Tuesday, October 30, 2012

Sari-Sari Store

Isa sa madaling negosyo sa atin ay ang pagtatayo ng Sari-Sari Store. At halos na yata ng Barangay sa buong kapuluan ng Pilipinas ay di nawawalan kahit isang tindahan na tulad ng Sari-Sari Store. Ang mga pangunahing mabibili natin dito ay mga basic needs natin sa araw-araw tulad ng bigas, noodles, incan food, sabon at shampoo, at kasama na rin dyan ang softdrinks at Electronic Load sa ating mga mobile Phone. At kong sa halaga ng paninda kumpara sa Supermarket o sa mga malalaking grocery na nasa Town Proper ay medyo mataas ng konting halaga ang nasa Sari-Sari Store dahil itoy retail ang selling at hindi Whole sale tulad ng sa Supermarket at malalaking Grocery Store. Pero kayang-kaya parin naman ang presyo para sa Masa at malaking tulong ito para sa mga customer dahil kung kunti lang naman ang iyong bibilhin ay di na kailangang pumunta sa Town Proper dahil sa Sari-Sari Store ay mabibili na rin natin lalo na kung di naman karamihan ang ating bibilhin. Sa ibang bansa na aking napuntahan walang mga Sari-Sari Store na tulad ng sa Pilipinas kung mag grocery ka kelangan mo pang mag travel papunta sa Town Proper para don ka mamili ng mga pangangailangan mo sa pang-araw-araw at kung wala kang sariling sasakyan kelangan mo pang mag taxi or sumakay ng coaster or Mini Bus lalo na kung may kalayuan ito sa resedential place na iyong tinutuluyan. Sa ganitong pagkakataon di ko maiwasang makumpara sa Pilipinas ang estado ng aking lugar dito sa ibang bansa, dahil kumpara sa Pilipinas ay madali ang akses sa mga bagay na gusto mong gawin o gusto mong bilhin at halos lahat ng kailangan mo ay madali mong makuha o mabili nasa probinsya ka man o sa syudad lalo na kung ito'y gamit natin sa pangaraw-araw. Sa ngayon madalas kong nasasabi na iba talaga sa Pilipinas..The BEST dahil simpleng Sari-Sari Store lang ay malaki pala ang naitutulong sa atin, at ito'y naapreciate ko simula ng akoy magabroad at kahit maliit na negosyo lang ang Sari-Sari Store at di man kalakihan ang kinikita nito ay masasabi kong mas higit silang kapaki-pakinabang din sa kumunidad dahil instant akses agad ito sa mga pang araw-araw nating pangangailangan at bukod pa dyan ay pede rin utangan paminsan minsan...

