Tuesday, August 28, 2012

ANAK NG PASIG


Ito ang Pasig River noon,malinis ang tubig, maayos at kaakit-akit tingnan ang mga kabahayan na malapit sa tabi ng Ilog. Ito rin ang pangunahing daanan sa pagluwas at pagpasok ng mga kalakal mula sa ibat-ibang karatig probinsya ng Maynila.  Makasay-sayan din ang Pasig River, maging noong panahon pa ni Rizal at may isang tagpo pa dito na isinulat si Rizal sa kanyang makasay-sayang aklat na "Noli Me Tangere at "EL Filibustirismo" Pero sa paglipas ng mahabang panahon hangang sa kasalukuyan.
Heto ngayon ang Pasig River. Nawala ang ganda ng Ilog, nawala ang mga halaman sa tabi, Dumami ang tao na naninirahan sa gilid, at maraming nag eskwat at nagtayo ng barung-barong, at tinapunan pa ng basura ng mga kababayan nating walang disiplina sa sarili. Sa paglipas ng panahon aminin natin na di naalagaan ang Pasig River at kasabay ng pag-dami ng tao ay siya rin pagdami ng lumapastangan sa linis at ganda ng Ilog.
Mula sa itaas kung nakasakay ka sa plane or chopper magandang pagmasdan ang buong Metro Manila ang mga kabahayan at ang Ilog Pasig na naghahati sa ilang syudad sa kamyanilaan tulad ng Makati City at Mandaluyong. Maraming na ring Photoghraper at maging sa ibang bansa ang kumuha ng larawan sa ating Ilog, at talaga namang ito'y napakagandang kunan ng larawan mula sa itaas dahil makikita mo rin ang entire city ng  Metro Manila. Pero hanggang larawan nalang ba natin masasabi na maganda ang Pasig River. Siguro nga hangang sa larawan nalang at sa malayo mo nalang dapat tingnan ang Pasig River dahil marumi na ang tubig nito at toxic na ito sa mga yamang tubig na ating kinabubuhay. Mabaho na rin kung lalapit ka sa Ilog dahil sa mga waste na naitapon dito tulad ng basura at kung anu-ano pa. Kasabay nito ang isa pang problema ang di makontrol ng gobyerno na pagdami ng naninirahan sa gilid ng Ilog.
Maraming mga Non-Government Organization or (NGO), at mga indibidwal sa ngayon ang nagtutulungan para daw makaipon ng pondo as in "PONDO" it means Money! para daw malinis muli ang Pasig River.! Natutuwa kaba dito?Ako para sa akin no comment ako dyan pagdating sa pondo. Ang sa akin lang sana bago natin naisip ang pagrehab sa Ilog Pasig dapat inisip muna natin noon kung paano ba ang dapat gawin para di masira ang ang Ilog, paano ba ang pamamaraan para maging kapaki-pakinabang sa darating pang panahon para sa mga mga anak ng ating mga anak. Matatalino daw tayong mga Pinoy pagdating sa mga problemang ganito, may mga plan A at plan B na agad na pedeng gawin kung sakaling mangyari ang ganitong sitwasyon. Pero mas maganda siguro na planuhin natin ang mga dapat gawin para manatili ang kaayusan at hindi ang plano after ng masira ang isang bagay o kalikasan tulad ng Pasig River. Gets nyo ba ako.? Tama diba?!
Sa sitwasyon ngayon  paano pa maibabalik ang dating ganda at linis at halimuyak ng tilamsik ng tubig sa pampang ng Pasig river.?! Magiging sapat na kaya ang pondo na malilikom para dito? Hangang kelan magiging ganito ang Ilog? At maibabalik pa kaya ang linis at mga ibong lumilipad dito pag dating ng hapon para sa kanilang pagkain. Mahirap di ba?!
The best way siguro i-educate ang mga pamilya at mga indibidwal na naninirahan malapit sa ilog at magsagawa ng konkretong plano at mahigpit na ordinansa para ma protektahan ang kaayusan ng Pasig River. Malaki ang maitutulong ng mga naninirahan sa tabi ng ilog kasama na ang mga factory kung meron man na malapit sa river side. Salamat po!
 
Posted: Lakbay Lansangan

Wednesday, August 22, 2012

Mga Noyping Pasaway sa Lansangan..Huwag po nating gayahin!


