Dikit-Dikit at gawa sa mga wood materials, yero at plastik ang mga kabahayan na makikita natin sa tabi ng relis. Masyadong pilegroso ang ganitong lugar para sa isang pamilya lalo na kong may maliliit kang mga anak. Maliban sa masikip na lugar, at sa ingay ng Tren na dumadaan sa araw-araw ay takaw aksidente rin ito para sa mga naninirahan dito. Kung titingnan natin ang pamumuhay ng mga taong nasa Riles iisipin natin na talagang risky ang lugar, una dahil ilang dipa lang ang layo nila sa Riles at pag may dumaan na Tren baka magkamali sila ng galaw at mahagip ang sino man sa kanila. Pangalawa, ang kanilang mala-studio type na kabahayan dahil itoy magkakadikit at gawa sa kahoy ang karamihan, at sa di inaasahan na magkasunog maaring maging mabilis ang pagkalat ng apoy sa mga kabahayan. Napansin ko sa paglipas ng maraming taon ay patuloy din sa pagdami ang mga naninirahan sa tabi ng Riles ng Tren at dito ko naisip kasabay ng paglipas ng panahon ay siya rin dami ng mga naghihirap sa atin, it means tumataas population sa ating bansa at the same time pagtaas din ng poverty. Wala man tayong gawing survey sa madla, di man natin mabasa sa dyaryo o mapanuod sa telebisyon ang status ng kahirapan sa ating bansa ay makikita natin at mararamdaman dahil hindi naman tayo bulag at di rin tayo manhid.
Sa ngayon kung mapapansin nyo ganito na daw ating PNR ito ay proyekto ng ating gobyerno na pagandahin ang ating Philippine National Railways maganda na ang design sa labas at loob at kaakit-akit na ring tingnan at masasabi nating pang world class din ang dating at kong ma-experience nyo na makasakay dito sa mababang halaga ng pamasahe, aircon din, malinis at di siksikan tulad sa MRT sa Edsa at LRT sa Taft ay surely safe ang paglalakbay mo at iwas trafic din. Kaya lang sana sa pagpapaganda ng gobyerno sa PNR kasabay nito pagandahin din nila ang daanan ng mga Tren, alisin ang mga nagsulputang iskwater sa mga tabi nito lagyan ng Fence ang gilid ng railway, na posibleng pagtayuan pa ng mga barong-barong at maiwasan din ang abirya sa operasyon ng PNR dahil marami ng mga case ng aksidente sa Riles ng Tren at wag nating sabihing ito'y common case lang, mapanganib ang manirahan dito and for safety reason tulungan din ang mga iskwater dito na mabigyan ng maayos, malinis, at Komportableng tahanan para naman totally masabi natin na maganda na nga ang PNR.!at no doubt ako dyan.!
Posted: Lakbay Lansangan

No comments:
Post a Comment