Thursday, September 27, 2012

Huli Cam na naman

Isa itong video na ipinalabas sa 24 oras kagabi lang at kung napanuod nyo ang news na ito ay talagang kikilabutan ka sa aktwal na pagnanakaw sa isang computer Shop sa Tondo, Maynila. At ang pangunahing mga biktima dito ay ang mga customer na kasalukuyang nagii-internet ng mga oras na yun.! Mabuti na lamang at walang nagtangkang lumaban sa mga biktima dahil kung nagkataon ay nabaril sila ng mga masasamang loob na ito. Pero ang hindi alam ng mga Holdaper ay maraming CCTV Camera ang nakapaligid at maging sa loob ng establishment, kaya huling huli ang aktwal nilang pagnanakaw at malaking ebidensaya ito laban sa kanila. Malaki ang naitutulong sa atin ng CCTV Camera lalo na kung mayroon tayong negosyo madali nating mamonitor ang mismong transaction ng mga taong papasok at palabas sa ating establishment. At kung sa di inaasahan at magkameron ng mga insidente na tulad nito ay mataas ang porsyento na malaman natin ang buong pangyayari dahil sa tulong ng Close Circuit Televison Camera or CCTV. Madalas na tayong nakakapanuod ng mga ganitong krimen, at nangunguna na ang pagnanakaw or panloloob sa mga maliliit na mga establishment like computer Cafe at kahit mga stand alone 24 hours burger store ay mainit din sa mga Holdaper o magnanakaw lalo na sa gabi. Sa mga ganitong pangyayari, nakakabahala at dagdag isipin sa isang nagnenegosyo na baka isang araw ay ikaw naman ang target ng mga walang hiyang magnanakaw na ito!. At para naman sa mga taong nagpaplano ring mag negosyo tulad ko ay parang nakakatakot magnegosyo sa ngayong dahil sa madalas na mga pangyayaring nakawan at panloloob sa mga maliliit na establishment. Dito sa Pilipinas nagsulputan na rin ang mga CCTV Camera sa mga lansangan lalo na sa mga matataong lugar di man provide ng ating gobyerno na malagyan ang lahat ng public road at mga pampublikong lugar at mga establishment area ay marami naman sa ating mga concern citizens ang may mga CCTV Camera sa kanilang mga kabahayan at gayundin ang ilang mga establisment owner.
Sa mga ganitong pangyayari naisip ko lang parang hanggang sa CCTV Camera lang nahuhuli ang gumagawa ng mga masasama. Sana maiba naman wag puro magnanakaw at masasamang loob ang laging nahuhuli sa Cam.! Dapat meron ding ganito sa unang bugso ng news sa TV "Police huli sa cam habang pinupusasan ang isang magnanakaw" o kaya "Magnanakaw huli sa cam habang tinutugis ng mga Police" o kaya naman " Holdaper sapul sa cam habang nakipagbarilan sa tumutugis sa kanyang mga police ". Diba ang ganitong mga balita ay masasabi natin na hindi lang ang mga kawatan ang marunong umaksyon sa harap ng Cam at gayundin ang ating kapulisan. Di ko naman sinasabi na walang ginagawa ang ating Kapulisan pagdating sa ganitong kaso dahil ang mission nila ay "TO SERVE IN PROTECT" the public.!Pero ang sakin lang wag tayong puro asa sa CCTV na marerekord naman dito ang lahat ng info na dapat nating malaman pagkatapos ng krimen, ang dapat kasabay ng pagdami ng mga CCTV dyan sa mga lansangan dapat dagdag police patrol 24 hours din para naman maibsan ang mga kaso na tulad ng nakawan. Subukan kaya ng ating PNP na magdeploy ng karagdagang Police Secutiry sa mga establishment area at sa mga pampublikong lugar at regular nilang gawin ito, at masasabi nating isa ito sa may mataas na porsyento na mabawasan ang mga krimen na tulad ng nakawan at ibat-iba pang mga modos operande sa ating mga lansangan.