Posted: Lakbay Lansangan

Monday, October 22, 2012

Dolyar sa Disyerto

Naranasan nyo na ba ang alikabok ng Sand Storm sa disyerto ng Middle East o sa bahagi ng Africa? Ang init ng araw habang naglalakad ka papunta sa jobsite? Ang kakaibang klema ng kapaligiran na di natin kinagisnan? Bilang isang OFW walang summer o winter o sandstorm para sumabak sa trabaho sa araw-araw dahil sa bawat sandali sa abroad ay mahalaga at di mo kailangang tumambay dahil bawat oras dito at pawis na ilalabas ng katawan mo ay Dolyar ang kapalit. Ganito sa abroad bago sumikat ang araw sa umaga ay dapat nakaligo kana dahil ilang minuto lang pagkatapos ng almusal ay sasabak na sa trabaho at kadalasan mahaba ang oras sa trabaho kaysa sa pahinga. Pagpasok mo ng alas singko o alas sais ng umaga ay madalas Alas Otso pa ng gabi ang labas sa trabaho at ang iba minsan ay umaabot pa ng alas Dyes ng gabi dahil iniisip ng maraming OFW sayang din ang overtime dahil karagdagan remittances din ito para sa Pilipinas at kahit pagod na pagod na sige parin dahil sayang ang Dolyar, sabi nga nating mga Pinoy masamang tumanggi sa grasya at basta kaya pa ng katawan sige lang kayod kalabaw dahil sa Dolyar. Ikain mo lang ng maraming kanin at nilagang baka na kadalasang inihahain ng mga Catering Services sa mga konstraksyon worker ay pawi na ang maghapong pagod sa trabaho at pagkatapos kumain ay isang stick ng yosi bago tuluyang matulog ay sapat na para maibasan ang maghapong pagbilad sa ilalim ng araw. Masarap na mahirap ang pagiging OFW. Masarap dahil paunti-unti posibleng matupad mo ang pinapangarap mo para sa iyong Pamilya una na dyan ay makapag-aral sa magandang eskwelahan at mabigyan ng sapat na kaalaman ang iyong mga anak. At pagkakameron ng maayos, malinis at maipagmamalaking tahanan. At ang maganda pa ay kung masinop ang taong hahawak ng dolyar mong ipinapadala ay maaari ka pang makapag negosyo pagkatapos mong maging OFW dahil kahit ako ayaw kong tumanda sa abroad kaya ngayon palang hangat bata pa at malakas pa ang tuhod ay todo ipon din para makapag pundar ng negosyo. At ang mahirap naman sa pagiging isang OFW ay malayo sa Bayang pinagmulan, gustuhin mo mang mayakap ang pinakamamahal mong asawa at mga anak ay wala sila sa tuwing uuwi ka ng bahay at maswerte nalang kung may unlimited wi-fi sa iyong accomodation at pede mong matawagan sa skype at makita sa webcam ang iyong pamilya pero kong wala dagdag homesick pa ito at gastos din dahil obligado ka pa na bumili ng load sa mobile phone para madalas kang makatawag sa Pilipinas. Nakakaboring din sa abroad lalo na kong kain, trabaho, bahay lang umiikot ang buhay mo sa buong panahon ng pananatili mo dito. Sa karanasan ko sa abroad naka landbase ako sa AFRICA and for safety reason maraming pagkakataon na di kami pinalalabas ng aming Kompanya para lumuwas ng Village para makapamili ng food o kahit ano na magustuhan namin  sa kadahilanan na maraming cases na di magandang ginagawa ng mga local people para sa tulad kong foreigner at marami ng kaso ang ganito na aking nasaksihan, at para sa kaayusan ng lahat standby lang kaming mga OFW sa accomodation dahil ito ang advice ng aming Administration. At sa buong kontrata ko bihira akong makapunta ng bayan at mabibilang lang sa daliri ang araw at petsa ng akoy makapunta ng Village o Town proper. Tayong mga Pinoy masayahin, mahirap man tayo o mayaman ay di nawawala sa pang araw-araw nating buhay ang entertainment. Mahilig tayong maglibang pagkatapos ng maghapong trabaho para mawala ang stress, at kung may pera tayo di natin maiwasang mag shopping ng bagay na magustuhan natin lalo na kong itoy gadget o damit. Pero sa lugar na napuntahan ko dito sa AFRICA wala akong napapaglibangan maliban nalang sa loptop ko at swerte rin kung makasagap ako ng Free Wi-fi connection pero kong wala ay magtiis sa paulit-ulit na pilikula ni Bea Alonso at Jhon Lyod Cruz na nasa hard drive ko na madalas kong panuorin sa oras na wlang ginagawa at sa paulit-ulit na panunuod ay kabisado ko na yata ang mga dialog sa pilikulang ito.! Ganito ang buhay karanasan ng mga OFW dito sa Africa na isa ako sa mga nakakaranas. Pero sa kabila ng hirap, lungkot, pagod at stress sa trabaho, at kahit nagkakasakit din minsan, kasabay pa dyan ang pabago-bagong panahon lalo na pagsapit ng taglamig at ang alikabok ng sandstorm mula sa disyerto ng Sahara na kulay kalawang ang paligid na posibleng sakit sa baga kapag nalanghap mo ito, at kasabay din nyan ang araw-araw na pagkain ng karneng baka na madalas sa isang Lingo ay hindi maganda sa kalusugan dahil sa bad kolesterol nito sa ating katawan. Ilan lang ito sa mga tipikal na nararanasan ng isang OFW na ang trabaho ay sa Konstraksyon at kahit anong hirap ay pilit titiisin dahil sa DOLYAR. At kahit maalikabok, mainit, malamig, walang halaman o puno na nasisilungan at kahit langit at lupa lang ang makikita mo sa maghapon at paglubog ng araw sa Disyerto ay maliwanag naman ito na pagdating ng ika labing lima at katapusan ng Buwan ay DOLYAR para sa ating Pamilya sa Pilipinas.
 