Sa Panahon ni Mr. Bayani Fernando na dating Chairman ng MMDA isa siya sa nagpabago sa mga lansangan ng Kamaynilaan, ang mga sign tulad ng Public Safety Awareness para sa mga motorista at pedestrian na dating kulay green ay ginawa nyang kulay pink sa kanayang panunungkulan, Wala namang problema dito natutuwa pa nga ako sa kanya dahil dumami ang mga overpass na daanan at di na kailangang makipag-patentero sa mga motorista sa pagtawid marating mo lang ang kabilang kalsada. Nalagyan din ng maayos na karatula ang unloading at loading place ng mga pampublikong sasakyan sa EDSA tulad ng Bus. Nabawasan ang mga sidewalk vendor sa kahabaan ng Edsa particularly sa Guadalupe na nagiging sanhi ng heavy trafic lalo na sa hapon hangang sa sumapit ang gabi. Ang paglagay ng mga cctv camera para madaling ma-monitor kung saan may mga aksidente at kung saan may maluwag at pagsikip ng kalsada dahil sa traffic.Ilan lang ito sa mga magagandang nagawa ng MMDA para sa mga motorista at itoy masasabi kong kapaki-pakinabang para sa ating mga indibidual.
Pero sa kabila ng magagandang layunin ng MMDA magpahangang sa kasalukuyan. Sadyang marami parin ang di sumusunod sa ating batas, Tulad nalang ng larawang ito, napakalaki na ng letra ng pagkakasulat, at isinulat ito sa tagalog, at kung titingnan mo ay sentro at agaw pansin ito sa mga dumadaan na mga sasakyan at maging sa magbabalak tumawid patungo sa kabilang kalsada. Pero may mga kababayan talaga tayo na ubod ng pasaway. Simple lang at maikling paalala para mabasa ng publiko, at naiibang kulay para mapansin ng lahat, pero sadyang malalakas ang loob ng ilan sa atin dahil sa kanilang katamaran dumaan sa tamang tawiran.! "WALANG TAWIRAN NAKAMAMATAY" sige parin...sa pagtawid sadyang napakakulit.
Ikaw, kung isa ka sa di sumusunod sa batas kelan ka matutoto na mali at hindi acceptable bilang isang Good Filipino Citizens ang ipinapakita mong imahe sa mata ng publiko. Kelangan bang may
masaktan ka pa o madamay sa iyong di pagsunod sa batas para lang matuto ka!? Kelangan bang maaksedente ka at masugatan para matuto ka sa iyong pagkakamali, o kelangan maaksedente ka sa gingawa mo at tuluyang  mawala sa mundo para matuto ka..!? Pero kong mangyari yun di ka na matutoto kc wala kana, siguro ang makakapanuod sayo sa news sa Tv baka sila ang may makuhang lesson sa ginawa mo.
Para po sa lahat, dapat maging proud tayo bilang isang Pilipino dahil nasa isang bansa tayo na malaya. Malayang gumalaw na pede nating gawin na walang limitasyon ang galaw at pamumuhay. Pero sa kabila ng ating pagiging malaya wag nating kalimutan na may mga batas parin tayo na dapat sundin para manatili ang ating kapayapaan, siguridad, at kaayusan ng bawat isa. Bilang isang concern citizens wag po nating gayahin ang mga ginagawa ng ating ilang mga kababayan na simpleng ordinansa lang para matiyak ang ating siguridad ay di pa magawa.

Posted: Lakbay Lansangan

Sunday, August 19, 2012

Ulong Beach in Marinduque


I remember last time it was 2008 I'm with my wife and my two kids spent summer in my Hometowm Marinduque, and one of my bonding moment with my family is to visit Ulong Beach.It's nice to be there to spend holidays or vacation with your loveones, family and friends.Ulong beach is open for local and foreign tourist, if you want to go there you must bring your own food because they don't have any food store or restaurant near in the beach, but they have sari-sari store and you can easy to buy prepaid load for your mobile. Ulong Beach is not really crowded even weekend, and the water is very clear and not so cold. it's nice to swimp and enjoy strolling the seaside and capturing moment with your camera. Ulong beach is facing in to the nortwest, and if you like to experience the sunset you must stay in the beach until 7 PM to see the beautiful sunset. If you having plan to visit Marinduque, from Manila you take Bus going  Lucena City Peir (Dalahican) travel time is almost 5 hours including trafic and from Lucena City Pier you travel again by shipping lines bound to Marinduque Island for 2 hours. But if you want to spend vacation to Marinduque for immediate access to the Island its better you travel by Plane with Zest Air or some other local airlines or try to visit some travel agency in the Internet for more info.