Posted: Lakbay Lansangan

Wednesday, September 26, 2012

BerMonths Sa Pilipinas

Pag sapit ng September minsan di natin maiwasang makarinig ng awiting pampasko at itoy unang hudyat na Bermonth na at kasabay nito parang napapadali ang araw na ating hinihintay para sa ating mga Kristyano at ito ay ang araw ng Kapaskuhan dahil ito'y minsan lang sa isang taon at napakahalagang Holiday din para sa mga Pilipino. Dahil pagkakataon din ito na makasama ang ibang myembro ng ating pamilya lalo na kung galing pa sa malayong lugar tulad nalang ng mga Overseas Worker na taon din ang binibilang bago makauwi ng Pilipinas para makasama ang kanilang mga mahal sa buhay. At pagsapit naman October ay simula na rin ng Semester break sa mga koleheyo sa Pilipinas kaya ikinatutuwa din ito ng ating mga studyante dahil after ng final exam ay makakapahinga ng ilang Weeks para sa ikalawang Semester ng taon. At kung mapapansin natin dumadami na rin ang mga mall na nagsi-sale ng kanilang mga paninda dahil sa ganitong buwan maraming Kompanya rin sa Pilipinas ang nagbibigay sa knilang mga Empleyado ng tinatawag na mga advance partial bunos o mga incentive at itoy cash na matatangap at minsan naman ay mga gift check. At sa buwan naman ng November isa pang pagdiriwang ang di natin pedeng palampasin ang pag-alaala sa ating mga Mahal sa buhay na namayapa at ito ang "Araw ng mga Patay" at isang Lingo bago sumapit ang ika-isa ng Nobyembre ay abala na tayo sa paglilinis sa Sementaryo para sa pagsapit ng unang araw ng Nobyembre ay makapag-alay tayo ng bulaklak at kandila at panalangin sa puntod ng ating namayapang Mahal sa buhay. At ito'y isang napakahalagang holidays din para sa ating mga Pilipino. At pagsapit naman ng huling Bermonth ng taon ang siyang pinakahihintay ng lahat at ng iba pang mga Kristyanong Bansa sa Mundo at ito ang Buwan ng Disyembre. Sa atin sa Pilipinas ang ganitong Buwan ay abalang-abala na tayo sa preperasyon, nakikipagsiksikan na tayo sa mga pamilihan lalo na sa mall, naglilista na tyo mga ihahanda sa noche buena, at nagbabalot na rin tayo ng ating mga pinamiling regalo para sa ating mga inaanak at ito'y ilan lang sa mga kadalasan nating ginagawa lalo na kung araw nalang ang binibilang ay Christmas Celebration na!..

Posted: Lakbay Lansangan

Kotongero Huli sa Camera

Kung di man mahuli sa CCTV Camera ang mga masasamang loob, sa mga concern citizens naman na may mga personal na dalang Kamera posibleng masapol ang mga gagawa ng di maganda sa harap ng publiko. Tulad nalang ng isang Trafic Enforcer na nakunan ng video at sapul na sapul ang pangungotong sa isang motorista sa edsa Pasay Taft sa Maynila. Wlang takas at sapul sa kamera ang modos ng Trafic Enforcer na ito. At ngayon kasalukuyan na itong suspendedo sa trabaho at gayun din ang ilan nyang kasamahan. Sa concern citizens na kumuha ng video na ito na ibinalita sa 24 oras pansin ko talaga palang marami paring garapal na mga Traffic Enforcer sa ating mga lansangan. Maliit man o malaki ang nakukuha nila sa mga motoristang pasaway din sa kalsada ay masasabi parin natin na itoy korapsyon at kahit kailan ay di ito matatawag na tamang diskarte para mag kapera. Sa hirap nga daw ng buhay ngayon, may trabaho man tayo at regular na kumikita ay di parin sapat dahil sa mababang sahod lang ang ating natatangap pero kahit maliit lang o sapat lang ang ating kinikita ay marami pang magandang paraan para magka pera at hindi sa pangungotong or sa anu pang gawain na ipinagbabawal ng batas.Kaya para sa mga iba pang Traffic Enforcer dyan na gumagawa ng pangungotong kung naiiwasan mo ang mga cctv camera na nasa paligid mo...Ingat karin kc hindi lahat ng CCTV Camera ay nasa isang positioning lang..Minsan itoy naglalakd din at kong mamalasin ka ay baka habulin ka pa nito tulad na lang ng nasa larawang ito walang kawala at bawat galaw ay nakunan ng video hanggang sa iaabot ang karamput na kutong at ang kapalit nito ay kahihiyan at posibleng pagkawala ng tiwala ng ibang tao at gayun din ang trabaho na ipinagkatiwala ay posible rin mawala...

