Posted: Lakbay Lansangan
Thursday, September 13, 2012
Piratang CD at DVD
Monday, September 10, 2012
First Flight
Isa na rin akong ganap na Overseas Filipino Worker. My first flight was in Middle East. Medyo excited at puno ng kaba kapag unang flight, excited dahil mararanasan ko na rin tumapak sa lupain ng ibang lahi at ma experience bilang isang dayuhan. Medyo kinakabahan kc para sa mga naiwan sa Pilipinasdi maiwasang mag worried lalo na kung pamilyado kana. Dahil first time ko sa abroad na experience ko ang unang summer sa middle east napakainit at dahil nasa construction ang trabaho ko kaya ramdam ko ang init ng klema, at sa pagsapit naman winter sobrang lamig din dito, dalawa lang yata ang climate sa Middle east, summer and winter lang at bihira ang ulan sa isang taon. First time ko rin makisalamuha sa ibang lahi medyo hirap akong mag-adjust sa una lalo na sa pagkain, at sa accomodation. On that time I'm not comportable in my room because I'm staying with other people and our beliefs and culture are totally different pero sa paglipas ng mga araw, buwan at taon nasanay narin ako basta marunong ka lang magsalita ng Ingles kahit kunti, walang dahilan para di kayo magkaintindihan. Napansin ko lang matagal na rin pala akong nag-aabroad simula ng unang alis ko ng Pilipinas hangang ngayon halos apat na taon na rin akong nagtatrabaho sa ibang bansa, at sa apat na taon di lang Middle East ang aking napuntahan, sa ngayon nasa Hilagang Africa ako at dito naman nakadistino, iba rin ang kultura dito ng mga tao at maraming adjustment ulit sa environment ang dapat kong gawin at matutunan at tulad ng dati sa una lang naman mahirap at sa huli makakasanayan din. Naisip ko matagal na rin ang apat na taon at kahit umuuwi ako yearly pero di parin sapat ang isang buwang bakasyun para mapawi ko ang isang taon na wala ako sa tabi ng aking pamilya. Sadyang maraming oras ang dapat gugulin na kasama sila para masabi kong kompleto ang araw ko at matutulog ako na may ngiti sa aking mga labi. Sa paglipas ng mga panahon na wala ako sa Pilipinas natanong ko sa sarili ko kung hangang kelan kaya ako magiging OFW? Ilang flight pa kaya ang aking mae-experience? Katuparan ba talaga ng mga pangarap sa buhay ng isang mahirap na Pilipino ang magtrabaho sa ibang bansa? Sa apat na taon ko sa abroad di ko pa ramdam ang sinasabing katuparan ito ng ating mga pangarap. Sa ngayon isa palang ang napapatunayan ko malungkot maging OFW, and being OFW iiwanan mo ang iyong mga anak at asawa sa Pilipinas and that one is the hardest thing decision you made. Hiling ko nalang sana paglaki ng mga anak ko mayaman na ang Pilipinas para hindi na kailangang mag-abroad para magtrabaho sa ibang bansa at iwanan ang pamilya tulad ng ginawa ko sa ngayon.
Posted: Lakbay Lansangan
Friday, September 7, 2012
PERA
Posted: Lakbay Lansangan
Thursday, September 6, 2012
Street Vendor
Karamihan sa kamaynilaan at mga karatig lunsod ng Metro Manila pangkaraniwan na nating makikita ang mga street vendor, lalo na ang mga tinitinda nilang mga street food like fish ball,squid ball, kikiam, balut, penoy, at kung ano ano pa.! Isa ito sa mga hanapbuhay ng ilan nating mga kababayan na di pinalad na makahanap ng regular at maayos na trabaho.At isa rin sa madaling hanapbuhay ang pagtitinda ng mga pagkain tulad ng simpleng food cart sa lansangan. Karamihan man sa kanila ay di nagbabayad ng buwis sa ating pamahalaan, pero may malaki rin na naitutulong ang mga ito sa ating ekonomiya dahil isa rin sila sa bilang ng mga maliliit na negosyante ng ating bansa or ang tinatawag sa economics na "sole proprietorship" it means pagnegosyo na pagaari ng iisang tao lamang in one time. Kabawasan din ito sa unemployment ng ating bansa, di ka man makapagtrabaho sa isang magandang kompanya na pinangarap mo, or di ka man pinalad na makapag abroad, may kakayahan ka namang mag negosyo maliit man basta maayos, malinis, magandang serbisyo and eventually makikilala at dadami ang iyong prospective customer o ang iyong target market. Sapat narin ito para mairaos ang pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya at sa ganitong negosyo nakakasisiguro ka na hawak mo ang oras mo at less strees dahil ikaw ang boss kumpara sa ikaw ang empleyado na may boss na tumitingin sayo oras-oras. Maliban dito masasabi ko rin na diskarte ito ng ating mga kababayan para sila ay kumita ng pera at di man kalakihan ay pwede na rin, at masasabing income din ito para mabuhay. Hanga ako sa mga Pilipinong tulad nila na patuloy na lumalaban sa hirap ng buhay at di nagiisip ng kalamangan sa kapwa, patas silang lumaban para mabuhay, di tulad ng iba na gumagamit ng dahas para mabuhay, di tulad ng iba na kailangan manloko para mabuhay, at ang malupit ang iba nagnanakaw sa kaban ng bayan para mabuhay..at para masunod ang mga luho sa katawan at para angat sa lipunang ginagalawan. Kaya ako proud ako sa mga street Vendor sa ating bansa, sagabal man sila minsan sa kalye, pero maayos parin at dapat ikarangal ang kanilang hanapbuhay.
Posted by: Lakbay Lansangan
Saturday, September 1, 2012
Sunrise view in my Cabin
Posted: Lakbay Lansangan
Subscribe to:
Posts (Atom)