Posted: Lakbay Lansangan

Thursday, August 16, 2012

Mercedes Cabral

Kilala nyo ba siya? Siya si Mercedes Cabral, Ipinanganak noong Aug. 10, 1986 sa Maynila. Isa siyang Fine Arts (Sculpture) at  ngayon ay isa narin siyang Filipina Actress at napapabilang sa mga sikat na Asian Icon sa ngayong panahon. Isa si Mercedes sa may maganda at nakakaakit na mukha ng showbiz. Isa siya sa may maraming mga Indie-Film na nagawa na ipinalabas sa Europa at sa ibat-iba pang mga bansa.
Nakagawa siya ng dalawamput-tatlong pilikula kabilang ang "Serbis" at ang "Babae sa Septic Tank" at lahat itoy tinangkilik ng masa dahil sa ganda at husay ng kanyang pag-arte, at dahil sa husay nya di  malayong di siya mapansin at hangaan ng nakararami maging sa ibang bansa.

Post ko po ito dahil isa po akong taga hanga ni Ms. Mercedes Cabral at proud ako sa kanya bilang isang Pinay sa husay at galing sa larangan ng sining..Mabuhay ka Ms. Cabral.

Posted: Lakbay Lansangan

Wednesday, August 15, 2012

Bourne Legacy Movie

Rachel Weisz as Dr. Marta Shearing, left, and Jeremy Renner as Aaron Cross in a scene from "The Bourne Legacy."
Isa sa mga Million Dollar Movie ang Bourne Legacy at 40 porsyento ng location ay dito sa Pilipinas ginawa. Ang mga maiinit at maaksyong eksena ay kinunan sa ibat-ibang lugar sa kamaynilaan tulad Malate, Intramurous, Sta. Mesa, Pasay Rotonda, EDSA, at Navotas Fish Port yan ay ilang lugar lang dito sa Manila na kung saan mapapanuod sa World Big screen ang Pilipinas. Karangalan ng ating bansa na ang isang popular at world class movie na tulad ng Bourne Legacy ay nagtiwala sa mga local producer natin na maipakita sa kanila na pang world class din ang Pilinas pagdating sa makatutohanang eksena sa pilikula. Isa ang pilikulang ito na magpapakita sa mundo sa modernong panahon na kaakit-akit ang Pilipinas para sa mga action movie scene, at maaaring pasukin narin tayo ng ibat-ibang Foreign Producer for Film Making. And this is a big opportunity for us to show in the Big Screen  that our country have a capacity to accept Foreign Producer when it comes of Entertainment. But not only for this, also our hospitality for foreign people will must show them at sabi nga nating mga Pinoy "It's more fun in the Philippines" So, lets make stand for this and show how amazing Philippines.!

Posted: Lakbay Lansangan

Monday, August 13, 2012

Ang Hagupit ni Habagat


Ito ang mga larawan ng Hilagang bahagi ng Pilipinas partikular sa Maynila at mga karatig Lungsod at Probinsya. Ito ang lupit ng nakaraang Hanging Habagat na nagdala ng maraming tubig ulan at sanhi ng pagbaha at pagkasira ng mga ari-arian at pagkasawi ng ilan nating kababayan.Maraming kabuhayan at mga negosyo ang naapektuhan, pero sa kabila ng sakuna at kalamidad tulad nito ay di nawawala sa ating mga Pilipino ang magdamayan at magtulungan, nandyan ang mga local celebrity natin na tumulong at namigay ng mga grocery at relief goods, ang mga In-mate ng CIW, ang mga Non-Government Organizatin or NGO, ang ABS-CBN, GMA7 AT TV5 at ang mga Rescue team na naglilinkod sa ating pamahalaan tulad ng Army at mga concern citizens natin na pagmay pagkakataon ay walang inaaksayang oras kundi magbigay serbisyo sa gitna ng kalamidad. Sadyang maawain at matulungin ang mga Pilipino sa oras ng kagipitan at ito'y subok na sa paulit-ulit nating naranasan ang mga ganitong sakuna.
Sa kabila ng mga kalamidad na dumaan sa ating Bansa.Masasabi kong matatapang talaga ang Lahing Pinoy. Patuloy na lumalaban sa gitna ng hirap at puno parin ng pag-asa na ang lahat ay lilipas din at muling maibabalik ang nawalang kabuhayan at pagsusumikapan upang ito'y makamit  muli.Bilang isang Pilipino saludo ako sa lahing aking pinagmulan, matatapang at di sumusuko at di pinanghihinaan ng loob sa mga pangyayaring sanhi ng kalamidad.