Posted: Lakbay Lansangan

Friday, September 21, 2012

HOME A LONG DA RILES

Dikit-Dikit at gawa sa mga wood materials, yero at plastik ang mga kabahayan na makikita natin sa tabi ng relis. Masyadong pilegroso ang ganitong lugar para sa isang pamilya lalo na kong may maliliit kang mga anak. Maliban sa masikip na lugar, at sa ingay ng Tren na dumadaan sa araw-araw ay takaw aksidente rin ito para sa mga naninirahan dito. Kung titingnan natin ang pamumuhay ng mga taong nasa Riles iisipin natin na talagang risky ang lugar, una dahil ilang dipa lang ang layo nila sa Riles at pag may dumaan na Tren baka magkamali sila ng galaw at mahagip ang sino man sa kanila. Pangalawa, ang kanilang mala-studio type na kabahayan dahil itoy magkakadikit at gawa sa kahoy ang karamihan, at sa di inaasahan na magkasunog maaring maging mabilis ang pagkalat ng apoy sa mga kabahayan. Napansin ko sa paglipas ng maraming taon ay patuloy din sa pagdami ang mga naninirahan sa tabi ng Riles ng Tren at dito ko naisip kasabay ng paglipas ng panahon ay siya rin dami ng mga naghihirap sa atin, it means tumataas population sa ating bansa at the same time pagtaas din ng poverty. Wala man tayong gawing survey sa madla, di man natin mabasa sa dyaryo o mapanuod sa telebisyon ang status ng kahirapan sa ating bansa ay makikita natin at mararamdaman dahil hindi naman tayo bulag at di rin tayo manhid.
Sa ngayon kung mapapansin nyo ganito na daw ating PNR ito ay  proyekto ng ating gobyerno na pagandahin ang ating  Philippine National Railways maganda na ang design sa labas at loob at kaakit-akit na ring tingnan at masasabi nating pang world class din ang dating at kong ma-experience nyo na makasakay dito sa mababang halaga ng pamasahe, aircon din, malinis at di siksikan tulad sa MRT sa Edsa at LRT sa Taft ay surely safe ang paglalakbay mo at iwas trafic din. Kaya lang sana sa pagpapaganda ng gobyerno sa PNR kasabay nito pagandahin din nila ang daanan ng mga Tren, alisin ang mga nagsulputang iskwater sa mga tabi nito lagyan ng Fence ang gilid ng railway, na posibleng pagtayuan pa ng mga barong-barong at maiwasan din ang abirya sa operasyon ng PNR dahil marami ng mga case ng aksidente sa Riles ng Tren at wag nating sabihing ito'y common case lang, mapanganib ang manirahan dito and for safety reason tulungan din ang mga iskwater dito na mabigyan ng maayos, malinis, at Komportableng tahanan para naman totally masabi natin na maganda na nga ang PNR.!at no doubt ako dyan.!

Posted: Lakbay Lansangan

Thursday, September 20, 2012

Instant Ulam

Tayong mga Pinoy mahilig tayo sa mga tinatawag na "Tsetserya" at mabibili natin ito sa mga Grocery store or sa ating mga sari-sari store. Kadalasan sa mga produktong ito ay medyo salted ang taste at kahit medyo salted tamang timpla lang ito sa ating panlasa at masarap itong papakin kasabay ng softdrink lalo na kong nanunuod ka ng Sine or kahit nasa bahay ka habang nanunuod ng TV at nakataas ang dalawang paa sa sofa. Madalas din tayong magbaon nito sa tuwing pupunta tayo sa park with friends or outing kasama ang Pamilya or Barkada dahil instant food din ito na kahit nasaan ka pag meron ka nito instant nguya agad sa oras na kumalam ang tyan mo or habang wala kang ginagawa pede kang magpapak hangang gusto mo.! At madalas din nating pulutan ito sa inuman lalo na kong short sa budget "Tsetserya" lang pwede ng itapat sa bawat lunok mo ng alak o beer.  Isa sa mga paborito ko ang "La-La" sa tuwing magpupunta ako ng Grocery di ko maiwasang bumili nito dahil di lang pang relaks time ko ito kinakain at the same time pede rin siyang i-ulam sa kanin. Na try nyo na bang mag ulam nito? Naalala ko When I was in College dahil working student ako, trabho sa gabi aral sa umaga masyadong limitado ang oras ko dahil mag-isa lang ako sa boarding House at laging busy wala na akong time makapagluto. Minsan naisipan ko na iulam ang "Tsetserya" sa kanin at mas nagustuhan ko ang lasa ng "La-La". Isang subo ng kanin plus 1 pc of "La-la" na sinawsaw sa Vinegar at sa halagang 10 pesos noon ng "La-la" solve na ang isang meal ko sa isang araw. Kaya paminsan-minsan di ko maiwasang di bumili ng Lala pag may nakita ako nito sa mga saris-sari store or sa grocery dahil sa meryenda time ito ang paborito ko at minsan din kung wala kang Tsetsarong Baboy na panglahok sa ginisang Mongo, pede mo rin itong ilagay after ng maluto ang Mongo ilagay mo sa ibabaw ang isang dakot "La-la" na Fish Flavor sulit din ito at masa masarap pa siya sa Tsetsarong Baboy na kadalasan nating nilalagay sa ginisang gulay na Mongo..!

