain lang natin ang kanyang magagadang nagawa? sapat naba na basahin natin ang kanyang mga aklat at pag-aralan ang kanyang naging buhay noong siyay nabubuhay pa? May nagbago ba sa Pilipinas pagkatapos siyang barilin? Siguro may nabago nga naging National Hero siya at nakilala sa buong mundo ang kanyang kagitingan at katalinuhan. Kaya mas maganda siguro gayahin natin si Rizal wag lang puro pag-ala-ala lang sa kanyang mga magagandang ginawa noong panahon nya. Dapat gawin din ng bawat Pilipino ang mga kabutihan na ginawa nya para sa ating bayan. Sabi nga ni Rizal "Nasa Kabataan ang Pag-asa ng Bayan" kung nasa kabataan nga ang pag-asa ng bayan dapat panindigan nating mga magulang na wag maligaw ng landas ang ating mga anak sa hinaharap dahil sa ngayon talamak ang mga sindikato ng droga sa ating bansa na patuloy parin sa pag manufacture ng ipinagbabawal na gamot at isa sa mga mahal natin sa buhay o tayo ang isa sa maging target market ng produktong ito. Pero simple lang sana para matapos na ang ganitong sakit ng ating lipunang gingalawan. Maging mahigpit sana ang ating batas pagdating sa ganitong mga kaso.. IBALIK ANG BITAY. Dahil si Rizal nga hinatulan ng kamatayan dahil sa pakikipaglaban nya sa ating mga karapatan at pagmamahal sa ating lahi at bansa. Kaya panahon na para hatulan din ng nararapat na kaparusahan ang mga sisira sa ating kinabukasan na ipinaglaban ni Rizal.
Posted: Lakbay Lansangan
No comments:
Post a Comment