Posted: Lakbay Lansangan

Saturday, August 11, 2012

MGA ESKWATER SA URBAN


Eskwater
Ito ang panget na imahe ng Kamaynilaan. Mga Urban Poor na ninirahan sa ilalim ng overpass at ang iba ay nagtatayo ng barong-barong sa mga gilid ng ilog.Nakakalungkot isipin na habang lumilipas ang panahon silay parami ng parami.May programa ang gobyerno natin na silay ilikas sa isang maayos at ligtas na komunidad, isa na dito ang relokasyon sa Rodrigues, Rizal. Marami ng nabigyan ang gobyerno ng ganitong pagkakataon na makalipat sa isang maayos at mapayapang tahanan. Pero ang nakararami sa kanila ay patuloy parin na bumabalik sa kinagisnang lugar sa kadahilanan binigyan nga sila ng maayos na tirahan ng gobyerno pero ito ay nasa liblib na lugar at walang permanenteng source of income.Mas maganda sana bigyan din ng gobyerno ng livelihood program ang mga maralitang taga lunsod na nilipat nila sa mga karatig probinsya ng Metro Manila ng sa gayon di na nila pangarapin pang bumalik sa Lunsod upang mag eskwat na namang muli para makahanap ng pagakakakitaan. Kung may katutuhanan ang mga kwento-kwento na ang karamihan sa mga ni-relocate ng gobyerno ay bumabalik muli sa syudad at ang iba ay beninta pa ang mga ibinigay na bahay at lupa ng gobyerno para bumalik sa Kamaynilaan ito daw ay sa kadahilanan na hirap sila sa pagkakakitaan, mas nakakain pa sila ng 3 beses sa maghapon sa syudad kahit sila ay nakatira sa ilalim ng tulay at sa gilid ng Ilog.Halimbawa na lang ang isang malaking Eskwater area sa Madaluyong beside Mental Hospital and CIW malaking porsyento ng mga naninirahan dito ay may mga regular na trabaho at nandito sa syudad ang kanilang source of income.Kung ililipat mo sila sa lugar tulad Rizal posibleng lalo silang maghirap dahil magsisimula na naman silang muli. Mas maganda siguro kung bilhin nalang ng gobyerno ang lupa na kinatitirikan nila at magtayo dito ng konkretong tahanan o kaya ay condominium sytle at ipagkaloob sa mga mamayang mahihirap na may permanenteng trabaho na nasa Lunsod.Mas maganda hakbang siguro ito at posibleng maiwasan pa ang karahasan sanhi din ng mga kabi-kabilaang demolisyon sa mga eskwater na lugar.

Posted: Lakbay Lansangan

Friday, August 10, 2012

PERA NI OBAMA LABAN SA PERA NI NOYNOY!

Tuwing papalapit ang 15 of the Month pababa ng pababa ang palitan  ng Dolyar sa Peso! Nakakapang hinayang ang marami mong overtime sa kabila ng pagod at hirap at stress sa trabaho umaasa ka na malaki ang maipapadala mo sa iyong pamilya sa Pilipinas pero kabaliktaran ito.! Ang nakakainis pa after mong mag remit makalipas ang ilang araw tataas naman ang palitan! Accurate kaya ang exchange rate ng mga  bank at mga money changer pagdating sa ating mga remittances!? Ang hirap maging Overseas Worker lalo na kong nasa mainit kang bansa or nasa part ng Africa tinitiis mo ang lungkot, di maintindihan na pagkain na provide ng company,pasaway na Bos, at stress sa trabaho kasabay pa ang klema na napakainit at minsan naman ay umuusok ang bibig mo sa sobrang lamig lahat yan ay kayang tiisin ng Pinoy worker sa abroad para sa mga pangarap sa buhay. Pero ang masaklap pagdating sa ating mga remittances pabago bago ang exchange rate ng palitan sa Pilipinas. Umaasa ka na malaki ang maiipon mo pero hindi! tuloy nakakapag-isp ang ilan sa atin na tayo ay nadadaya sa palitan. Di ba pwedeng i-fix nalang sa isang amount ang palitang ng Dolyar sa ating Peso, pedeng 45 or 50 di na pedeng itaas at di na rin pedeng ibaba. Siguro maraming OFW ang matutuwa kung mangyayari ito. Kung masaya si Bank at si Western Union sa ating mga remittances.! sana si OFW at ang pamilya sa Pilipinas ay masaya din.!

