British doctors said on Monday as she arrived at a hospital in central England for treatment of her severe wounds.
Post ko lang ito kc nakakainspire si Malala ang batang babaeng Pakistani na nabaril ng Taliban. Ako'y naaawa sa nangyari sa kanya dahil sa kabila ng kanyang pagsusumikap na makapag tapos ng pag-aaral ay sadya siyang binaril ng Taliban dahil sa pagsuporta nya sa pagsulong ng edukasyon sa mga kababaihan sa Pakistan. At di rin nagtagal siyay pumanaw din dahil sa tama ng bala sa kanyang ulo. At lalo akong humanga sa kanya ng sabihin nyang " I DONT MIND IF I HAVE TO SIT ON THE FLOOR AT SCHOOL. ALL I WANT IS EDUCATION. AND I'M AFRAID OF NO ONE". Di ko tuloy maiwasang maikumpara siya sa ilang kabataang Pilipino na sa kabila ng paghahanap buhay ng kanilang mga magulang para lang maitaguyod at makapagtapos ng pagaaral ay siya namang pagbulakbol at pagkalulong sa masamang bisyo at pag-barkada na sa halip ay nasa loob ng paaralan para magaral. At di ko rin maiwasang maikumpara si Malala sa mga taong laging bumabatikos sa kalidad ng ating mga School Facility na sa tuwing magbubukas ang klase taon-taon ay maraming reklamo dahil sa kakulangan upuan , kulang sa classroom at dahil dito ang iba ay nagkaklase sa ilalim ng mga punong kahoy na nasa loob ng eskwelahan at ito'y ilan lamang na pangunahing mga problema sa ating pampublikong paaralan sa tuwing magbubukas ang klase. Pero para sakin lang naman di naman nagpapabaya ang DepEd at ang ating pamahalaan sa ganitong mga kaso, kaya nga puspusan ang ating gobyerno na makalikom ng malaking pondo para matugunan ang public needs tulad nalang ng mga School Facility natin. Sana lang naman maging halimbawa si Malala Yousufzai sa ating lahat na kahit umupo daw siya sa sahig ng eskwelahan basta makapagaral lang ay kanyang titiisin dahil para sa kanya ang Edukasyon ay mahalaga lalo na sitwasyon ng kanilang Bansa sa kasalukuyan. Nakaka inspire ang ganitong bata at dapat talagang tularan at bigyan ng papuri ng sa gayon siyay makilala at maging halimbawa sa lahat. Kaya para kay MALALA YOUSUFZAI sanay maging huwaran ka sa iba at sa buong Mundo.
Posted: Lakbay Lansangan
No comments:
Post a Comment