Posted: Lakbay Lansangan

Sunday, October 14, 2012

I'M MADE BY PHILIPPINES

Sa buong mundo marami na ang kontribusyon ng mga Pilipino lalo na pagdating sa trabahong mabibigat tulad ng pagiging isang Konstraksyon Worker at kong mapapansin natin halos karamihan ng mga malalaking Inprastraktura tulad ng mga Hotel, mga Malls, at mga Planta lalo na sa Gitnang Silangan, sa Russia, hangang sa Africa at sa iba pang bahagi ng mundo ay kabilang ang mga Pilipino sa may malaking porsyento sa pag-build up nito. Ang mga Planta ng langis, Petrol at maging ang Liquified Natural Gas (LNG) ay halos mga Pinoy ang gumawa nito lalo na sa Gitnang Silangan at kabilang dyan ang magagaling nating mga Pinoy Engineers, mga Arkitek, mga Skilled worker, at maging mga Clerical Staff na di mapapantayan ng sino man ang kakayahan, talino, at husay sa trabaho. Angat ang Pinoy pagdating sa talino at diskarte sa trabaho kumpara sa ibang lahi kaya di ako nagtataka kahit napakalayo natin sa Middle East sa Africa o sa Russia ay patuloy parin ang oportunidad at tiwala sa mga Pinoy ng mga Foreign Employeer na maging bahagi tayo ng kanilang Proyekto lalo na pagdating sa Konstraksyon. At gayun din ang iba pang mga Overseas Filipino Worker natin na hindi man sa konstraksyon ang trabaho ay mas higit na di mapapantayan ang kanilang serbisyo tulad na lang ng mga Doctor, Nurse, Caregiver, mga Seaman na naglalayag sa ibat ibang panig ng karagatan ng mundo,  at gayundin sa ating mga kababayang mga Domestic Helper na may malaki rin dolyar na ipinapadala sa ating Bansa. Lahat na yata ng klase ng trabaho sa ibang bansa ay pinasok na ng mga Pilipino at patunay lang ito na kahit anong trabaho madali man o mahirap ay kayang kaya ng Pinoy basta ito ay maayos at marangal ay walang dahilan para hindi ipagpatuloy dahil narin sa kikitaing Dolyar. At ang Dolyar na kinikita ay malaking tulong sa ating Pamilyang nasa Pilipinas at dagdag rin ito sa malilikom na dolyares ng ating Bansa, at hindi lang ating Pamilya ang natulungan maging ang ating Pamahalaan ay makikinabang din sa ating remittances at dahil dito masasabi ko na sa kabila ng hirap at lungkot ng mga Overseas Worker sa ibat-ibat panig ng mundo ay may malaki silang kontribusyon di lang sa ibang lahi o Bansa na kanilang pinaglinkuran ay gayun din maging sa Bansang pinagmulan. Kaya bilang isang OFW at bilang isang Pilipino, ikinararangal ko ang tiwalang ibinibigay sa atin ng mga Foreign Employeer dahil sa tiwala nila patunay lang ito na the best ang Pinoy pagdating sa trabaho at kasabay din nyan ay ang ating karisma dahil narin sa ating pagiging hospitality...at bilang ako...! Im proud Pinoy dahil I'M MADE BY PHILIPPINES.!