Wednesday, August 8, 2012

Proud Being Catholic


I'm a Christian Catholic and
I will never change my religion and I'm proud of it.
If there's something I will change in my life maybe my bad attitude and my bad habit. But in faith in God! I'm strong with Him until my life end. I love being Christian, I love to serve God, I Love to make good things to other's, I love to listen someone who spread the life and goodness of God Jesus Christ. I'm devoted Catholic and no one can change my belief. I'm proud those people exist in the darkness and later they found light on their path.
Hanga ako sa mga taong pursigidong magbagong buhay at tuluyan  kinalimutan ang masasamang gawain na kinagisnan. Pero sa kabila ng kanilang pag babago tuluyan din nilang iniwan ang kinagisnan nilang relihiyon. Ang pagiging isang Katoliko. But everyone will deserve to respect their own belief in life. The best thing is, they change thier life and acceptance to their heart  and beleiving that theres a God loving and watching us.

Posted: Lakbay Lansangan

Monday, August 6, 2012

Protest Againts Reproductive Health Bill.!


Larawan ito ng mga protesters sa Edsa Shrine last Aug.4 karamihan dito ay
mga katoliko at mahigpit nilang tinututulan ang panukalang batas na sumusulong ngayon sa kongreso
ang "Reproductive Health Bill".
Maging ang UN ay sumasang-ayon dito na nagsasabing mas kailangan natin ito laban sa patuloy na paglaki ng ating population.Bakit sobrang tinututulan ng Simbahang Katoliko
at ilang mga religios group sa bansa ang panukalang ito?  Maaring tama ang ilan sa atin na  napapaloob nga dito ang pagsasa-legal ng abortion at kahit ako'y tutol dito. Kaya ikaw againts ka ba o pro RH Bill?

Posted: Lakbay Lansangan

Saturday, August 4, 2012

Hiroshi Tsuburaya 1964-2001


SHAIDER- Popular siya sa atin noong early 90's,
Nakilala siya at inidolo ng mga bata at pati na rin ilang matatanda. Isang malakas na Superhero si Shaider ang Police pangkalawakan
siya ang ating tagapag-tangol sa mga Aliens na masasama na gustong sumakop sa ating Mundo.Isa ako sa panahon ni Shaider na
laging nagaabang tuwing sabado ng hapon sa channel 2 alas kwatro ng hapon. Bilang isang bata hangang-hanga ako sa kanya at bawat sandali ng pakikipaglaban ay aking tinututukan.Nakakamis ang kamus-musan diba..? Pero sino nga ba si Shaider (Alexis) sa totoong buhay? Siya si Hiroshi Tsuburaya, ang tunay na pangalan sa totoong buhay. Post ko ito dahil nakakatuwang alalahanin ang  ating kabataan at ang mga mabubuting ginawa ni Shaider(Alexis) sa ating mundo. Nakaka-inspire ang pakikipaglaban nya para maipagtanggol tayo sa bad Aliens from outer space.Sa edad na 37 pumanaw si Hiroshi Tsuburaya sa Liver disease. Sa kabila ng kanyang pagpanaw nanatili parin sa mga umiidolo sa kanya ang mga ala-ala at kabutihan nya sa katauhan ni Shaider(Alexis).

Posted: Lakbay Lansangan

My House

This is my house in Lavista Solana Subd.in Pampanga. For me its nice and simple.! Not really expensive and everyone will afford this kind of house.They have 3 Bed room and 2 toilet with bathroom. One master bedroom for us, and the rest two is for my  kids.
Actually, bungalow style is not my type! I like two storey house with two bedroom
in the 2nd floor, and 1 room at the first floor.But I change my plan andI realize someday my wife and I, were getting older and maybe it's difficult for us
to walk go up and down.That's why we dicide to change our plan to bungalow. I really like my house.! It's simple and elegant.I post this photo to inspire me to work harder,inspire me to fight stress to my work,and less homesick. Because I'm working outside the country right now and so difficult to live away from home.

