Thursday, November 29, 2012

Dead River

Akala ko noong una sa Metro Manila lang marumi ang mga ilog pero kahit sa mga karatig probinsya din pala ng Metro Manila ay meron ding matatawag na dead river at masasabi nating wala ng silbi ang tubig na dumadaloy dito dahil wala ng posibleng mabuhay na pede nating mapakinabangan tulad ng isda o laman tubig na pede nating ikabuhay sa araw-araw. At dahil sa dumi at baho ng amoy ng ilog na ito ay ano pang silbi nito sa ating pang-araw araw na buhay? Gustuhin man nating ibalik ang dating linis at bango ng halimuyak ng mga ilog na tulad nito ay malabo na rin itong maibalik dahil narin sa mga taong naninirahan na malapit sa ilog na walang disiplina at kahit kelan ay di pinahalagahan ang ating Ilog. Sa ganitong sitwastyon ang pede nalang nating gawin para sa kaligtasan ng bawat isa pagdating ng tagulan ay wag nalang tapunan ng basura ng sa gayun sa pagsapit ng tag-ulan ay di magbara at dumaloy ng maayos ang tubig para di tumaas ang baha na pedeng makaapekto sa atin. At ito nalang ang pede nating gawin sa mga dead river wag ng tapunan ng basura at linisin nalang ang paligid nito kahit maitim man ang dumadaloy na tubig dito ay pede pa nating tiyakin na di ito magiging sanhi ng malakihang pagbaha sa pagsapit ng tagulan na posibleng maging dahilan ng pagkawala ng ating mga kabuhayan at minsan pa ay ang pagkawala ng ating buhay.

Posted: Lakbay Lansangan

No comments:

Post a Comment