Posted: Lakbay Lansangan

Amerika

 Ano ba ang alam natin sa Bansang Amerika? Ano ba ang pagkakakilala natin dito? Di pa ako nakakarating ng Amerika pero sa nababasa ko at napapanuod sa TV, at naba-browse sa internet ay isa ito sa may magandang status ng ekonomiya sa kasalukuyang panahon at kilala bilang isang maimpluwensya at makapangyarihang Bansa sa Mundo. Sa nakalipas na mga araw maraming mga Bansang Muslim at napabilang na rin ang Southern Philippines (Muslim Area) na nagprotesta laban sa Amerika dahil dito daw nag originate ang kumakalat na mapanirang Short Film na kumalat sa mga networking site at sa isang popular video site sa internet na nagpapakita ng di magandang imahe ng pagkatao ni Propeta Mohammed at dahil sa mapanirang video ay naging marahas at bayolente ang mga Muslim Brotherhood sa kanilang pagprotesta laban sa Amerika at may mga namatay kabilang na dyan ang U.S. Ambasador sa Libya at ilan pang American Diplomat at kasabay nito ikinagulat ito ng Amerika dahil di nila inaasahan na ganito ang reaksyon ng mga Muslim sa ibat-ibang mga bansa. Naiintindihan ko ang emosyon at galit ng mga kapatid nating Muslim, pero pede naman silang mag protesta sa mapayapang paraan at di kailangan pumatay ng tao o kahit na sino, mapa-Amerkano man o ano mang lahi o kahit na anong Religion ang meron ka, dahil ang pagpatay sa kapwa mo tao ay Mortal na kasalanan. Alam ko sa Muslim bawal ding pumatay ng tao dahil labag ito sa pinaguutos ng Islam pero sa nakaraang protesta sa mga bansang Muslim sa nakalipas na araw ay karamihan sa kanila ay marahas at bayolente at may mga nasaktan at namatay pa. Nagtatrabaho ako sa isang Muslim Country sa kasalukuyan, at marami akong ka opisinang Muslim at di ako nagdalawang isip na magtanong kung anong komento nila sa isang Short Film na kumakalat sa internet, at isa lang ang kanilang sagot ang mag patuloy sa pag protesta laban sa Amerika, dahil naniniwala sila na responsable ito at binansagan pa nilang devil ang Amerika. Dahil sa galit nila sa gumawa ng mapanirang imahe ni Propeta Mohammed maging sa kanilang pananalita ay parang handa silang pumatay at mamatay sa ano mang oras na may masabi kang di maganda laban sa kanilang Propeta at sa kanilang paniniwala, at ramdam ko ang kanilang pagiging mapusok sa oras na di nila magustuhan ang iyong opinyon lalo na kong di ka pabor sa kanila. Sa tingin ko hindi naman lahat siguro ng Muslim ay ganito ang pagiisip na masyadong sarado sa reyalidad ng kapaligiran, At di rin siguro lahat ng Muslim ay bayolente at gustong manakit agad ng kapwa sa oras na may marinig siyang laban sa kanyang paniniwala. Isa akong Kristyano at marami na ring mga mapanirang documentaries, video, Movies at mga mapanirang kwento laban kay Jesus Christ na ginawa din sa Amerika at bilang isang Kristyano nainis din ako at nakaramdam ng galit dahil laban ito sa aking pinaniniwalaang Diyos. Pero ang galit ko ay wala sa bansang Amerika kundi nasa isang tao or group of Film Maker na gumawa nito na nagkataon lamang na siya'y Amerkano at di ko kailangang isipin na lahat ng Amerkano ay masasama at responsable dito, at di ko rin nanaisin maging bayolente at pumatay ng Amerkano para sa kabayaran ng pagkutya sa pinaniniwalaan kong Diyos. Dahil sa aral ni Jesus Christ na "Mahalin mo ang iyong Kaaway" sa madaling salita pag binato ka ng bato batuhin mo ng tinapay. Kung ginawan ka ng masama ng ibang tao, bilang ganti gawan mo siya kabutihan at huwag karahasan na tulad ng ginawa sayo at ito'y hindi alam ng mga taong di naniniwala kay Jesus Christ.

