Tuesday, July 31, 2012

Slutwalk Daw

Slut Walk Protest.-Isang police sa Toronto ang nagsabi na isa sa mga dahilan kaya nababastos at posibleng magahasa ang isang babae dahil sa kanyang pananamit na parang isang  prostitute. Isa lang ito sa mga photo na nakuha ko sa internet na bumabandera ngayon sa mga blogging site. Pinuprotesta nila ang kanilang estilo ng pananamit na hindi dahil sa klase ng trabaho at passion nila ay binibigyan nila ng kalayaan ang mga kalalakihan na sila ay bastusin at minsan pa ay napapagsamantalahan. Sa ating bansa isa rin sa mga nakikita nating dahilan kaya madalas nababastos ang mga kababaihan ay dahil narin sa mga sa pananamit na halos hubaran na ang kanilang katawan. Hindi lang isang slut or sexworker ang may kakayahang magsuot ng ganitong pananamit kahit sinong kababaihan sa kasalukuyang panahon ay may kakayahang magsuot ng ganitong estilo na pananamit. Noong unang panahon masyadong konserbatibo tayo lalo na sa kasuotan ng mga babae, kung mababasa nyo sa aklat ni Rizal na "Noli Me Tangere" nilalarawan nya dito ang klase ng istilo ng kasuotan ng ating mga kababaihan sa kanyang panahon hangang sa early 70's. Sa kasalukuyang henerasyon malaki ang ipinagbago ng passion ng ating bansa, kasabay ng passion ay dapat baguhin din natin ang ating kaisipan i explore sa mga bagay-bagay sa ating paligid lalo na sa mundo ng passion. Ang passion ay mahalaga sa buhay ng isang tao ito'y parang isang salamin na nasasa iyong harapan na nagre-replekto sa iyong pagkatao. Ibig sabihin kung gusto mong irespeto ka ng kapawa mo wag mong bigyan ng dahilan ang iba para di ka irespeto.
Salamat po.!

Posted: Lakbay Lansangan

Saturday, July 28, 2012

Mga Benipisyo ng isang OFW pag dating sa JOBSITE


1. Free Accomodation- Sarap basahin at pakinggan sa agency habang uma-attend tayo ng departure orientation na Free-Accomodation tayo pag dating sa bansa na ating pupuntahan. May aircon ang room at masasabi mo na parang ok. Pero pag nandon kana minsan maliit ang room good for two person lang dapat, pero ginawang tatlo-han.. Tuloy pag sabay-sabay kayong tumayo medyo parang magkakapalit ang mukha nyo. At isa pa nakahiwalay ang toilet at bathroom sa room hahakbang kapa ng sampu para marating ang paliguan. Sa madaling salita kung di ka sanay di ka komportable sa ganitong set-up, pero tiis lang tayo kase masasanay ka rin naman.

2.Free Transportation- Isa rin ito sa mga nakasulat sa ating kontrata ang libreng hatid sundo ng ating kompanya pauwi at papasok sa trabaho. Sosyal diba! may taga hatid sundo sayo mula sa accomodation mo hangang sa job site area or opisina na iyong papasukan. Pero alam nyo ba madalas ang ginagamit lumang malaking Bus na TATA minsan DAEWOO Bus na di pa aircon at sama-sama ang ibat-ibang lahi at siksikan pa.! Staff and Skilled worker ay sama-sama, pag di ka sanay baka mahilo ka dahil sari-saring amoy din ang malalanghap mo. Pero sa una lang yan masasanay karin diba kaya tiis kana naman.

3.Free Food- Ito ang pinakamagandang benipisyo mula sa employeer ang libre sa pagkain 3 times a day. Kaya lang ang food paulit-ulit kung Rice and Egg sa breakfast, at Chicken/Beef Rice sa lunch, at Fried tulingan sa gabi. Ang sarap kumain diba? Ano pang hahanapin mo after ng trabaho mo pupunta ka lang ng messhall at kakain kana lang. Pero alam nyo ba na sa buong kontrata mo araw-araw ganito ang kakainin mo unless nalang kung mamalengke ka at bumili ng gusto mong pagkain at maswerte ka kung pedeng magluto sa accomodation ninyo.
Ang resulta nito kong paulit-paulit na ganito ang kakainin mo Beef Chicken Egg posibleng magkasakit ka ng high blood or heart desseas dahil sa cholesterol ng kinakain mo..Ang isda ok lang kaya lang bihira lang ang isda. Ang masaklap pa nito minsan ibang lahi ang nagprepare ng food mo, at kadalasan may mga complain na na di maiwasan dahil madumi minsan ang pagkain. Madalas sa mga OFW nakakasakit sa skin tulad ng Buni, An-an, at minsan alipunga pa. Pero lakasan lang risestensya yan diba..Kaya tiis kana naman.

4. Salary- Alinsunod sa kontrata mo nasususnod namana ng basic salary na pinirmahan mo sa Pilipinas sa iyong agency. Minsan halos araw-araw lagi kang may overtime. Minsan my plus kapa na oras kung masipag ka, ang tawag dito givo sabi ng ilang mga korean company. Madalas naman laging ganito kaya masarap magtrabaho lalo na kung malaki ang basic mo plus ang overtime. Tuwang-tuwa siguro pamilya natin na padadalhan saka ikaw dahil mabibili muna ang gadget na gustong-gusto mo. Pero sa bigayan ng payslip iba ang computation ng overtime nila kaysa sa normal computation ng overtime wage according to the wage law of that country. Minsan dito tayo nadadaya. Kung magreklamo ka man sa kompanya sasabihin lang sayo ng HR at ADMIN ganito talaga ang computation dito.. Sa madaling salita dahil wala kang choice  tiis kana naman.