Posted: Lakbay Lansangan

Friday, August 3, 2012

Angel's Burger

Dati di ko pansin ang mga burger food chain  na tulad ng Angels Burger pero nag try akong tikman kc sa amoy palang parang masarap. Then I was surprise ng matikman ko kc masarap din ang lasa at pwede mo siyang i-compare sa mga leading burger company sa bansa.I really like the taste lalo na ang buy 1 take 1 free nila. Kayang-kaya ang presyo, masarap pa.
Sa ngayon isa ang Angel's Burger sa mga leading stand alone burger company sa kalakhang Maynila maging sa mga kalapit lunsod hanggang sa central Philippines particularly in Cebu.
At open na rin sila sa Franchising. Salamat sa Angels Burger dahil nakuha nila ang lasang gusto ng mga Pinoy.

Posted: Lakbay Lansangan

Thursday, August 2, 2012

Iniwan ni Gener

Gener-Isa ito sa mga larawan na kuha sa Kalakhang Maynila sa katatapos na bagyong "Gener" mapapansin nyo sa larawang ito sandamakmak na basura ang lumulutang sa tubig na napakadumi. Sa kabila ng mga anunsyo at panawagan na ating pamunoang pang-lunsod na itapon at ilagay sa tamang paglagyan ang ating mga basura ay siya namang kawalang rispeto ng iba at patuloy parin ang pagtapon sa mga estero lalo na ang mga nakatira sa malapit sa mga ilog sa buong syudad. Marami na rin na ipinalabas na mga dokumentaryo sa ating national telebisyon tungkol sa pangunahing problema ng Metro Manila pagdating sa kalamidad pero patuloy parin ang karamihan sa ating mga kababayan ang walang desiplina sa sarili. Parang wala ng katapusan sa tuwing darating ang kalamidad sa ating bansa ay parang laging ganito ang resulta, lahat apektado lalo na ang pang-araw-araw mong ginagawa ay naapektuhan din. Sabi nga ng mga slogan na madalas nating mabasa "BASURA MONG ITINAPON BABALIK DIN SAYO..! tama diba...?
Nakakalungkot isipin na taon-taon nalang ganito ang nagiging problema natin.
Di lang gobyeno natin at mga namumuno sa ating pamahalaan ang dapat nating hingan
ng tulong sa problema nating ganito.Tayo mismo ang dapat gumawa ng unang hakbang
dahil tayo rin at mga mahal natin sa buhay ang unang
makikinabang ng kaayusan at katiwasayan ng ating kapaligiran.!

Posted: Lakbay Lansangan



Wednesday, August 1, 2012

Inside Algeria

Algeria-This is my second distination country. I'm working here for almost 3 years and I'm glad it for spending time for this place. My accomodation and our Construction Project are facing in the famous Mideteranian Sea. My work area are very closed in the sea side, if you wish come closer in the beach you will see a lot of Seagul bird flying to caught  some fish and I love watching that moment before sunset. I really love nature and I appreciate every living things in this planet. Algeria have good climate in a year they have winter, summer, autumn and spring, but i like most spring because not really cold. Summer it's not like Philippines because the temperature in summer sometimes 25 degree F and extreme hot is 30 degree Fahrenheit it's almost like Philippines in normal day.My accomodation also near in the village, it's a residential place of local people and at the same time have a mini market in there, and you can buy some basic needs like food, etc. Every weekend we try to go to the village to buy some foo like sandwich because I love Algerian Style Sandwich its easy to prepare that food, it's a long french bread with ground beef/chicken filling french fries with slice tomato, onion, ketsup and mustard its simple flavor..If you taste it....Wow its really amazing!!! And also I love Algeria home made pizza its a regular size dough with spreading on top of pizza sauce with cheese, ground beef with olive fruit.When they serving its nice taste together with a glass of cola. I choose this one also.People in Alageria speaking Arabic, French and English but most of the time they speak there own native language it's Arabic.The hospitality of the local people I will consider excellent... Its  nice to experience the concern and caring of other racial for the foreigner like me in there own town. I wrote this blog beacause I appreciate the good things that I experience. I like this place and I'm thankful for the opportunity to work, and the chances to experience to meet different people and culture.

Posted: Lakbay Lansangan