Saturday, February 23, 2013

Another Day, Another Dollar

Nakakapagod ang maghapong trabaho pero masaya naman dahil sa bawat araw na lumilipas ay dolyar ang kapalit. Ganyan dito sa abroad another day, another dolyar na naman sabi nga nila. Pero ang malungkot sa paglipas ng mga araw ay patuloy ang pagbaba ng palitan ng dolyar sa Philippine peso dahil daw sa magandang takbo ng ekonomiya ng ating bansa, at isa sa mga dahilan ay ang remittances ng milyong OFW sa ibat-ibang lupalop ng mundo at gayundin ang magandang pamumuno ng kasalukuyang administrasyon dahil sa magandang trust rating na ibinibigay sa kanya ng taong bayan at ng mga investor local man o foreign. Pero sa kabila ng gumagandang takbo ng ating ekonomiya ay papunta sa paghihikahos ang mga bulsa ng mga OFW dahil sa bawat araw na lumilipas ay bumababa ang palit ng dolyar sa peso, at itoy may malaking epekto sa mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa. Nakakalungkot isipin na sa laki ng dolyar na pinapadala ng mga OFW na sinasabing may malaking porsyento  sa  pagunlad ng ating ekonomiya, ay si OFW pa ang posibleng talunan sa huli. At ang isa pang  masaklap sa patuloy na pag-laban ng peso sa dolyar ay siya namang hindi pagbaba ng ating pangunahing bilihin tulad ng bigas, shampoo, at sabon or noodles at ilang mga incan foods, ito ay halimbawa lang ng mga basic needs na madalas bilhin ng simpleng mamamayan ng ating bansa. Ang pagkakaalam ko sa gumgandang takbo ng ating ekonomiya ay dapat kahit papaano ay bababa man lang kahit ilang porsyento ang ating mga basic needs pero wala man lang pagbabago. Meron mang ibinababa ito ay ang gasoline o LPG pero makalipas ang ilang araw itataas ulit...Nakakaasar diba!..Sana ngayong darating na eleksyon may pulitikong mangako at makagawa ng batas kung siya’y mahalal ay magkameron ng malasakit sa mga remittances ng mga OFW, na i-fix nalang sa iisang halaga ang palit ng isang dolyar, at sa halagang 45 pesos ang palit kada dolyar ay di na masama para sa mga OFW at di na ito tataas o bababa pa! at kung mangyayari ito ay malaking kaginhawahan ito para sa mga OFW na tulad ko. 


Saturday, February 9, 2013

KANAL

Ito ang sanhi ng pagtaas ng tubig ulan na nagiging malaking pagbaha sa Metro Manila at karatig probinsya, at maging sa malaking bahagi ng Luzon sa tuwing sasapit ang rainy season. Sa ngayon papasok palang ang summer kaya di pa natin naiisip ang maaaring posibleng peligro na dulot ng mga basurang ito. Kelan kaya matututo ang Pinoy taon-taon na lamang ay binabaha ang luzon lalo na sa Kamaynilaan dahil sa kapal ng mga basura sa mga estero dahil narin yata sa kapal ng tao ay kung saan-saan na lamang hinhagis ang kanilang basura ng pinagkainan. Ano ba ang maganda nating gawin para maibsan ang basura sa ating komunidad. Para sa akin mag-implement dapat ng ordinansa sa mga city at provinces na lahat ng kakain sa mga fast food chain tulad ng MCdonald at Jollibbe at sa iba pang fastfood or restaurant kung dine-in ito dapat wag ng balutin ang burger sandwich ng wrapper na plastic or kahit na papel at gayundin ang french fries, ito ay dapat i-serve na lamang sa customer na nakalagay sa pingan na magkatabi, at gayun din ang softdrinks dapat di na sa disposable cups ito nilalagay dahil pede naman sa plastic cup na pedeng hugasan after gamitin or sa glass. Sa pamamagitan nito mababawasan ang toneladang basura na hinahakot araw-araw palabas ng Metro Manila. At Pangalawa bring you own bag sana kung mamimili sa mga supermarket o palengke ng sa gayun wala ng madadagdag pa na waste plastic na magiging basurang muli after mong mamili. Ilan lang ito sa mga nakikita kong paraan sa ngayon para mabawasan ng kunti ang basura  na pangunahin din nating problema pagdating ng tag-ulan. Sana tumino na ang mga Pinoy sa mga kalamidad na ating nararanasan sa tuwing sasapit ang tag-ulan sanhi ng basura na tayo rin ang may kasalanan.