Posted: Lakbay Lansangan

Thursday, October 11, 2012

UPLOAD+SHARE=12 YEARS IN JAIL

May facebook account kaba or ano mang social networking ang meron ka? Ingat lang sa pag post ng mga mensahe, larawan at video's, at ingat din sa pag share dahil pag nagkamali ka baka city jail ang bagsak mo. Ito ang bagsik ng bagong batas natin na "CYBERCRIME LAW" at napapaloob dito ang pagbabawal sa mga mapanirang inpormasyon tulad ng mensahe, larawan o video na inilagay sa internet na laban o pambabatikos sa isang tao, sa isang lugar, maging sa ating gobyerno o sa ating bansa. Ang pagupload ng mga mapanirang photo's and video's, at mga nakakainsultong larawan na madalas pagtawanan at i-share at i-like sa mga social networking site ay saklaw ng batas na ito. At isa sa mga madalas gawan ng kalokohan ay ang mga popular personalities ng ating bansa nangunguna na dyan ang ating mga local celebrity, mga tao sa gobyerno, o mga pulitiko o maging mga indibidwal na pangkaraniwang tao, kilala man o hindi sa ating lipunan. Ang website hacking ay solidong kaso na matatawag ding cyber crime at kung sino mang gagawa nito sa kasalukuyan at sa hinaharap ay mananagot sa batas.Sa ngayon naglabas TRO ang Korte Suprema para sa Implementasyon ng bagong batas na ito at posibleng sa sunod na taon sa unang buwan ay tuluyan na itong maipatupad. Pero sa kabila ng TRO na inilabas ng Korte Suprema ay patuloy parin ang mga pagtutol sa mga social networking site at maging sa mga lansangan na hangad ng nakararami ay ipawalang bisa ang batas na ito. Isa daw sa mga dahilan ay ang posibleng pag kontrol sa ating kalayaan sa pamamahayag ng ating opinyon at idea sa ating lipunang ginagalawan. Tayo ay nasa malayang bansa at bilang malaya ay may kalayaan din dapat tayong maghayag ng saloobin hindi lang para sa isang tao kundi gayun din sa ating pamahalaan, sa lipunan, at sa mga pangyayaring usaping pampulitika sa ating gobyerno o sa ating bansa.

Posted: Lakbaylansangan

Wednesday, October 10, 2012

SEKYU

Napanuod ko sa 24 oras ang balitang ito kahapon at involve dito ang dalawang Sekyu sa magkaibang kaso at magkaibang lugar. Nakakabahala ang ganitong mga insidente dahil kung sino pa ang ating pinagkakatiwalaan ay siya pa pala ang gagawa sa atin ng di maganda. Tulad ng kaso ng isang sekyu walang takot at konsensya nyang ginawa ang pagnanakaw sa isang kotse na naka-park malapit sa gate ng isang subd. na kanyang pinaglilingkuran kaya lang di yata nya napansin na may CCTV Camera sa paligid at kung gaano nya kabilis ginawa ang pagnanakaw siya ring bilis ng pagkakaaresto sa kanya at sa ngayon kasalukuyan na siyang
nakakulong. At ang isang kaso naman ay ang pamamaril ng isa ring sekyu sa isang residente ng subd. na kanya ring pinaglilinkuran at dahil dito dead on the spot ang kawawang residente...Ikaw ba naman ang paputukan ng shot gun sa bibig... Ewan ko lang kong mabuhay kapa.!
Pero ano man ang dahilan kung bakit nya ito binaril, kung binastos man siya, o pinagsabihan ng di magandang salita, o may ginawang paglabag ang kawawang residente ay di parin dahilan ito para banatan nya ng shot gun sa bibig. Nakakatakot ang ganitong mga pangyayari na di natin inaasahan at kung sino pa ang lubos nating pinagkakatiwalaan ay siya naman palang aabuso at magsasamantala sa atin at pagminalas-malas ka pa ay baka mauwi sa katapusan ng iyong buhay. Pero hindi ko naman sinasabi na ang lahat ng sekyu ay ganito ang paguugali, sadyang may pailan-ilan lang na natutukso at nakakagawa ng krimen. Pero sana wag nating sabihing tao din sila na nagkakasala ang point dito nasa serbisyo sila at dapat nasa matinong pagiisip at di dapat nila naiisip ito bagkus ay sila dapat ang magbigay sa atin ng serbisyo para di tayo mapahamak at hindi sila ang dahilan para tayo'y mapahamak. Sa ganitong mga pangyayari dapat may managot sa ating batas at mabigyan ng tamang disiplina ng dina pamarisan ng iba o para sa mga nagbabalak palang ay makapag isip isip na sila na kahit masikip na ang city jail ay may puwang parin sila dito.
 

