Talamak talaga sa mga bangketa natin ang mga nagbebenta ng mga ilegal na CD, DVD at hindi lang pilikula ang pede mong mabili sa mga copy disk na benebenta sa sidewalk at minsan sa mall pa, meron din mga porn video, documentary, and common software for windows. At ako man ay nag try din bumili minsan sa isang store sa may Avenida, Maynila nag try akong bumili ng CD doon kc napasin ko sa halagang 80 pesos may benebenta rin silang mga installer like CAD Software withlicense pa daw. Dahil sa murang halaga compare sa mabibili mo na original at sa authorized and license store sinubukan kong bumili hindi dahil sa ito ay kelangan ko, kc sa halagang 80 pesos gusto kong malaman na kong talagang cad software ang nasa loob, at kung tunay ba ang laman sa loob or mag work ba ito after kong ma install sa PC ko, pag-uwi ko ng bahay install ko agad ito para ma-check ko kong anong different ng pirata at orihinal, after kong ma-install nag work naman ito at nag generate din siya ng license code at hangang ngayon still working my Cad Software in my PC. Ang original software for windows na madalas natin gamitin lalo na sa mga documentation like ADOBE, CAD, Microsoft Office, Nero etc. ay nagkakahalaga sa atin sa Pilipinas ng di bababa sa dalawang libong piso kadalasan. At kong ikumpara mo sa pinarata na halagang 80 pesos ay ang laki ng pagkakaiba sa presyo at ang laman ay parehas lang. Hindi ko naman sinasabi na tangkilikinnatin ang mga nagbebenta ng mga piratang CD at DVD, alam natin na itoy labag sa batas at may kaukulang parusa sa mga bibili at gayundin sa nagbebenta. Simula ng bumili ako ng piniratang CD dito ko naisip kaya pala maraming bumibili ng ganitong ilegal na produkto ay isa ng dahilan ay sa murang halaga pero ang benifit ng produkto ay halos tulad din ng orihinal nagkaiba lang sila sa packaging at labeling ng produkto. Pero ang point dito ok man ang produkto nilang benebenta at mababa man ng halos 80 porsyento sa orihinal na mabibili sa mga authorized dealer ay hindi ibig sabihin tangkilikin na natin ito. Labag parin ito sa ating batas at kung ikaw ay concern citizens dapat di pansariling kapakanan lamang ang iyong protektahan gayun din dapat ang mga taong nag-nenegosyo ng tama at di nanglalamang sa iba. Post ko lang ito kc di lang pala sa Pilipinas problema ang piracy halos lahat pala ng mga bansa sa mundo ay may malaking problema pagdating sa mga piracy product at isa na ang Pilipinas dito.
Posted: Lakbay Lansangan
No comments:
Post a Comment