Posted: Lakbay Lansangan

OFW Dreams

Isa ito sa mga pangarap ng isang OFW kung bakit pilit siyang umaalis at  nagsusumikap magtrabaho sa ibang bansa, kapalit ng lungkot at pangungulila sa bansang iniwan ay para mabigyan din ng kaginhawahan sa buhay ang kanyang pamilya. Una sa lahat ay ang ang edukasyon ng mga anak, at pangalawa ay makapagsimula ng maliit na negosyo. At ang pangatlo ay makapagpatayo o makabili ng simple at maayos na tahanan para sa pamilya. Marami sa ating mga Pinoy ang walang sariling tahanan at ang iba kung meron man ay sa mga squater area sa lungsod nakatira. Bukod sa umuupa sila dito ay nasa environment pa sila na masasabi nating maingay at medyo marumi ang kapaligiran. Sino ba ang hindi nangangarap na makabili ng bahay sa isang maayos at tahimik na komunidad? Yun bang masasabi nating di maingay, at ligtas ang ating pamilya na di mo iisipin na baka manakawan ka sa yung pag-alis o sa pagtulog ng mahimbing sa gabi na walang kang iisipin na may mangyayaring sakuna tulad ng sunog o pasukin ng masasamang loob. Sa ganitong klaseng tahanan ay masasabi kong pwede sa akin ang ganitong porma, simple lang at masasabi kong pede na sa aking pinakamamahal na pamilya. Pero ang tanong kaya ba ng bulsa natin ang ganito ka simpleng tahahan? Nagkakahalaga lang naman ito ng 1.4 milyon peso at nagulat ako dahil sa ganito ka simpleng bahay ay nagkakahalaga na pala ng 1.4 milyon peso. Kung isa lang akong regular na manggagawa na sumasahod ng minimum rate ay ma-aford ko kaya ito? Sa palagay ko hindi! Kaya ang final decision ng isang tulad ko ay umalis ng bansa dahil triple ang kikitain nya sa ibang bansa kumpara sa sariling bayan. Kakalungkot lang dahil kelangan pang mangibang bansa ng mga
Pinoy na tulad ko para lang sa katuparan ng  pangarap sa buhay. Minsan naitatanong ko rin bakit ang liit ng basic rate ng mga mangagawang pinoy dito sa ating bansa, para bang sapat lang sa pang-araw-araw na gastusin ang kinikita ng isang regular na mangagawa na sumasahod ng minimum rate. Kung ang isang regular na mangagawa halimbawa tulad ng factory worker, sale lady, promodiser, waiter, at mga service crew sa mga fastfood and restaurant dito sa ating bansa ay sumasahod sa isang buwan ng 20 thousand pesos di pa kasama ang overtime ay masasabi kong sapat na ito para di na mag abroad ang karamihan sa atin. Kaya lang ang hirap isipin na sa baba ng minimum wage natin ay sumasabay parin ang pagtaas ng presyo ng mga basic needs natin. At dahil dito ang hirap magbudget pagdating ng karampot na sweldo. At kong laging ganito ay wala kang magiging choice kundi mag abroad na lamang dahil ito ang final option mo, dahil marami sa atin mahihirap na Pinoy ang naniniwalang malaking porsyento na umangat ka sa kahirapan kong maninilbihan sa ibang bansa, o kaya naman ay mag negosyo ng patok sa masa. Pero kung wala kang capital at ayaw mong mangutang ay pagiging OFW parin ang laging pumapasok sa isip mo.

Posted: Lakbay Lansangan

Thursday, February 7, 2013

My Postal ID

Bago ako umalis ng Pilipinas napansin ko SSS ID lang pala ang meron ako sa wallet ko maliban sa passport na pagkakakilanlan sa akin, kaya nagpasya ako na kumuha ng Postal ID's bilang karagdagang identity o valid ID's na pede kong gamitin sa loob man o sa labas ng ating bansa. Nagpunta ako ng barangay kong saan ako nakatira at kumuha ako ng Cedula at Brgy. Clearace at pumunta ako sa munisipyo upang kumuha naman ng Police Clearance dahil isa ito sa mga major documents na requirements sa pagkuha ng Postal ID's. After kong magbayad ng 100 pesos sa Cashier ay binigyan naman ako ng resibo at mabilis ang transaction kaya lang akala ko tapos na ang payment dahil after ko mag finger print ay siningil pa ulit ako ng 20 pesos di ko alam kong para saan yun at isa pa walang resibo. At after kong magbayad bumalik ako sa encoding area at binigay na sa akin Police Clearance ko mabilis naman ang transaction at nakuha ko agad ang Police Clearance. Then after that deretso na ako sa Postal Office at nag aplay na ako Postal ID. At ang mga requirements dito ay 2x2 latest picture, Brgy. Clearance, Police Clearance, Cedula at mag pil-ap ng form sa loob ng Postal Office. Mabilis lang ang transaction sa loob ng Post office at typewriter ang gamit sa pag encode ng info sa ID at hindi computer. Hindi pede ang dala mong picture dapat sa kanila ka magpapapicture ng 2 pcs. 2x2 picture sa halagang 80 pesos, at mabayad din pala ang pagpa-photo copy ng documents mo yung application mong pinilapan at ang iba pang attachement documents. At sa halagang 326 pesos total lahat ng dapat mong babayaran di pa kasama ang picture at after a few minutes may postal ID kana kaya lang pansin ko sa information desk lang ako nagbayad at hindi sa cashier at wala pang resibo na ibinigay sa akin. Anyway, sanay naman ako sa ganitong mga transaction kahit noon pa di ko alam kong nadadaya ako o hindi basta ako malinis konsensya ko nagbayad ako ng tama ayun sa hiningi nila at ibinigay ko yun ng walang labis at walang kulang. Ang sakin lang resibo sana di ako binigyan. Sabi nila wala na daw resibo. Anyway thankful pa rin ako kc nakakuha na rin ako ng postal ID's. Thanks sa Postal Office ng City of San Fernando Pampanga.