Posted: Lakbay Lansangan

Monday, October 8, 2012

CYBERCRIME LAW

Sa nakalipas na mga buwan naging mainit sa mga Religios group ang RH Bill na sumusulong  para maging isang batas at itoy mariing tinututulan ng Simbahang Katoliko at umabot din sa lansangan ang kanilang pagtutol dito. At ngayon naman ay ang CYBERCRIMELAW na kasalukuyang binabatikos sa mga popular networking site maging sa ilang mga website, at sa mga lansangan ng Kamaynilaan ito'y pinu-protesta ng ilang mga indibidwal. Dahil ito daw ay batas na maaaring mag kontrol sa kalayaan ng pamamahayag, opinyon, at idea ng mga bawat isa sa hinaharap. At ako man ay di rin pabor dito.! Pero kahit di ako pumapabor dito ay may nakikita naman akong dahilan kung bakit gusto ng ating mambabatas na isulong ito at gawing isang constitution. At isa sa mga dahilan ay maprotektahan ang mga nangaabuso sa Internet laban sa isang tao, kompanya, at maging sa ating Gobyerno. Halimbawa nalang ang pag hack sa isang website malaya itong nagagawa ng isang indibidwal laban sa kung sinong gusto nyang isabutahe tao man , o kompanya at maging sa ating mga Government website at sanhi nito ay maantala ang serbisyo publiko kong sa ating gobyerno ito mangyari. At para naman sa mga social networking site kung may mga pag-labag na nakakasira ng ating pagkatao at di magandang post na mensahe o larawan laban sa atin ay may kakayahan tayo na maipagtangol ang ating karapatan sa pamamagitan ng Cybercrimelaw. Ang batas din na ito ay posibleng proteksyon sa mga nakaranas ng mga pangaabuso sa Internet lalo na sa mga kababaihang Filipina na pangunahing kaso ay ang involve sa sexual na pangaabuso na di nila alam na sa huli ay ganito ang kalalabasan. Para sa akin ito lang ang nakikita ko na posibleng magandang pedeng magawa ng batas na ito. Pero pagdating naman sa kalayaan ng ating pamamahayag maaring makontrol ng batas na ito ang ating idea, opinyon at pambabatikos lalo na sa ating mga pulitikong di tapat sa serbisyo publiko. At dahil dito pede kang masampahan ng kaso laban sa iyong isinulat na idea at opinyon lalo na kong di nila magustuhan ang iyong isinulat, at dahil dito isa na itong paraan para hadlangan ang ating kalayaan sa pamamahayag sa Internet. At posible rin magpapatuloy sa gawaing tiwali sa batas ang mga pulitikong umaabuso dahil wala ng maglalakas ng loob na lumaban sa kanila dahil ang nakararami ay takot masampahan ng kaso. Ito po ay opinyon ko lamang at bilang isang blogista naihahayag ko ng malaya ang aking opinyon sa ganitong usapin lalo na kong patungkol ito sa ating personal na pakikibaka sa ating lipunan ginagalawan. Kung isasa batas ito ng tuluyan..! At kahit di man ako pabor dito..Ay hangad ko parin na makatulong ito sa lahat at wag gawing panakot ng iba para sa mga taong may malinis na intensyon lalo sa nakararami.