5. Pasaway na Amo- Kung mabait ang amo mo at matalino maswerte ka..pero kung tulad sa ibang amo, wala na ngang alam sa tindi ng stress nya sa trabaho ipapasa sayo kahit di mo naman scope ibibigay sayo! ang resulta mangangapa ka. At minsan pa sa kuting pagkakamali mo sanda-makmak na sigaw ang aabutin mo. Dahil dyan minsan naiisipan mong mag exit nalang dahil kung tatagal ka pa sa ganyang amo hangang matapos ang kontrata mo baka magkasakit ka sa puso. Ito ang pinakamiharap sa lahat parang pag laging galit ang Bos mo sayo dito ka mamamayat at posible ma stress ka din di dahil sa trabaho dahil sa araw araw na kasama mo siya. Dahil dito para sa pamilya natin sa Pinas..Tiis ka parin lagi mong sinasabi wala kang choice kc kelangan  mo ng pera.

6.Homsick - Ito ang naiiba sa lahat pag dinatnan ka ng lungkot dahil sa pagkaka mis mo sa pamilya mo. At minsan pa dahil sa kalungkutan mo kung ano-ano pang negative na pumapasok sa isip mo, kaya kung patuloy na laging ganito ang nararamdaman mo posibleng mauwi ito sa nervous breakdown.

Ilan lang ito sa mga nararanasan ng ating mga kasamahang OFW pag nasa JOBSite area at kasalukuyan ng nagta-trabaho. Magkagayun man tiis parin tayo dahil kahit papaano may trabaho tayo at kumakain parin tayo ng tatlong beses sa isang araw, at ito'y masasabi nating biyaya parin ng Puong May Kapal.
Para sa mga OFW na tulad ko MABUHAY tayong LAHAT.

Posted: Lakbay Lansangan

Friday, July 27, 2012

City of Oran, ALGERIA

Mula sa itaas matatanaw mo dito ang entire city of Oran. Napakaganda dito sa itaas habang iyong pagmamasdan ang mga kabahayan at mga gusali na nasa ibaba, at ang dagat sa ibaba yan ang Medetaranean sea at makikita din dito ang Oran Port at ang mga naglalakihang mga cargo vessel mula sa ibat-ibang bahagi ng mundo. Nasakop ng mga Frances ang Algeria noong 1830 until 1962 pero noong 1954 sumiklab ang digmaan laban sa mga Frances at naging malaya ang Algeria noong 1962 sa kamay ng mga Frances. Maganda at katamtaman ang climate dito. Simple lang ang pamumuhay ng mga tao, at tulad din ng Pilipinas may mga mahihirap at mayayaman din. Ang lingwahe dito ay French,at Arabic. Mayaman sa natural gas ang ALGERIA at sa langis, at malaking bahagi ng Disyerto ng Sahara ay bahagi ng Algeria at isa ang ito sa pinakamalaking disyerto sa mundo. Napakalaki ng lupain na sakop ng Algeria pero sa laki nito masasabi ko na di pa ganon sila ka-develop at marami pa silang dapat i-explore pagdating sa global society. Sa ngayon ang Algeria nagsisimulang bansa palang patungo sa kaunlaran dahil narin sa tulong ng ibang mga nation tulad ng Pilipinas at isa at parte ako sa mga nagdedevelop ng mga pangunahin nilang produkto para sa mundo ang pagmimina ng langis.

Posted: Lakbay Lansangan

Philippine RH Bill


RH Bill-
Natutuwa ako kay Senator Miriam Santiago dahil sa pagsulong nya ng RH Bill, isa sa mga ginagawa nya ay lumalabas siya ng senado at personal nyang kinakampanya na sanay ma-aprobahan at maisabatas ng legal ang RH Bill na isa siya sa nagsusulong nito. Isa daw sa mga dahilan nito ay ang pag-taas ng ating papulasyon, at dahil sa pagtaas at pagdami natin ay siya rin naman pagtaas ng mga naghihirap na mamamayang Pilipino, ibig sabihin may malaki daw na porsyento na mabawasan ang kahirapan sa bansa kung sakaling limitado lang ang magiging anak ng bawat pamilya o mag-asawa. Kung ako ang tatanungin di ko pa masasagot kung pabor nga ako sa RH bill o hindi. Isa akong saradong katoliko at ipinagbabawal ng simbahang katoliko ang ganitong panuntunan sa istelo ng pagpapamilya. Sa nakararaming Pilipino na tulad ko di ko pa lubusang alam ang nilalalaman ng aklat na nagsusulong ng RH Bill, sa pagkakaalam ko at ng nakararami ay gumamit ng condom sa pakikipag talik at uminom ng pills ang babae para di mabuntis. Sa idea ko marami pang napapaloob na di alam ng nakararami kung ano lahat ang napapaloob sa RH Bill kaya malaking usapin ito para sa simbahan at sa mga nakakaraming Pilipino. Mas maganda siguro kong isa-isang basahin sa publiko mula sa unang bahagi at huling pahina ng aklat ng RH bill para malaman lahat natin kung ano ang tunay na nilalaman ng RH Bill na yan ng sa gayun makapag pasya ang bawat isa sa atin kung karapat dapat ba na isa batas o hind.
Para po sa lahat mahalaga pong malaman natin bawat detalye nito, dahil may karapatan po tayong magdesisyon kung ito makabubuti sa atin or makabubuti man pero labag sa ating paniniwala.
Maraming salamat po.

Posted: Lakbay Lansangan