Posted: Lakbay Lansangan

Wednesday, February 6, 2013

Flight to Saudi

Kay bilis ng panahon natapos agad ang tatlong buwan kong pananatili sa Pilipinas na kasama ang aking pamilya, akala ko matagal na ang tatlong buwan pero di pala at habang tumatagal ay parang ayaw ko ng umalis dahil pakiramdam ko ang hirap iwan ng aking pamilya dahil mga musmos pa ang aking mga anak. Inaamin ko masayang mag-abroad lalo na kung ang magagandang pagkakataon ay umaayon sa iyong kagustuhan yun bang may nagtitiwala sayong ahensya sa Pilipinas at employer dito sa ibang bansa at nabibigyan ka ng sapat na compensation para matugunan ang pangangailangan ng iyong pamilya, sa madaling salita may magandang sahod at benepisyo mula sa employer na iyong pinaglilinkuran dito sa abroad. Ngunit sa kabila ng lahat ay napapalitan pa rin ng lungkot ang kasiyahang iyong nadarama sa tuwing papalapit na ang araw na ika'y aalis muli para mangibang bansa. Masakit bilang isang ama ng tahanan na iwan ang kanilang mga anak at ang pinakamamahal na asawa upang lumayo ng isa o higit pang mga taon kapalit ng magandang hanapbuhay sa ibang bansa. Para sakin walang katumbas na salapi ang lungkot na nararamdaman ko sa tuwing aalis ako ng Pilipinas na sa bawat alis ko'y luha ang pabaon sa akin ng aking asawa at hindi ngiti sa kanyang mga labi. At ramdam ko ang lungkot at pangungulila ng aking asawa sa tuwing akoy aalis upang mangibang bansa at masakit din sa loob ko na iwan sila pero ganon yata talaga ang kapalaran ng isang OFW sabi nga nila "no pain, no gain" daw at ito lagi ang tumatatak sa isip ko na kung walang tyaga, hirap, at sakit ng katawan, sakit ng kalooban, stress ay walang asenso sa buhay kaya heto ako ngayon malungkot man ay pilit kong kakayanin at di lang ako nagiisa marami kami di lang mga Pilipino gayun din sa ibang lahi na tulad din nating mga Pinoy na iniiwan ang kanilang mga pamilya kapalit ng magandang pangarap para sa kanilang pamilya. Sa ngayon nandito na ako sa Saudi Arabia ayaw ko man noong una ay dito parin ako pinadpad ng aking kapalaran para makapag trabahong muli, sabi nga nila masamang tumanggi sa grasya at minsan lang daw dumating ang magagandang pagkakataon o swerte lalo na pagdating sa trabaho at pananalapi kaya sa oras na may magandang chance ay di ko na pinakakawalan. At heto akong muli pagkatapos ko sa malayong lupain ng Hilagang Africa ay dito naman ako sa  Saudi Arabia napadpad. Sabi ng mga ex-saudi na ating mga kababayan at sa PDOS ng POEA mahigpit ang batas dito dahil meron ditong death Penalty at sa oras na lumabag ka sa mga pinagbabawal ng batas tulad ng illegal drugs, pagpatay, pangagahasa o pakikiapid sa di mo asawa, at kabilang na rin dyan ang pagnanakaw ay walang patawad sa batas sa oras na mapatunayang ikaw ay guilty at ilan lang ito sa mga criminal offense na matindi ang parusa. Pero kung magiging mabuti kang tao kahit ibang lahi ka, basta sumunod ka lang sa batas ay wala kang dapat ikatakot. Sa ngayon I'm enjoying my stay here in Saudi! Work bahay lang ako and I'm trying to adjust again dahil iba na naman ang klema dito kompara sa Pilipinas, adjust din sa kultura at paniniwala ng bawat lahi. At yung respeto sa isat-isa Pilipino man o hindi di dapat mawawala. Kaya para sa mga kababayan kong nagbabalak papuntang Saudi...Sundin nyo lang paalala sa Pre-Departure Orientation Seminar o(PDOS). Malaking tulong mula sa POEA para sa isang OFW ang information mula sa PDOS para sa bansa na iyong pupuntahan.MABUHAY MGA OFW..!

Posted: Lakbay Lansangan