Posted: Lakbay Lansangan

Friday, October 5, 2012

SA LIKOD NG MATATAAS NA GUSALI

Kasabay ng pagunlad ng isang Bansa ay makikita natin ang progreso ng bawat komunidad. At isa daw sa mga basehan dito ay ang pagdami ng establishment at pagtayo ng mga inprastraktura tulad ng mga tulay at mga nag-tataasang mga gusali, pagtatayo ng MRT at LRT at ng National Railways, pagdami ng mga sasakyan at pagkakameron ng mga  local and International commercial Plane, at mga naglalakihang mga Malls at Stadium at mga dekalidad na Koleheyo at Unibersedad at lahat ito ay meron na tayo dito sa Pilipinas at di tayo pahuhuli sa ibang bansa lalo na sa teknolohiya at kaalaman. Ang Metro Manila ang isa sa mga nagungunang mga Syudad sa buong Pilipinas na masasabi nating progreso dahil narin sa dami ng tao dito at mga nagnenegosyo, local man o dayuhan ay nandito ang karamihan at ito rin ang sentro o Capital ng Pilipinas at kilala maging sa ibang Bansa. Pero sakabila ng matatayog at nagagandahang mga gusali at mga Inprastraktura na itinayo ng pamahalaan at mga pribadong kompanya at sa pagbulusok sa mababang palitan ng dolyar sa peso sa kasalukuyan ay isa daw magandang basehan ng pag-angat ng ating ekonomiya at pagbaba ng poverty level sa Bansa. Pero sa akin parang mali yata ang datus o diagram na ginagamit nila para malaman ang status ng ating ekonomiya kung umaangat ba o hindi o nababawasan ba talaga ang mga naghihirap na Pilipino, o bumababa ba talaga ang poverty level sa bansa? Sa nakikita ko parang di parin nagbabago at parang lalo pang dumarami ang naghihirap. Bakit ko ba ito nasasabi? Nasasabi ko ito dahil isa rin akong probinsyano na halos 15 taon na ang nakakaraan simula ng mapadpad ako sa Lunsod ng Kamaynilaan at isa ako sa nakaranas ng buhay sa isang magulo, maingay, matao at maduming lugar na kung tawagin natin ay Iskwater sa mata ng lahat. At sa haba ng labin limang taon hangang ngayon meron parin at lalo pang dumarami at nagsulputan sa mga sulok ng Kamaynilaan. Ang sakin lang napaka simple lang para masabi kong umuunlad na nga ang Pilipinas kung matutulungan ng gobyerno na mawala na ang mga Iskwater area sa Kamaynilaan at sa iba pang mga lunsod sa kapuluuan lalo na ang mga nasa tabi ng ilog, sa ilalim ng tulay, sa mga kalsada na ang nagsisilbing tahanan ay ang kanilang Kariton, at sa mga Iskwater sa lupang pagaari ng gobyerno tulad ng naninirahan sa gilid ng Riles ng Tren. Kung di mabibigyan ng pansin ng gobyerno ang ganitong mga lugar sa buong Metro Manila at sa iba pang mga Lunsod ay patuloy silang darami at sa pagdami nila ay siya ring pagtaas ng poverty level sa ating Bansa at kasabay nito ay ang di magandang imahe ng isang Lunsod kung may mga ganitong kumunidad na di maayos at di kaakit-akit tingnan sa mata ng ibang tao, at sa ibang Bansa. Lagi nating isipin na tourist distination ang Pilipinas at million people around the world ang bumibisita sa Pilipinas kada taon. At dahil dito ayaw nating mapasama sa tanawin ng Pilipinas sa mata ng ibang bansa ang ating mga lugar tulad Esquaters Area. Dahil baka isipin nila isa ito sa "Its more Fun in the Philippines".Kaya ngayon palang isang seryosong action ang dapat gawin ng ating Pamahalaan sa lumalaki at nagsusulputang mga barong-barong sa mga sulok-sulok ng ating mga Lunsod.

