Ito ang simple at pangkaraniwang breakfast nating mga Pinoy sa araw-araw. May pritong hotdog, at patatas with itlog at kung di naman plain rice ay sinangag na kanin o garlic rice. At kasabay sa bawat subo ng agahan ay sabay higop din ng mainit kape o gatas ay sulit na ang unang meal ng isang araw. Ang breakfast daw ang pinakamahalagang meal natin sa isang araw dahil ito ang magbibigay lakas sa ating katawan bago sumabak sa trabaho at maging sa pagpasok sa eskwelahan kaya wag na wag nating itong ibabalewala. Kaya lang mahirap din gumising ng maaga para mag prepare ng breakfast dahil nasubukan ko na rin ito. Ang paggising ng maaga para maghanada ng agahan ay madalas gawin ng mga Nanay ng tahanan at talaga namang todo aga nilang gumising para makapag luto para sa agahan ng kanilang asawa na papasok sa trabaho at gayun din sa mga anak na papasok sa eskwlela. Bilang haligi ng tahanan napansin ko kahit antok at hirap gumising sa umaga ang aking asawa ay pilit nyang ginagampanan ang responsibilidad nya bilang isang Nanay. At sa pagsapit ng pagbubukang liwayway ay ito ang major task nya ang mag prepare ng aming almusal at sa simpleng almusal na kanyang inihahain ay ito lang ang masasabi ko "Thank You sa bawat umaga ng pagising ko at ng aming mga anak na may nakahanda ng agahan at simple man ay alam ko na bukal ito sa kanyang puso, at hirap man siyang gumising sa umaga ay pilit nyang ginagawa ay hindi dahil sa kanyang pagiging Ina ito ay dahil sa kanyang pagmamahal sa amin. At dahil dyan I really appreciated and Million Thanks para sa pinakamamahal kong asawa at gayun din sa lahat ng mga Nanay ng tahanan".
Posted: Lakbay Lansangan
No comments:
Post a Comment