Posted: Lakbay Lansangan

Sunday, September 16, 2012

Baby Snatching

Ito si BAby Sean Gabriel ipinanganak siya sa Santa Teresita General Hosital sa Quezon City hangang ngayon siya'y nawawala parin at patuloy ang kanyang Ina na umaasa na sana isang araw maghimala at muli siyang maibalik. At patuloy parin ang mga Pulisya sa pag imbestiga kung paano ito nawala at kung sinong dumukot kay Baby Sean Gabriel.
Dati alahas, wallet, bag, at mobile phone lang ang madalas ma-snatch at madukot sa ating mga lansangan lalo na sa mataong lugar. Pero sa pagtaas ng bilang ng insedente ng nakawan ng kapapanganak na sangol ay matatawag din daw itong Baby Snatching maliban sa Kidnapping. Malaking hamon sa ating Kapulisan ang ganitong mga kaso, at gayundin sa mga magulang na may mga anak na sangol pa lamang or minor de edad. Nakakabahala ang ganitong mga pangyayari kaya dapat  seryosuhin at bigyan ng pansin ng ating kapulisan ang ganitong klaseng kaso. Kung ang ating mga personal na gamit ay ating iniingatan at ayaw nating masira at mawala, yun pa kayang anak na sangol pa lamang at walang muwang ang biglang mawawala sa atin ng di inaasahan. Patunay lang talaga na marami ng masasamang tao sa mundo, di lang pagnanakaw, droga, at pyramid scam, carnapping ang pinapasok ng masasamang loob pati pagnanakaw ng sangol para ibenta ay ginagawa na rin nila at ito ang pinaka-masakit at habambuhay na troma sa mga taong kanilang mabibiktima. Mahirap sa kalooban tangapin na mawalan ng minamahal sa buhay lalo na kung sa ganitong pangyayari mauuwi ang lahat. Sa ngayon isa lang ang gusto nating mangyari mahuli ang gumawa nito at maparusahan ayon sa ating batas, at para sa mga gumagawa nito sana usigin ka ng iyong konsensya , di lang basta isang bagay tulad ng celpone o loptop o mga gadget ang ninakaw mo kundi panghabambuhay kaligayan ng ng isang Ina at kapalaran ng isang tao. And now We, hoping na isang araw nga makita at maibalik si Sean Gabriel sa kanyang tunay na Ina.

Posted: Lakbay Lansangan

Saturday, September 15, 2012

BASURA

 Di natin maikakaila na sa dumi ng basura at masamang amoy at di kaakit-akit tingnan ay may pera nga dito. At patunay dito ang mga kababayan nating walang tigil sa kapupulot ng basurang mapapakinabangan upang ibenta sa mga junk shop kabilang na ang mga plastik, bakal, aluminum, at minsan ay mga alambreng tanso na pede pang mapakinabangan. Sa hirap ng buhay at walang permanenteng pagkakakitaan ang ilan sa ating mga kababayan sa lunsod ay ginagawa na ring regular na hanap buhay ang pamumulot ng basura lalo na sa may payatas na madalas puntahan para mamulot ng mga kalakal na pede pang ibenta at pagkakitaan. Di ko man naranasan na mamulot ng basura ay ramdam ko ang hirap na dinaranas nila sa araw-araw nilang pamumulot at sa tingin ko di lang isang bagay na pedeng ibenta ang kanilang pedeng makuha sa basurahan posible din silang magkasakit dahil sa ibat-ibang klaseng amoy ng basura na di maiwasang malanghap sa araw-araw na pamumulot. Pero sa sitwasyon nila sa buhay di na nila iniisip na silay magkakasakit ang mahalaga ay ang ngayon.! Yun bang may makakain ang kanilang pamilya sa maghapong lilipas. Sa hirap nga naman ng buhay sa atin sa Pilipinas basta maayos na hanabuhay kahit peligroso itoy pilit mong kakayanin para may makain ang pamilya. Sa sitwasyon nila sa buhay napaisip ako kung lahat kaya sila na magbabasura ay nakatapos ng pagaaral at naging Doctor, Enhinyero, Abugado, at Nurse or Computer Programmer siguro wala sila sa tambakan ng basura para mamulot, siguro nagtatrabaho sila di man sa ating bansa maaring isa rin silang OFW sa ngayon at malaki ang naipapadala nila sa kanilang pamilya at the same time karagdagang dolyar na mipapasok sa ating bansa ang kanilang remittances. Isa lang ang ibig kong sabihin edukasyon lang talaga ang may mataas na porsyento para mabawasan ang poverty sa ating bansa. Karamihan sa mga mahihirap sa ating bansa ay mga taong di nakapag-aral or nakapag-aral man ay di ito nakatapos. Pero di ko naman sila sinisisi sadyang maraming dahilan kung bakit di sila nakapagtapos ng pagaaral at ito'y mahabang usapin pa. The best thing is nalaman natin ang reyalidad ng buhay at pede nating gawing halimbawa ito para baguhin at ipaala-ala sa iba na kung gustong umasenso at pagyamanin ang ating kaalaman at guminhawa ang buhay sa hinaharap ay edukasyon ang isa nating asset sa pakikibaka sa buhay, at sa huli tayo rin ang makikinabang nito.
  