Posted: Lakbay Lansangan

Tuesday, October 2, 2012

CONSTRUCTION WORKER SA ABROAD

Marami sa ating mga Pilipino na di man pinalad na makahanap ng magandang trabaho sa Pilipinas at kong makahanap man ay maliit lang ang kinikita at minsan ay di sapat para ikabuhay ng pamilya lalo na kong marami ang anak na pinapakain. Sa ganitong sitwasyon mas pinipili ng isang Padre de Pamilya na mangibang bansa na lamang kapalit ng lungkot at pangungulila sa Pamilya mabigyan lang ng maayos na pamumuhay ang iniwang mga mahal sa Pilipinas. At dahil di nakatapos ang ilan sa ating mga kababayan mas madali sa kanila na aplayan ang pagiging isang Construction Worker sa ibang bansa. Bilang isang OFW na ganito ang trabaho ay masasabi kong mahirap at minsan ay may panganib din ang trabaho ng isang Construction Worker, kahit sabihin nating bihasa na sa ganitong trabaho at may sapat na kakayahan at safety training ang bawat worker na sasabak sa Construction Site ay minsan ay di naiiwasan ang mga di inaasahang pangyayari at ito ay ang mga aksidente sa job site area. Maraming cases ng mga aksidente sa isang construction site at di natatapos ang isang project na walang naaaksidente at ilan sa mga pangkaraniwang aksidente na madalas mangyari ay mga  injuries, o kaya naman ay naputulan ng daliri o kamay, o nahulog or nabagsakan ng mga heavy solid metal at pagminamalas pa ng todo ay may namamatay pa at ayaw man nating mangyari ito ay patuloy parin sa pagiingat at walang tigil na pagpapa-alala ng Safety Team para sa kaligatasan ng mga Construction Worker. Maliban sa mga posibleng aksidente sa site area ay nan dyan din ang kakaibang klema ng panahon na nararanasan ng mga Construction Worker lalo na kung sa Middle East Country ka mapunta. Sa ilalim ng araw habang nagtatrabaho ka mula umaga hangang gabi at lunch break lang ang pahinga nakabilad ang katawan mo sa temperatura na napakainit at kung di ka sanay ay posibleng dumugo ang ilong mo o maranasan mo kung paano ma-heatstroke, at gayundin sa pagsapit ng winter sobrang lamig at kahit doble na ang pantalon at jacket mo ay pilit parin nararamdaman ng katawan mo ang lamig kasabay sa paghampas ng malakas na hangin na mahapdi sa balat. At kung first timer ka sa abroad at sa Middle East ka mapunta medyo hirap ka mag adjust sa klema at pangalawa ay sa Kultura ng mga ibang lahi na makakasama mo sa trabaho. Ilan lang ito sa mga hirap na nararanasan ng ating OFW na nasa Construction ang trabaho. Mahirap man ang kanilang trabaho ay handa silang magtiis dahil sa mga pangarap sa buhay na gustong matupad at para sa kanilang Pamilya na gustong makaranas ng katiwasayan at kaginhawahan sa buhay. Kaya para sa mga OFW isa lang masasabi ko MABUHAY KAYONG LAHAT at sa mga nagbabalak palang o sa mga nag-aaplay pa lang sa Pilipinas..Goodluck at lakas lang ng loob at itoy isa na dapat meron ka sa iyong dibdib.!

Posted: Lakbay Lansangan