First time kong makapsok sa Manila Zoo with my wife and my kids. Nakakatuwang tingnan ang mga ibat-ibat klaseng ibon dito may malaki, maliit at sari-saring kulay. Aliw na aliw ang mga anak ko habang nakikita nila ang paglipad sa malaking hawla ng mga ibong tulad ng Parot at ibat ibat klaseng Wild Dove at gayun din ang Agila at Lawin. Nakakaaliw din pagmasdan ang napakalaking Elepante at nakakatuwang kunan ng larawan habang kumakain ng damong talahib. At ang mababagsik na mga Tigre at gayun din ang mga maliliit ng Unggoy na nakakaaliw pagmasdan habang kumakain, at nakikipaghabulan sa kanyang mga kasamahan. May crocodile din dito kaya lang di tulad ng laki ng sa Palawan at maaring baby crocodile palang ang nandito sa Manila Zoo . At ang di mawawala ang Ahas na sa Sawa o Phyton na pinagkakaguluhan ng lahat dahil karamihan ng mga visitors ay gustong magpakuha ng larawan kasama ang Phyton.
Malaki ang Manila Zoo at may mga palaruan din dito ang mga bata at kong pagod na ang Pamilya sa paglilibot ay pede namang maglaro ang mga Kids dahil marami rin ditong palaruan para sa mga bata. At meron din maliliit na tindahan at sa oras na magutom ka ay may makakainan ka.Ok din ang public toilet malinis at walang bayad unlike sa iba na kailangan mong magbayad ng konting barya para makagamit ng toilet. Ang Admission fee dito ay 40.00 ph sa adult at 20.00 ph sa mga kids. Kahit sino afford ang ganitong presyo at magandang ma-experience din minsan na mamasyal sa Zoo at wag laging sa Mall dahil minsan masarap din mamasyal sa mga lugar na may makukuha tayong mga bagong information lalo na sa mga animals at ito'y dagdag kaalaman para sa atin at gayun din sa ating mga mga Kids.
Posted: Lakbay Lansangan