Friday, September 14, 2012

My Mobile Phone

 I dont need expensive mobile phone or I-phone di dahil sa di ko afford ito, siguro dahil sa di ko naman ito kailangan sa pang-araw-araw kong pamumuhay. This kind of mobile phone is enough for me, with wifi features and I can easily access to the internet, if there is some open and available network, I can check my email and log in any messenger device install them, and easy to check my facebook and twitter account, and I can make a text and call local and overseas, have camera also with 2.0 mega fixel at the same time you can record video it depends the bytes of your memory card. Para sa akin okey na ito sa pang-araw-araw kong gamit sa communication ko sa trabaho at sa pamilya ko sa Pilipinas. Its simple and not expensive it cost for only 2700 pesos and thats a brand new price and everyone will afford this kind of price. I post this dahil alam naman natin karamihan sa ating mga Pinoy, ugali na ang sumunod kong ano ang In sa publiko at sa nakararami at isa na dito ang mga nagsulputang bagong gadget sa ating merkado. Kung may maganda kang trabaho at magandang income or sabihin na nating malaki ang income at afford mo ang halaga na gusto mong bilhin like mobile phone,loptop,Tablet PC, iphone etc. ay di ka magdadalawang isip bumili dahil kaya mo naman at sariling pera mo ang ipambibili unlike sa iba na kailangan pang mangutang gamit ang credit card. Halimbawa nalang ang mobile phone marami ngayon sa market na variety brand at iba-iba rin ang design at features nito, the more na maganda at maraming functions mas mahal at dahil dito nakakaakit bumili at minsan kelangan pa nating mangutang para dito pero di naman masamang mangutang lalo na kung good payer ka.! "Sensya na po sa mga readers na mahilig mangutang." Ako rin naman dati mahilig din mangutang kaya sobra kong pinpahalagahan ang mga magagandang pagkakataon na dumarating lalo na sa financial at dahil dito na realize ko na dapat pagbibili tayo ng isang bagay na gusto natin dapat alamin muna natin kung saan natin ito gagamitin at kung kailangan ba talaga natin ito,! ano ba ang makukuha o mapapala natin sa isang bagay na ating gustong bilhin!? Minsan may mga bagay na gustong gusto natin na kahit di natin kayang bilhin ay nagpupumilit tayo hangang sa huling desiyon mo ay utangin ito. Kung di naman ito ka importante pede namang ipag isang tabi mo muna at pagipunan at wag mong isipin lagi na pede namang utangin. Minsan sumusunod tayo kung ano ang uso pero minsan nakikiuso tayo dahil ang ilan sa atin ay luho lang sa sarili at para maipagmalaki at umani ng papuri iba. Lagi natin isaisip na mahirap kumita ng pera, maraming naghihirap, maraming di nakakain ng 3 beses sa isang araw di man natin sila natutulungan financially sana ma-inspired tayo at malaman na ang pera ay hindi lang isang bagay na pag napunta sayo ay ganon na rin kabilis mawala. Dapat be wise lagi sa pag-gastos...Kase ang pag-gastos ay hindi passion o art na oras-oras ay pede mong gawin dahil ang pera ay mahirap kitain kaya sabi nga nila spend your money wisely.! Dahil kong hindi ikaw din ang mawawalan sa huli.

