Thursday, November 22, 2012

Yosi at Alak

Bakit nga ba may mga taong naging bisyo ang paninigarilyo? Alam naman natin na sandamakmak na nga ang anunsyo ng publiko at kahit ang mismong gumagawa ng produktong ito ay may mga paalala sa mga pakete at kaha na mapanganib sa kalusugan lalo na sa mga minor de edad. Alam naman natin na ang paninigarilyo ay walang maitutulong sa ating kalusugan bagkus lalo pa itong magdudulot ng di magandang epekto sa ating katawan lalo na sa ating baga at pangunahing sanhi din ito ng sakit sa Puso. Maaring tama nga ang sabi ng ilan na ang paninigarilyo daw ay walang pinipiling estado ng pamumuhay mayaman ka man o mahirap, may pinag-aralan man o wala basta kaya ng bulsa mo na bumili ay walang dahilan para di tumikim ng paulit-ulit. At kung makahiligan mo na ito at gawing bisyo ay wala kang takas sa posibleng pagkakasakit kung di sa ngayon ay baka sa susunod na mga taon ay magsimula na ang di magandang epekto nito sa iyong kalusugan. Sa ngayon aprobado na ang Sintax Bill o ang pagpataw ng karagdagang buwis sa mga produktong sigarilyo at kasama din dyan ang alak.  Ito ang naging final option ng ating mga mambabatas at ng ating gobyerno para makalikom ng malaking pondo. At ang mataas na porsyento ng kikitain dito ay mapupunta sa budget ng Department of Healt dahil daw sa dami ng mga Pilipinong nagkakasakit kada taon sanhi ng sobrang paninigarilyo at paginom ng alak. Isa rin sa mga dahilan kung bakit itinaas ito ay para makaiwas o mabawasan ang mga smoker ng sa gayon instead sa sigarilyo at alak mapunta ang kanilang pera ay manghihinayang  ang mga ito dahil sa taas ng presyo. Pero marami parin ang kontra sa Sintax Bill na ito lalo na ang Anti-Smoker group na mas naniniwala daw sila na mababawasan ang mga Smoker kung ang isang kaha daw ng sigarilyo ay nagkakahalaga ng dalawan libong piso. At napansin ko may point din naman sila dahil kong talagang hindi makaiwas ang iba sa ganitong bisyo ay mapipilitan silang umiwas dahil na rin sa taas ng halaga. Pero para sa akin itaas man o hindi ang presyo ng alak at sigarilyo kung responsable ka at mabuting mamamayan ng ating Bansa ay di mo gagawin ang alam mong makakasira ng iyong kalusugan at the same time posible rin madamay ang iba sa bisyong ginagawa mo. Dahil ako hate ko ang yosi dahil kahit kelan walang magandang naidudulot ito sa ating kalusugan. Kaya para sa akin dapat edukasyon at disiplina para makaiwas sa mga bisyong walang kapaki-pakinabang at mangyayari lang ito sa tulong ng ating mga sarili.
 

No comments:

Post a Comment