Kapapasok lang ng bagong taon at ang karamihan sa atin ay may kanya-kanya ng new year resolution. Pero ang ilan sa atin sa halip na magbagong buhay at iwaksi na ang maling gawain ay lalo pa yatang napasama at tuluyang minalas sa pagpasok ng taon. Sa pagpasok ng 2013 nakakatakot ang bungad ng taon dahil maliban sa kaso ng batang si Nicole na nabaril noong salubong sa new year ay isa na namang krimen ang nangyari sa Cavite dahil sa pag-aamok ng isang risedente. At namaril pa ito ng mga kapitbahay at gayun din sa kanyang mga nakasalubong at humigit kumulang sampo ang kaniyang napatay kabilang ang isang buntis at ang iba ay sugatan pa. At ano daw ang dahilan ng pag-aamok ng lalaking ito? At ang dahilan ay ang pesting alak daw at droga.! At dahil sa alak at droga na yan! Pumatay siya ng inosenteng buhay na walang kalaban-laban. Ano kaya ang mas maganda para sa ating bansa para mabawasan ang mga krimen na tulad ng ganito. Araw-araw nalang sa balita sa ating national TV ay di nawawala ang patayan, at kung di naman patayan ay nakawan at huling-huli pa sa CCTV camera. Sa luwag ng ating batas at kong may pera ka ay posible ka pang maabswelto sa kaso mong kinasasangkutan kong meron man. Mahal ko ang Pilipinas at taas noo ko itong ipinagmamalaki sa ibang bansa at sa ibang lahing nakaksalamuha ko. At isa akong masunuring tao sa ating batas. At wala akong dapat ikatakot kong ibabalik ng ating gobyerno ang parusang kamatayan o bitay sa mga taong sobrang sakit ang dulot sa ating lipunang ginagalawan. Siguro mababawasan ang mga krimen kung muling maibabalik ito at mapuprotektahan na rin ang mga mabubuting mamamayan na tahimik namumuhay at sumusunod ng maayos sa ating mga batas.
Posted: Lakbay Lansangan
No comments:
Post a Comment