Posted: Lakbay lansangan

Thursday, September 13, 2012

Piratang CD at DVD


Talamak talaga sa mga bangketa natin ang mga nagbebenta ng mga ilegal na CD, DVD  at hindi lang pilikula ang pede mong mabili sa mga copy disk na benebenta sa sidewalk at minsan sa mall pa, meron din mga porn video, documentary, and common software for windows. At ako man ay nag try din bumili minsan sa isang store sa may Avenida, Maynila nag try akong bumili ng CD doon kc napasin ko sa halagang 80 pesos may benebenta rin silang mga installer like CAD Software withlicense pa daw. Dahil sa murang halaga compare sa mabibili mo na original at sa authorized and license store sinubukan kong bumili hindi dahil sa ito ay kelangan ko, kc sa halagang 80 pesos gusto kong malaman na kong talagang cad software ang nasa loob, at kung tunay ba ang laman sa loob or mag work ba ito after kong ma install sa PC ko, pag-uwi ko ng bahay install ko agad ito para ma-check ko kong anong different ng pirata at orihinal, after kong ma-install nag work naman ito at nag generate din siya ng license code at hangang ngayon still working my Cad Software in my PC. Ang original software for windows na madalas natin gamitin lalo na sa mga documentation like ADOBE, CAD, Microsoft Office, Nero etc. ay nagkakahalaga sa atin sa Pilipinas ng di bababa sa dalawang libong piso kadalasan. At kong ikumpara mo sa pinarata na halagang 80 pesos ay ang laki ng pagkakaiba sa presyo at ang laman ay parehas lang. Hindi ko naman sinasabi na tangkilikinnatin ang mga nagbebenta ng mga piratang CD at DVD, alam natin na itoy labag sa batas at may kaukulang parusa sa mga bibili at gayundin sa nagbebenta. Simula ng bumili ako ng piniratang CD dito ko naisip kaya pala maraming bumibili ng ganitong ilegal na produkto ay isa ng dahilan ay sa murang halaga pero ang benifit ng produkto ay halos tulad din ng orihinal nagkaiba lang sila sa packaging at labeling ng produkto. Pero ang point dito ok man ang produkto nilang benebenta at mababa man ng halos 80 porsyento sa orihinal na mabibili sa mga authorized dealer ay hindi ibig sabihin tangkilikin na natin ito. Labag parin ito sa ating batas at kung ikaw ay concern citizens dapat di pansariling kapakanan lamang ang iyong protektahan gayun din dapat ang mga taong nag-nenegosyo ng tama at di nanglalamang sa iba. Post ko lang ito kc di lang pala sa Pilipinas problema ang piracy halos lahat pala ng mga bansa sa mundo ay may malaking problema pagdating sa mga piracy product at isa na ang Pilipinas dito.

Monday, September 10, 2012

First Flight

Isa na rin akong ganap na Overseas Filipino Worker. My first flight was in Middle East. Medyo excited at puno ng kaba kapag unang flight, excited dahil mararanasan ko na rin tumapak sa lupain ng ibang lahi at ma experience bilang isang dayuhan. Medyo kinakabahan kc para sa mga naiwan sa Pilipinas
di maiwasang mag worried lalo na kung pamilyado kana. Dahil first time ko sa abroad na experience ko ang unang summer sa middle east napakainit at dahil nasa construction ang trabaho ko kaya ramdam ko ang init ng klema, at sa pagsapit naman winter sobrang lamig din dito, dalawa lang yata ang climate sa Middle east, summer and winter lang at bihira ang ulan sa isang taon. First time ko rin makisalamuha sa ibang lahi medyo hirap akong mag-adjust sa una lalo na sa pagkain, at sa accomodation. On that time I'm not comportable in my room because I'm staying with other people and our beliefs and culture are totally different pero sa paglipas ng mga araw, buwan at taon nasanay narin ako basta marunong ka lang magsalita ng Ingles kahit kunti, walang dahilan para di kayo magkaintindihan. Napansin ko lang matagal na rin pala akong nag-aabroad simula ng  unang alis ko ng Pilipinas hangang ngayon halos apat na taon na rin akong nagtatrabaho sa ibang bansa, at sa apat na taon di lang Middle East ang aking napuntahan, sa ngayon nasa Hilagang Africa ako at dito naman nakadistino, iba rin ang kultura dito ng mga tao at maraming adjustment ulit sa environment ang dapat kong gawin at matutunan at tulad ng dati sa una lang naman mahirap at sa huli makakasanayan din. Naisip ko matagal na rin ang apat na taon at kahit umuuwi ako yearly pero di parin sapat ang isang buwang bakasyun para mapawi ko ang isang taon na wala ako sa tabi ng aking pamilya. Sadyang maraming oras ang dapat gugulin na kasama sila para masabi kong kompleto ang araw ko at matutulog ako na may ngiti sa aking mga labi. Sa paglipas ng mga panahon na wala ako sa Pilipinas natanong ko sa sarili ko kung hangang kelan kaya ako magiging OFW? Ilang flight pa kaya ang aking mae-experience? Katuparan ba talaga ng mga pangarap sa buhay ng isang mahirap na Pilipino ang magtrabaho sa ibang bansa? Sa apat na taon ko sa abroad di ko pa ramdam ang sinasabing katuparan ito ng ating mga pangarap. Sa ngayon isa palang ang napapatunayan ko malungkot maging OFW, and being OFW iiwanan mo ang iyong mga anak at asawa sa Pilipinas and that one is the hardest thing decision you made. Hiling ko nalang sana paglaki ng mga anak ko mayaman na ang Pilipinas para hindi na kailangang mag-abroad para magtrabaho sa ibang bansa at iwanan ang pamilya tulad ng ginawa ko sa ngayon.

