Nakakatuwa daw mag-alaga ng Love Birds.! Nakakulong man sila sa maliit na Hawla at pakampay kampay gamit ang kanilang pakpak ay nakakaaliw naman daw itong pagmasdan lalo na kung kasabay ng galaw ay maririnig mo rin ang kanilang paghuni. Naalala ko tuloy noong nasa Grade School palang ako sa aming Probinsya libangan ko rin pag walang pasok ay pumunta ng gubat para manghuli ng mga Wild Birds. Dahil hilig ko mag-alaga ng mga hayop at halos lahat yata ng klase ng Ibon sa aming Probinsya ay hinuli ko at sinubukan kong mag-alaga at mag-paamo. Aliw na aliw ako sa mga Ibon siguro marahil silay mga nilikha na may kakaibang kulay ng balahibo, sari-saring laki, at may pakpak upang makalipad at napakadali para sa kanila ang lumipat sa ibang lugar kung saan man nila gustuhin at maging tao man ay nangangarap din na sana tayo rin ay nilalang ng Diyos na may pakpak, at dahil dito kaya siguro nakahiligan ko ang ganitong klaseng uri ng hayop. Kaya lang nakakalungkot din para sa kanila dahil tayo man ang ilagay sa Hawla at i-display sa Commercial Area para ibenta at alagaan ng kung sino-sino para ipalamuti sa bahay at gawing aliwan ng iba ay masakit din sa kanilang kalooban kahit di natin nakikita at naiintindihan ang kanilang nararamdaman. Ang paghuli sa isang Ibon at ikulong sa Hawla ay parang tao rin na nakabilango kaya lang ang pagkakaiba nila ang taong nakakulong ay may kasalanan at may takdang panahon kung kelan siya lalaya. At ang ibon naman ay nakakulong na hinuli ng tao ay walang kasalanan at walang itinakdang panahon kong kelan ito makakalaya swerte nalang kung mkatakas ito sa mga rehas ng Hawla na kanyang pinagkakakulungan. Post ko lang ito dahil sumusuporta po ako sa mga organization tulad ng "The Philippine Animal Welfare Society" or (PAWS) na pangunahing layunin ay mabigyan ng karapatan ang mga animals na makapamuhay na malaya tulad din nating mga tao at mababang uri man sila ng nilalang hangad din nilang mabuhay ng maayos, malaya, at ligtas sa kanilang paligid na ginagalawan.
Lakbay Lansangan
No comments:
Post a Comment