Posted: Lakbay Lansangan

Friday, September 7, 2012

PERA

Ito na yata ang isang bagay sa mundo na madalas nating hinahangad, Aminin natin na lahat tayo nangangarap magkapera, hindi lang basta magkapera kundi maraming pera as in limpak na perang papel na isang libuhin at hindi barya.Minsan nangangarap tayo na sana manalo tayo sa lottery, or makapulot tayo ng bag na puno ng limpak limpak na pera. Minsan sa hirap ng buhay natin nagagawa nating mag emahinasyon ng mga bagay na magpapa inspire sa ating buhay sabi nga ng ilan sa atin libre ang mangarap lalo na kong pera ang nasa isip mo..Kanya-kanya lang naman ng trip yan.! Pero minsan sana isipin din natin na di lang pera ang mahalaga para tayo ay mabuhay ng matiwasay. Hindi man tayo nakakabili madalas ng bagong damit, hindi man tayo nakaka-kain sa restaurant, hindi man tayo nakakapasyal sa mall para magshopping, at bihira man tayong makakain ng masasarap ulam para sa ating hapag-kainan ay di sapat ito para kainisan o ika-lungkot ang buhay na kung anong meron tayo ngayon. Isipin natin na mapalad din tayo dahil sa bawat umaga na ating pagising ay laging may dahilan para tayo ay magsumikap sa buhay, na di lang para kumita ng pera kundi para mapatunayan din natin sa ating mga sarili na may kakayahan tayong tumayo sa sarili nating mga paa, at pagharap sa responsibilidad at pagkakameron ng dedikasyon sa mga pangarap sa buhay.
 

Thursday, September 6, 2012

Street Vendor

Karamihan sa kamaynilaan at mga karatig lunsod ng Metro Manila pangkaraniwan na nating makikita ang mga street vendor, lalo na ang mga tinitinda nilang mga street food like fish ball,squid ball, kikiam, balut, penoy, at kung ano ano pa.! Isa ito sa mga hanapbuhay ng ilan nating mga kababayan na di pinalad na makahanap ng regular at maayos na trabaho.
At isa rin sa madaling hanapbuhay ang pagtitinda ng mga pagkain tulad ng simpleng food cart sa lansangan. Karamihan man sa kanila ay di nagbabayad ng buwis sa ating pamahalaan, pero may malaki rin na naitutulong ang mga ito sa ating ekonomiya dahil isa rin sila sa bilang ng mga maliliit na negosyante ng ating bansa or ang tinatawag sa economics na "sole proprietorship" it means pagnegosyo na pagaari ng iisang tao lamang in one time. Kabawasan din ito sa unemployment ng ating bansa, di ka man makapagtrabaho sa isang magandang kompanya na pinangarap mo, or di ka man pinalad na makapag abroad, may kakayahan ka namang mag negosyo maliit man basta maayos, malinis, magandang serbisyo and eventually makikilala at dadami ang iyong prospective customer o ang iyong target market. Sapat narin ito para mairaos ang pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya at sa ganitong negosyo nakakasisiguro ka na hawak mo ang oras mo at less strees dahil ikaw ang boss kumpara sa ikaw ang empleyado na may boss na tumitingin sayo oras-oras. Maliban dito masasabi ko rin na diskarte ito ng ating mga kababayan para sila ay kumita ng pera at di man kalakihan ay pwede na rin, at masasabing income din ito para mabuhay. Hanga ako sa mga Pilipinong tulad nila na patuloy na lumalaban sa hirap ng buhay at di nagiisip ng kalamangan sa kapwa, patas silang lumaban para mabuhay, di tulad ng iba na gumagamit ng dahas para mabuhay, di tulad ng iba na kailangan manloko para mabuhay, at ang malupit ang iba nagnanakaw sa kaban ng bayan para mabuhay..at para masunod ang mga luho sa katawan at para angat sa lipunang ginagalawan. Kaya ako proud ako sa mga street Vendor sa ating bansa, sagabal man sila minsan sa kalye, pero maayos parin at dapat ikarangal ang kanilang hanapbuhay.

Posted by: Lakbay Lansangan

Saturday, September 1, 2012

Sunrise view in my Cabin


My back door of my cabin is facing into the Medeteranean Sea, and every morning when I'm wake up I really enjoyed watching the sun goes up. It's meaningful for me.! Because this is the moment will always remind me that this is a new day, new hope, new plan, applying the lesson of yesterday,and focus the present day to achieve the goal for tomorrow. And also lets put in our mind, that this is the one of the creation of God for the existance of mankind and other living things in the planet. And for showing care and respect to our nature we must appreciate and protect them for those people trying to destroy for their own personal interest. I post this simple thought to join and contribute to the groups of people, and organization around the world calling to stop global warming.